Dear Diary,
Diary!! Gusto mong malaman kung anong nangyare sa araw na ito ? Makinig ka sa ik-kwento ko! Sigurado akong matutuwa ka para sakin!
*flashback*
"Ate! Bilisan mo andyan na yung sundo mo!" sigaw ng napakaganda kong kapatid na si Sheena Halili este Sheena Hyun. Nang makuntento ako sa itsura ko ay bumaba na ako ng kwarto ko at nag paalam kay eomma.
Sumakay na ako sa kotse at nag wave ng hand ko sa family ko. San nga ba ako pupunta? Exo Concert lang naman :P Im sure msaya 'tong araw na 'to.
"Mam andito na po tayo." Hndi ko namalayang andito na pala kami. Abot langit ang ngiti ko ng matanaw ko yung lugar kung saan ang concert gaganapin. Humanap na ako ng upuan ko wala pa msyadong tao 5 pa lang naman ng hapon eh mga 7 pa magsisimula ang concert kaya sa bandang unahan ako nakaupo.
2 hours ago..
"KYAAHH~~~!!!!" Tilian naming mga exo-l ng lumbas isa isa ang member ng exo.
"SARANGHAE CHANYEOL OPPA!!!!!" Pagsigaw ko. Ang gwapo gwapo niya sa suot niya. Shemay!
"Saranghae ^^" pagsagot niya. Kyaaahh! OMG saranghae daw sabi ni bias.!
Nag-greet sila isaisa at sumayaw, habang kaming mga exo-l abala sa pag tili.
3 hours ago...
Ntapos ang concert at eto ako medyo malungkot, hindi kasi ako nakapag picture kay bias eh. Tapos yung sundo ko wala pa, naiwan ko pala yung cellphone ko sa kwarto ko kakamadali ko. Asar wala tuloy ako masakyan. Puro puno kasi yung jeep na dumadaan, kung magtataxi naman ako ang lapit lapit lang. Pag nagtricycle ako hindi bagay sakin, hello! ang yaman ko kaya! Umupo lang ako dto sa may bato, napagod kasi ako kakasigaw dun eh.
Ilang minuto na ang lumipas siguro mga 5 minutes, umuulan na yari ako kay eomma neto eh, wala akong dalang payong! Nakaupo lang ako dto habang naghihintay ng masasakyan wala akong masilungan, kaasar!
May papalapit saaking lalaki na may dalang payong, pinayungan niya ako at tumingin saakin. Hindi ako nagkakamali sa nakikita ko!
"CHA---" Naputol ang pagsigaw ko ng biglang takpan niya ng kamay niya ang bibig ko, hmmm bango ng kamay niya, kamay palang yan ah?
"Ssshhh. Wag kang maiingay baka pagkaguluhan ako dto." Ahmmm okay? pero sa loob loob ko hindi ako makapaniwalang nakakausap ko ngayon ang bias ko!
"Hmm. wala ka bang sundo? Sabay kana samin." pagyaya nito.
"A-ahm o-okay..." nauutal kong sagot, hindi kaya nakatulog ako sa paghihintay,?
Hinila niya ako papasok sa mahabang kotseng puti. Pagpasok ko hindi ko mapigilang sumigaw.
"Kyaahh! Baekhyun, Sehun, D.O, Kai, Lay, Luhan, Tao, Chen, Suho, Xiumin, Kris, Chanyeol!!!" Pagsigaw ko sabay yakap sa kanilang lahat.
"Hello. What's your name?" tanong ni Tao
"Hi! Im Seo Joo Hyun, Seohyun." pagpapakilala ko sabay ngiti.
"Ahmm... Seohyun san nga pala ang address mo?" pagtatanong ni Chanyeol mylabs.
Binigay ko naman ang address ko at sinabi niya ito sa driver nila. Nagkwento sila sakin tungkol sakanila at nagkwento naman ako tungkol sa sarili ko. Nagpapicture na rin ako sayang naman noh! Sinabhan pa nila ako na samin samin lang daw yun na pinasakay nila ako dto, bawal daw ipagsabi.
"we're here" sabi nung driver nila. ang bilis naman. bigla akong lumungkot pag labas ko ng kotseng iyon.
"Don't be sad Seohyun. okay? here's my number" inabot sakin ni Chanyeol yung papel na yun at binigay ko rin number ko.
"Magkita tayo bukas gusto pa kita makilala" pagsabi nya non ay biglang nagiba awra ko, napangiti ulit ako.
"Okay! Bye Chanyeol! Saranghae" pagpapaaalam ko dito.
"Bye Seohyun! See you tomorrow! Saranghae" sumakay na siya sa kotse at nag wave hands ang ibang member saken. napangiti nalang ako.
Pagpasok ko sa bahay agad kong hinanap si eomma.
"Eomma! pakikurot nga ako!" sabi ko. Kinurot naman niya ako, nagmana nga ako sakanya. haha
"Aww!" sabi ko... totoo nga hindi ako nananaginip! O M G! Kelangan ko ng ballpen, isusulat ko sa kalendaryo ko na itong araw na to ang pinaka masaya na araw sa buhay ko!
"Ano ba yan anak? Bakit pangiti ngiti ka pa dyan?" pagtatanong ni eomma.
"Wala lang po! Akyat na po ako!" sagot ko
"Hay nako ate baliw ka na talga!" sabi ni Sheena. Hindi ko nalang siya pinansin.
"Kumain ka muna anak." sabi ni eomma
"Hndi na po busog na po ako." busog na ako kasi nakita ko yung exo at nakasama pa sa isang sasakyan! huehue
*end of flashback*
8 na ng gabi at kelangan ko ng matulog! Im so excited for tomorrow! Waahhh its my first time na makikipagdate sa bias ko. Teka date nga ba to?
Masayang dyosa,
Seohyun
A/N: Guys iimagine nyo nalang na nag ko-korean si Chanyeol ah? hahaha oo para ngang may konting parehas to sa 'Dating Park Chanyeol' na story pero konti lang naman hndi naman lahat kukunin ko ! I have my own brain. anu daw? hahaha :) hope you like it guys..
BINABASA MO ANG
Diary Ng Fangirl
FanfictionNranasan mo na bang maging fangirl? Paano kung sa personal ay makita mo sya at balang araw magiging kayo? Sasaya ka ba? O malulungkot? Abangan ang Diary Ng Fangirl.. Started:December 12, 2014 Finished: All Rights Reserve 2014 Storry written by: K...