Prologue

23 0 0
                                    

Malakas na sigawan ang naririnig ko mula rito sa backstage na mas nagpalala ng aking kaba. Matatapos na ang kabilang banda at kami na ang susunod na magpeperform.

"Mukhang talo tayo sa audience impact ah" tawa ng katabi kong si Phany, ang drummer ng banda namin.

If I could just die in your arms

I wouldn't mind

'Cause every time you touch me

I just die in your arms

Oooh, it feels so right

So, baby, baby, please don't stop, girl~

Die in your arms huh. It's not usual for Pheonix to sing pop but maybe they could do it once in a while lalo na at diyan nababaliw ang fangirls nila.

Ang balita ko may nag-offer na recording company sa kanila but they're not interested. Hobby lang ang pagbabanda sa kanila and besides, they came from rich families. Not just rich but super rich.

Mas lalong lumakas ang sigawan hudyat na tapos na silang magperform.

Tumayo na ako para maghanda at saka uminom ng tubig nang may hindi sinasadyang makabungo sa balikat ko. Muntik na 'kong mabilaukan pero buti na lang napigilan ko kaya naman lumobo ang pisngi ko dahil sa naipon na tubig. Napatingin naman ang nakabungo sakin na bahagyang nagulat din.

"I'm sorry miss, here" akmang iaabot niya sakin ang kanyang panyo ngunit inunahan ko na siya at kinuha ang sarili kong panyo

"No, it's okay" and I looked at him. Saka ko lang napagtanto na ang vocalist ng Pheonix pala iyon.

Natameme ako sa kanya. Kung noon ay nakikita ko lang siya from a distance... God I didn't know he's hot. Sweat is dripping from his forehead, probably tired from performing and kahit na madilim dito sa backstage, I can still see his defined jaw.

"Uh... nice performance" napahawak ako sa batok "Ang galing niyo" dugtong ko pa.

He chuckled in a manly way "Thank you and... goodluck in your performance." nginitian ko na lang siya at tumalikod na para maglakad na sa hagdan ng stage.

Bumalik ang kaba ko nang makita ko kung gaano ka-wild ang crowd. Expected na maraming manonood ng battle of the bands lalo na't kasali rito ang mga sikat na banda galing sa iba't ibang university at rave party din ito.

This isn't my first time alright, I'm not nervous about performing. We just need to win this shit so I could pay the rent for my apartment.

Habang naglalakad ako patungo sa gitna ng stage ay mas lalong lumakas ang hiyawan at mga sipol galing sa crowd. Ngumiti ako to set the mood at habang nag seset up pa ang bandmates ko sa likod ko ay nagpakilala na ko

"Good evening everyone!" yun pa lang ang sinasabi ko pero isang malakas na hiyawan na naman narinig ko. May narinig pa kong sumisigaw ng mga pangalan namin at I love you's.

"I'm Crizza and I'll be the vocalist for tonight, this is Phany our drummer, Jhulz and Ethan the lead guitarist and bassist and Jay for the keyboard." sinabi ko yun habang tinuturo sila isa isa.

"Let's enjoy this night and forget about our freaking problems. Okay ba?" humani ito ng panibagong sigawan galing sa madla at kasabay nito panimula ni Jay sa Breakthrough ng Lemonade Mouth.

Pumikit ako sa paraang dinaramdam ko ang kanta. Unlike the original piece, we did it in a slower pace and didn't include the rap part. My bandmates will do the second voice.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Songbook and PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon