Mabibilang lang ang costumer sa umagang ito, lahat ay nakaupo sa kanilang mesa at wala pang pumapasok na bago.
"Anong tinitignan mo dyan?" Tanong ni Ryle, hindi ko alam kung kanina pa ba sya dyan.
"Ah si Alyza"
"Why? Is there something wrong?" Tanong nya.
"Nothing, I just.. I just wanna check if she's okay" Napatango na lang sya. Nakatayo ako ngayon sa gilid ng pinto sa kitchen, tinatanaw si Alyza na nasa counter. Nakapangalumbaba ito at may tinatanaw sa kung saan.
Hindi ko sya natiis kaya lumapit ako ng marahan at napag-isipang kausapin n muna sya.
"Ly"
"Hmm?" Hindi nya ako tinitingnan pero alam kong nakikinig sya.
"Alam kong malungkot ka, nandito lang ako. Pwede mo akong kausapin" Binigyan ko sya ng ngiti at nilapitan pa ngunit hindi nya pa din ako nililingon.
"Ayokong magakaroon tayo ng hidwaan dahil lang sa isang lalake" saad nya at bumuntong hininga pa.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Masakit Janine. Yung taong gusto ko, gusto naman ang kaibigan ko" napaawang ang labi ko at diretsong tumingin sa kanya "Ginawa ko ang lahat para mawala yung feelings kong to dahil alam kong may masisirang pagkakaibigan" patuloy nya. Hindi ko na sya maintindihan "Pero wala eh, sya talaga ang gusto ko" sa pagkakataong iyon ay tumingin na sya sakin "Wala ka namang gusto sa kanya, right?" Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata at ang pag-kunot ng noo nya.
"K-kanino? Sino ba ang tinutukoy mo?" Tanong ko.
"Kay Chris, you didn't like him diba?" Ilang segundo akong natahimik.
'Bakit ako ang tinatanong nya?'
"Janine.. "
"Hindi ko sya gusto" sagot ko. Napalingon na naman sya sa kung saan.
"Pero bakit ikaw pa din ang pinipili nya kahit hindi ka nya gusto? Nandito naman ako ah? Hindi nya ba makita yung totoong nararamdaman ko?"
"Bakit ako ang tinatanong mo ng ganyan?"
"Manhid ba kayo? Gusto ka nya at nasasaktan ako doon dahil kaibigan kita" Mahinahon lang syang nagsasalita pero mararamdaman mo yung sakit. Hindi ako nakapag-salita, bigla nalang may tumapik sa kaliwang balikat ko.
"Andyan ka lang pala, may ipapagawa dun sa kitchen at kailangan ka namin" lumingon si Chris sa gawi ni Alyza at binigyan ito ng mapait na ngiti kahit na alam naman nyang sa iba nakatuon ang paningin ni Ly. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
'Si Chris na 'kaibigan' ko ay may gusto sakin?'
"Kanina ka pa tulala dyan, may problema ba?" Umiling ako sa tanong ni Ryle. Sa totoo lang, hindi ko din alam kung may problema ba o wala. Patuloy ako sa pagta-trabaho kahit na hindi nakatuon ang atensyon ko dito.
"May iniisip lang" Napatango lang sya sa sinabi ko.
Dumaan ang maghapong tahimik lang ako, may nga pakakataon ding kinakausap ako ni Chris pero hindi ko magawang sumagot. Pre-occupied masyado ang utak ko sa mga sinabi ni Alyza.
'Akala ko ay ayaw nyang may makaalam ng iba na gusto nya si Chris, pero bakit umamin sya dito?'
'May nangyari ba kaya napilitan syang umamin o baka naman may na realized talaga sya'
BINABASA MO ANG
My Heart Belongs To You
AlteleJanine Cordeza ay isang simpleng bababe at walang ibang gusto kundi ang payapang buhay. Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa kanyang buhay, napilitan syang umalis sa puder ng kanyang ama. Sa kanyang pagharap sa mga suliranin, makakahanap sya n...