San Jose Provincial Hospital.
Pasado alas-diyes ng gabi nang pumasok ang itim na van sa premises. Bukod sa driver sakay niyon ang isang lalaki at babae na kasalukuyang nagbibihis ng kasuotan ng doctor at nurse. Pumarada ang van sa madilim na gawi sa parking area ng pagamutan at maliksing bumaba ang dalawa matapos isuot ang surgical mask. Tinunton ng mga ito ang main entrance na gwardiyado ng dalawang security guards."Good evening, doc, ma'am." Duweto ng mga bantay na hindi na nag-abalang siyasatin pa ang dalawang nagbabalat-kayong pumasok sa gusali. Panay ang tinginan ng mga ito. Nagbibigayan ng signal sa isa't isa.
Sumenyas ang babae sa kaliwa. Ito ang may hawak ng mapa sa limang palapag na pagamutang iyon. Distinasyon nila ang fourth floor kungsaan matatagpuan ang pakay nila roon. Mabilis nilang inakyat ang hagdanan habang alertong nakiramdam sa kanilang paligid.
Muling nagturo ng direksiyon ang babae habang bitbit ang mapa pagsapit nila ng ikaapat na palapag. Tumango ang lalaking kasama nito at isang tahimik na pasilyo ang nilandas nila. Iilang nurse ang nakasalubong nila at binati ng tango. Isa sa mga iyon ay lumabas mula sa silid na kanilang pupuntahan. Muling nagtinginan ang dalawa habang nakatayo sa harap ng pintuan.
Isinuot ng lalaki ang rubber gloves at hinawakan ang seradora. Pinihit. Ang babae naman ay luminga-linga. Matapos tiyaking walang ibang nakakakita sa kanila mabilis silang pumasok sa loob. Nakakulong sa makakapal na salaming dingding ang incubator. Itinulak ng lalaki ang mabigat na glass door. Ngunit napatda ito nang matunghayan ang incubator na walang laman. Wala ang sanggol na inutos sa kanilang kukunin doon.
Tarantang sinipat ng dalawa ang mapa. Baka nagkamali lamang sila ng silid na pinasok. Pero nakasaad sa mga marka na iyon nga ang tamang destinasyon. Dali-dali silang lumabas at tinungo ang susunod na kwartong pakay nila roon. Ngunit gaya roon sa incubator wala na rin sa private room ang pasyenteng pakay nila.
"Nurse," isang nurse na dumaan ang hinabol ng lalaki. "Family doctor ako ng mga Andromida. Nasaan na ang pasyenteng si Glen Andromida?"
"Out-patient na po siya, doc. Kaninang hapon sila ni-released ng baby niya," sagot ng nurse. Kapwa laglag ang mga balikat at bigong nagkatinginan ang dalawa.
MAINGAT na binuhat si Glen ng asawa at dinala sa kinaroroonan ng incubator sa kabilang bahagi ng malaking silid. Nakangiti siya at hinagkan sa panga si Vladimir habang ibinababa siya ng lalaki sa high wheel chair upang mapantayan ang infant incubator.
"Thank you," magiliw niyang sabi at buong pagmamahal na pinagmasdan ang sanggol. The infant inside the relatively small, glass-walled box looks like an angel.
"Pwede ko ba siyang hawakan?" She peek through the portholes fitted with long rubber gloves which they can handle and care for the infant. Her eyes drawn to the fitted special devices that controls the concentration of oxygen inside the incubator.
May pinindot na button si Vladimir at umurong pabukas ang glass cover. Sabik niyang kinapa ang maliit at malambot na kamay ng baby. The thick eyebrows and the prominent nose basically were taken from his father. Pati na ang masungit na kurba ng mga labi nito ay kopyang-kopya.
"Aren't you tired from the drive this afternoon?" May pagsuyong tanong ng asawa niya at dumukwang. Hinagkan siya sa tuktok ng ulo.
Umiling siya. Ang paa naman ng sanggol ang hinaplos niya. "Okay lang ako." Kaninang hapon lamang sila nakauwi rito sa villa.
She didn't know that Vladimir converted one of their huge rooms in the upper floor into a medical facility. Fully-equipped with all the needed modern medical apparatus and more comfortable than those rooms in the hospital. Tatlong araw lang tinrabaho ang facility sa tulong nina Ghaile at Yamraiha.
BINABASA MO ANG
NS 03: THE COVENANT ✅ (Published)
RomanceHe is a formidable boss. She is a tough virgin. His devotion to the cause of his clan knows no bounds. Her advocacy for the Mangyan people is remarkable. A man who will put his family above his desire. A woman who is willing to do anything to defend...