Disclaimer: this story is no other than a fiction. The names, places, things and events are just part of the authors imagination.
Plagiarism is a Crime.
Her PoV
"Morning, Doc!"
"Aga naman ni Doc."
"Blooming everyday, Doktora! Wala pa ba si Mr. Right?"
"Binobola mo na naman ako, Aling Ising."nguso ko.
Ngumiti naman ito sa'kin. "Natulog ka po ba, doc?" Ani Aling Ising na inilingan ko na lang. "Kaya pala."ngiti niya.
I'm in my white coat today dahil kakatapos lang ng operasyon kaninang alas singko. Sobrang sakit na ng katawan ko at wala pa akong tulog ngayon.
Nakadestino ako rito sa isang private hospital sa St.Joseph. Halos mag-aapat na buwan na ako rito dahil kakalipat ko lang nung nakaraan. I was surprised pero natanggap ko naman agad dahil sa magandang pa-welcome nila.
Papunta ako sa office ko na nasa second floor. Nakapusod lang ang buhok kong brown at may mga kaunting bangs lang na nalalaglag, kaya natatakpan nito ang noo ko.
Pagbukas ko sa pintoan ay agad na bumungad sa akin ang plain brown paint ng walls ng office ko, with a blue lining sa ibaba at ang liwanag na nanggagaling sa mala-dolphin na design ng ilaw ang syang nagbibigay ganda sa opisina ko. May aircon rin ang buong office ko kaya laging nakasara ang pintoan.
"Good morning, Doc!" may energy na bati sa'kin ng medical assistant kong si Haidie.
Nakaupo siya don sa may desk, sa tabi ng pintoan. Talagang pagpasok mo pa lang ay sya na ang unang bubungad sayo. Siya rin kase ang nagsasabi kung sino ang pasyenteng susunod.
Gaya ng dati kong ginagawa ay nginitian ko na lamang sya saka tinangoan."Morning, kumain ka na?" tanong ko at tumango naman siya. Tinignan ko rin ang blue book na hawak niya, kung saan niya nilalagay ang schedules and appointment ko every day.
"Gutom na'ko."I told her.
"Sakto, doc. Kain ka na, may pizza sa table mo."ngiti ni Haidee.
"Morning, sabog na Zhai." bati naman sa akin ng kaibigan kong si Saralei, bumisita na naman siya ng hindi nagsasabi sa akin. Hindi ko sya nakita kanina dahil kakalabas nya lang sa loob ng rest room.
Sara is my childhood friend. Nagwo-work sya sa isang sikat na company as a secretary.
"May dala akong pizza. Paborito mo."she excitingly said. Well, makakatanggi ba naman ako, eh lagi syang nagdadala ng pagkain kaya lagi rin kaming sinasalohan ni Haidee.
Nakasuot sya ngayon ng office suit, obviously.
Marahan syang umupo sa swiveling chair ko at ako ang umupo sa harapan nya. Agad akong kumuha ng isang slice sa pizza na dala nya. Galing sa greenwich ang pizza, ang sarap ng hawaiian pizza nila ro'n. Hindi nakakasawa. May dala rin syang malaking plastic bottle ng mountain dew.
"Haidie, alika rito at magmeryenda ka muna."alok ko. "Wala nang matitira, matakaw pa naman itong si Sara."pambibiro ko pa kaya tumayo na lamang ito at kumuha ng dalawang slice dahil hindi naman talaga namin kayang ubusin lahat.
"So, may balita na ba?" Sara started the conversation, as expected. Magtatanong lang siya tungkol sa lovelife ko na lagi niyang ginagawa mula pa noon.
"Wala ka bang ibang ginagawa sa buhay bukod sa pangengealam sa buhay ko?"
"Omaygash ka, Zhai! Ilang taon ka nang single, hindi ba nagwork si surfer guy? Si mountain climber guy o di kaya si business guy?" may pagka-OA na tanong niya sa'kin habang ngumunguya ng pizza.

YOU ARE READING
Yesterday's Remorse
RomanceRaygaine Hilton Santiago is a hopeful romantic boy who followed her sister in Italy to meet his girlfriend, because their break up wasn't clear for him. He then met Zhairel Maeghan Villaruel, a girl who's trying so hard to forget her ex-boyfriend wh...