BIGLAAN

39 0 0
                                    

I.

Matagal-tagal din akong hindi nagsulat ng tula

Siguro dahil sa isang taong nagbigay ng saya

Taong hindi nagbago ang ugali sa akin na

Hanggang ngayon umiintindi at sumusuporta

II.

Wala akong maisip na dahilan bakit ang bait mo?

Yung tipong ginugugol ang buong oras mo

Na alam mong malabong magkaroon ng tayo?

Hindi ko alam kung tanga ka ba o bobo!

III.

Sa tagal ng panahon na lumipas na wala tayong komunikasyon

Di ko alam bakit may oras na sa’yo pumupukaw ang atensiyon?

Inaamin ko nung una wala talaga sa isip ko na magkagusto sa’yo

Pero bakit ngayon, parang kinakain ko na ang mga sinasabi ko?

IV.

Pagkatapos ng date natin nung June 12 sa Sm Edsa

Binubulong ko sa isip ko na meron ka pa lang pag-asa

Pag-asa na maging bahagi ng buhay ko

Ikaw na kayang ipakita at ipadama sakin na napakaespesyal ko

V.

Alam kong napakalaki ng pagkakaiba nating dalawa

Kilos, porma, ugali, taon, katawan at marami pang iba

Yung tipong bigla na lang pinagtagpo sa isa’t-isa

Yung wala talagang intensiyon na madevelop sa isa’t-isa

VI.

Di ko alam bakit ko ginagawa at pinag-aaksayahan ng panahon ‘to

Bigla na lang pumapasok sa isip ko ang lahat ng nakasulat dito

Umpisa na ba ng totoong pag-ibig tong nararamdaman ko?

Handa na ba ko makipagsapalaran sa bagong uri ng tao?

VII.

Unana-una nagpapasalamat ako sa kabutihang pinapakita mo

Alam kong di mo ineexpect ang lahat ng ‘to

Maski ako nagugulat sa mga sinasabi ko

Natutuwa ako dahil may isa pa lang tao na laging nasa tabi ko

VIII.

Kahit sobrang dami ng nagdaan sa buhay nating dalawa

Bakit ganon? may mga panahon talaga na bumabalik tayo sa isa’t-isa

Kung iisipin ang kulit ng kapalaran nating dalawa

Pinaglalaruan ba tayo ng tadhana? o mismong tayong dalawa ang gumagawa?

IX.

Dami na ring taong dumating sa mga buhay natin

Na mismong nagpahalaga at nagmahal satin

Alam ko at alam mo rin na kahit minsan

Naaalala at natatawa sa mga panahon na nagkukulitan :D

X.

Sa parte ng tula ko ngayon alam kong napapangiti ka :P

Kasi totoo lahat ng mga sinasabi ko

Na isang dahilan para magustuhan mo ang ugali ko

Kung saan nag-umpisa ang mga panahong lagi ka ng masaya :)

XI.

Napakaraming salita ang  gusto kong ipabasa at ipadala sa’yo

Pero sa ngayon mas maganda kung unti-unti ko na lang ipaparamdam sa’yo

Dahil sa mga oras na ‘to may kailangan pa kong itanong sa sarili ko

May mga bagay at katanungan pa rin na gumugulo sa isip ko

XII.

Masasabi ko lang sa ngayon mas maganda kung hayaan na lang nating mangyari

Ang mga bagay na unti-unti nating malalaman sa ating sarili

Na walang sinuman ang mangingialam sa gusto nating mangyari

Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan ng pusong makasarili

XIII.

Sana maintindihan mo ko na sa ngayon di ko pa kayang ibigay ang lahat sa’yo

Wala pa kong maiipangako na dahilan para panghawakan mo

Kailangan ko munang maramdaman at manigurado kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa’yo

Nang sa ganon kaya ko na mapantayan ang lahat ng ibinibigay mo

XIV.

Masyado ng mahaba tong sinusulat ko

Pag tumagal pa to baka maging kwento

Basta maging maayos ang samahan nating dalawa

Matatapos lahat ng maganda :D

Written by: Shiela Mae "She" M. Reyes ^^,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BIGLAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon