12

23 0 0
                                    

Gulat na gulat ang nurse nang makita akong buhat buhat si Neo pasugod nang clinic. "Miss! Hinimitay po sya! Kanina eh nahirapan syang huminga! Nag-inhaler na po!" tarantang sabi ko talaga! Pinagtinginan pa ako nang mga estudyanteng nadaan sa may clinic

"Ambelibabol!"

"Pano nya nabuhat si kuya?!"

"Anlakas ni ate amp!"

"Kapatid nya ata si Hulk?!"

"Tange adrenaline rush tawag jan! Pag may sunog sa bahay nyo swear mabubuhat mo yung ref nyo nang walang kahirap hirap!"

Rinig ko pang sabi nang mga estudyante na nakikiusyoso sa labas, nang mahanda ang higaan ay agad kong inihiga si Neo. Tinanggal ko pa muna ang sapatos nya at inihiga ang paa sa kama.

"Paki-unbotton nang polo nya, para hindi sya mainitan." utos pa nang nurse sakin habang kumukuha nang nebulizer sa mga cabinet don. May nakita naman akong folder don na nagamit na kaya kinuha ko yon para paypayan si Neo

"Neo! Sorry talaga! Sana di nalang kiniliti nang bongga!" umiyak na ako nang tuluyan habang pinapaypayan sya

"S-si mommy...." nagulat ako nang bigla syang nagsalita! Agad naman akong dumulog sa kanya

"Tawagan natin mama mo?" tanong ko pa

"Ke-kelangan ko si mommy..." nanghihinang sabi nya

Hindi ko alam kung pano ko nadala ang bag nya dito, tiningnan ko ang bulsa kung andon ang cellphone nya, andun nga.

Walang lock kaya madali kong nabuksan. Agad naman akong nagscroll sa contacts para tawagan ang mama nya. Nang makita ko ang 'Mommy' sa contacts eh agad kong dinial yon. Nakailang ring pa bago may sumagot.

"Hello anak? Bakit?" anlambing nang boses babae na narinig ko, parang ambait bait nang mommy nya

"Ah m-misis, f-friend po ito ni Neo-"

"Friend ni Neo? May kaibigan na ang anak ko? Nakakatuwa naman! Asan nga pala si Neo hija?" masayang sabi nya. Mas lalo naman akong kinabahan!

"Ah kasi po tita ano po kasi, si Neo po, sinugod ko po sa clinic, kasi po.."

"Ha?! Bakit?! Inatake si Neo nang hika?!" bigla ay naghysterical ang boses nang mama nya kaya mas lalo akong kinabahan!

Depungal! Kasalanan ko talaga toooo

"Inatake sya nang hika." bigla ay sabi nang nurse habang chinecheck si Neo

"O-opo tita.. Nasa clinic po kami nang school ngayon-"

"Sige pupunta na ako jan! Kawawa naman ang anak ko-" hindi ko na narinig pa ang sinabi nya dahil pinutol nya na ang tawag. Dumoble ang kaba ko! Yan kasi Sab tangina mo eh!

"Kelan ka pa may hika iho?" tanong pa nang nurse kay Neo

"Since 4." sagot ni Neo. Agad namang sinet up nang nurse ang nebulizer. "Iha, don ka muna sa kabilang kama." kahit ayaw ko ay sumunod ako. Ilang saglit pa ay umusok na sa clinic. Rinig na rinig ko pa ang nebulizer. Ano kayang sasabihin ko sa mama nya.

Nang matapos manebulizer si Neo ay nakita ko namang bumuti buti ang lagay nya, hindi na sya namumula at nakakahinga na nang ayos. Umalis na ang nurse at binalik ang nebulizer sa cabinet. Nakaupo na si Neo sa kama kaya agad naman akong lumapit para kamustahin sya. Nang makalapit ako ay napansin kong basang basa nang pawis ang uniform at sando nya.

"Magpalit ka kaya nang damit." tumango naman sya. "May extra shirt ka sa bag
nakita ko." agad ko namang hinalungkat ang bag nya para kunin ang extra shirt nya, kulay pink pa iyon.

"I-isara m-mo yung k-kurtina..." nahihiyang usal nya. Natawa naman ako. "Ah nurse." tawag ko sa nurse na naghahanda nang form. "Isasara ko po muna tong kurtina, magpapalit lang sya nang damit." tinignan naman ako nang nurse nang may pagtataka.

"Hindi ka lalabas?" tanong nya pa.

"Ah, tutulungan ko po syang magpalit." dahilan ko pa. Tinanguan lang ako nito

Isinara ko na ang kurtina, at hinarap si Neo na yakap yakap ang sarili, parang nahihiyang magtanggal nang damit. Natawa talaga ako as in!

"Maghubad ka na! Okay lang ano ka ba!" kahit nahihiya eh tinanggal nya ang polo nya, at sinunod ang sando. Napatingin naman ako sa katawan nya, wala naman syang abs, wala ring bilbil. Tama lang. Healthy naman nito.

Agad ko namang inabot ang t-shirt sa kanya. "W-wait, p-palagyan ako pulbo sa likod." nahihiyang sabi nya. Natawa naman ako! Anlaki laki na nya pero nagpapalagay pa sya nang pulbo sa likod. Kinuha ko naman ang nakita kong pulbo sa bag nya, pinunasan ko muna ang likod nya bago lagyan nang pulbo. Inabot ko naman sa kanya ang pulbo, nilagyan naman nya ang katawan nya. Inayos ko pa nang tupi ang uniform at sando nya at isinabit iyon sa headboard nang kama. Nakapagpalit na sya nang t-shirt kaya binuksan ko na ang kurtina.

Nakangiting mukha nang nurse ang bumungad nang buksan ko ang kurtina. Inabutan nya nang tubig si Neo. "Magjowa ba kayong dalawa?" nagulat ako sa tanong nang nurse!

"Ay hindi po! Mag, mag, magbestfriends po opo!" sagot ko pa

Tumango tango lang ang nurse at halatang di naniniwala, bumalik na ito sa table nya.

"Balik ka na sa room nyo, di ka na nakaattend nang second to the last subject." sabi pa nito

"Hindi na, hihintayin ko hanggang sa makalabas ka." sabi ko pa.

"Anong sabi ni Mommy?" tanong nya

Naaalala ko naman bigla ang Mommy nya! Bigla ako ulit kinabahan nang bongga

"Ano papunta na daw." napapakamot sa ulong tugon ko.

"Yari na naman ako." sabi nya pa na napapailing

"Neo anak!" nagulat ako sa matinis na boses na biglang pumailanlang sa clinic. Lumapit ang isang hindi ganoong katandaang babae, marahil ay nasa late thirties palang ito, maganda sobra. Kamukhang kamukha ni Neo.

"Sabi ko naman sayo mag-iingat ka! Asan ang inhaler mo?" nag-aalalang tugon nito kay Neo

Naalala ko naman ang inhaler nya sa bulsa ko! Agad kong kinuha iyon at inabot kay Neo. Napatingin naman sakin ang mama nya

"Ikaw yung tumawag? Thank you iha!" lumapit pa sya sa akin para hawakan ako sa balikat

"A-ah tita kasi po-"

"Sobrang nainitan ako sa labas kanina. Kaya inatake ako nang hika." paliwanag ni Neo kaya napatingin ako sa kanya nang nagtataka. Bat nya ako pinagtakpan?

"Sabi ko sayo magstay sa mga malililim na lugar! Wag mo hayaan ang sarili mo mainitan! Ano ka ba naman!" nag-aalalang pangaral nang mama nya sa kanya

"Okay na ako Mommy. Thanks to her." sabi pa ni Neo na nakatingin sa akin

Langya! Ako nga dahilan kung bakit anjan ka ngayon!

"Nako iha salamat ah! Salamat sa pag-aalaga nitong anak ko!" niyakap yakap nya pa si Neo at hinalik halikan sa pisngi. Napangiti naman ako dahil ang cute nila tignan

"Mommy ano ba!" nahihiyang sita ni Neo. Natawa naman ako dahil hiyang hiya talaga sya sa pinaggagagawa nang mommy nya

"Next time wag mo ako pag-aalahanin nang ganon ah!" sabi pa nang mommy nya

Napangiti naman ako. Sana ganyan din kami ni mama...

------------

To be continued.

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon