Prologue
Bumukas ang pinto ng simbahan. Takot, kaba, at matinding lungkot ang bumabalot sa akin.
Ramdam ko ang pag-agos ng mga luha kong ayaw magpapigil. Tuloy-tuloy 'yun kasabay ng kagustuhang tumakas sa kinasasadlakan ko ngayon.
Nakasuot man ako ng trahe de boda ngayon pero wala ang kasiyahan at tuwa sa akin.
Unti-unti ng umandar ang kinauupuan kong wheel chair. Nakagapos ang kamay ko sa magkabilang gilid nito maging ang mga paa ko ay nakatali rin dahilan para hindi ako makakilos.
Gusto kong patigilin ang wheel chair at tumakbo palayo pero wala akong kakayahan. Hindi nga ako makawala sa wheel chair na ito kung saan ako nakatali.
Maging ang bibig ko ay may nakadikit na tape para hindi ako makapagsalita. Tanging tunog ng hagulhol lang ang naririnig ko maging ang pagwawala ng puso ko dahil sa kaba.
Nang marinig ang isang tunog, doon ko iginala ang paningin sa buong simbahan. Walang bisita. Puro agiw ang mga upuan at sira-sira na ang bawat pader nito maging ang bubungan ay may mga malaki na ring butas.
Talagang masasabing pinaglipasan na ito ng panahon. Masasabi mong matagal na itong nakatengga.
Napatingin ako sa harapan, naroon nakatayo ang dalawang tao. Isang lalaki na nakapormal na damit na medyo may katabaan, tindig pa lang niya'y nagsasabi na isa siyang judge.
Ramdam ko ang takot niya habang may nakatutok sa kan'yang baril. Nagawi sa lalaki na nakatayo sa tabi niya na siyang may hawak sa baril.
Nakangiti siya sa akin na parang baliw habang parang may ibinubulong sa hangin. Ang ngiti na 'yun na lagi niyang suot na lagi ring nagbibigay ng kakaibang takot sa akin.
Sa kabila niyang kamay ay naroon ang isang remote control na alam kong ang kumokontrol sa wheel chair na kinauupuan ko.
Habang palapit ang wheel chair ko sa unahan, mas lalo akong naiyak at napahagulhol. Matatali ako sa isang lalaki na sumira ng buhay ko at ng pamilya ko, ang pamilya niya na siyang pumatay sa buo kong pagkatao.
"Akin! Akin! Akin!..." rinig ko na ibinubulong niya habang nakatingin sa akin.
Hindi ko namalayan na nasa unahan na ako. Naramdaman ko na lang 'yun ng tumigil ang wheel chair.
"Akin! Akin! Akin!" naglakad siya palapit sa akin habang sinasabi iyon habang nakatutok pa rin sa judge ang isang kamay na may baril.
Binigyan ko siya ng nagmamakaawang tingin. Pero hindi niya iyon pinansin sa halip mas lalong lumapad ang ngiti sa akin.
"Reign, akin ka lang!" aniya.
Para siyang mabangis na leon na handa ng lapain ang biktima niya.
Naroon sa mata niya ang ningas ng pagnanasa sa akin. Unti-unti niyang pinasadahan ang buhok ko ng kan'yang kamay saka inilapit ang ilong doon para amuyin.
Para siyang adik na bigla na lang naging high ng maamoy 'yun. "Your smell is sweet and delicate as you, Reign. I can't wait to be with you forever." bulong niya na nagpatayo ng mga balahibo ko.
Muli siyang humarap doon sa judge...
"Reign!" umalingawngaw ang isang sigaw sa buong simbahan.
Ang boses na yun. Kilalang-kilala ko 'yun, dumating siya. Mas lalo akong naiyak ngunit dahil na iyon sa tuwa.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Para bawain mula sa'yo ang sa una pa lang ay akin."
…
Napasigaw ako ng biglang may marinig na putok ng baril, sunod-sunod na rin ang kalabog na naririnig ko. Hindi ako makalingon dahil nakatali pa rin ako rito sa wheel chair.
Nakita ko ang mabilis na pagtakbo ng judge patakas. Hindi na ako nag-abalang magpatulong sa kan'ya para makakawala.
Tumigil ang mga kalabog at yabag na ngayo'y papalapit sa akin ang naririnig ko na lamang.
Nalaglag ang mga luha ko ng makita ang taong mahal ko na ngayo'y nasa harap ko. May ilang pasa sa mukha at may dugo rin sa gilid ng labi niya.
Kinalagan niya ako saka tinanggal ang tape sa bibig ko. Nang makatayo mabilis akong yumakap sa kan'ya.
"A-Akala ko hindi mo na ako maililigtas." iyak ko.
"Pwede ba naman iyon. Anong akala mo sa akin papayag na makasal ka sa iba? Tsk!" natatawang aniya.
Mabilis kaming kumilos paalis...
Habang palabas kami, narinig ko ang ilang kalabog kaya napagawi ang tingin ko roon.
Nakatayo na siya at nakatutok sa katabi ko ang baril niya. Walang atubili kong niyakap sa likod ang mahal ko saka narinig ang dalawa pagputok ng baril.
"Reign!" …
A/N:
Please be reminded na hindi kumpleto ang scene na ito.
Happy reading Adis!!!
Don't forget to…
⭐ Vote | 💬 Comment | 👥 Follow
Thanks a lot!!! Hope to see you sa next update Adis!!! [^_^]
Facebook: Adi Ser
Twitter: @AdiSer3

YOU ARE READING
Be With You [Season 1] | On-Going
Romance"I may not be your ideal man but I can be more just for you." A romance story created by Adi_Ser