CHAPTER 8

109 38 2
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT :)

HAPPY READING :)

CHAPTER 8

Kasalukuyan kaming nagpa-practice ngayon dito sa Dancing Hall. Ilang araw na din ang lumipas mula nung nangyari sa birthday ko. Umuwi na rin sila kaagad matapos magkaroon ng tensyon sa pagitan ni Shi at Matt. Mula noon hindi na sila madalas magpansinan.

Sumunod na araw naman ay ibinalita sa aming mga miyembro ng Dance Troupe na wala daw munag magiging practice dahil sa taong ito ay marami ang graduating na member at mas gustong unahin muna ang pag-aaral kaysa sa pagsasayaw. Sa kanila wala namang problema kung wala munang practice ang Dance Troupe pero sa akin malaki. Walang practice walang monthly allowance.

Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko naayos ang pagikot ko at muntik na akong matumba. Hinihintay ko ang paglagapak ko sa sahig pero wala. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko si Shi at si Matt na sapo-sapo ako. Kita ang pag-aalala sa mga mukha nila.

"Ahmm. Sorry. Medyo pagod na kasi ako eh. Pero kaya ko pa naman. Namali lang ako ng ikot." Nakangiti kong sabi sa kanila at pilit ipinapakita na okay lang ako.

"Guys! 5 minutes break muna. Alam kong pagod na din kayo." Si Shi na tinalikudan na ako at pumunta sa upuan kung nasan ang mga gamit at ang tumbler na dala niya. Paglingon ko sag awing kanan ko ay nakita ko ang mga mapangmasid na mga mata ni Yuki. Hindi ko alam kung bakit pero nag-iwas ako ng tingin.

Wala kong nagawa kung hindi ang magpahinga na rin muna. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano pero may pakiramdam ako na dahil sa akin kaya siya nagsabi na mag-break muna.

Umupo ako sa isang gilid at doon na nagpahinga. Hindi ko alam paano ako ulit makikisama sa kanila dahil nahihiya ako sa mga nangyari nung birthday ko. Ako kasi ang naging dahilan nung tension sa pagitan nung dalawa, dahil doon sa pangalan ko.

Habang nagpapahinga ay napapansin ko ang mga tingin ni Yuki. Hindi na rin kasi tulad ng dati na kahit mag-break ay parang hindi na rin kami nagpapahinga dahil sa kulitan at kwentuhan. Ngayon kasi ay ang tahimik ng lahat kahit na si Andrie na siyang pinaka-madaldal ay tahimik lang na nakikinig ng music sa isang tabi.

Nagulat ako ng umupo sa tabi ko si Annalyn. Katabi ko siya pero sa unahan lang nakatuon ang tingin niya. Akala ko tulad ng dati dadaldalin niya ako pero mukhang hindi. Hindi ko tuloy alam paano ko siya kakausapin dahil nasanay na ako na siya ang unang nagsasalita. Uminom na lang ako ng tubig sa dala kong plastic bottle at itinuloy ang pagpapahinga.

"Alam mo bang dati hindi naman ganiyan ang ugali ni Yuki?" napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon. Walang ekspresyon ang mukha niya at nakatingin pa rin sa unahan. "Siya ang pinaka madaldal noon sa grupo." Napangiti naman siya ngayon. "Nagbago lang mula nung mamatay si Haruka sa hindi malamang sakit." Nawala ang mga ngiti niya at nakita kong dumaan ang lungkot sa mga mata niya.

"Ang contest na pinaghahandaan natin ngayon ay ang contest na pinakahihintay ni Haruka. Pangarap niya talaga ito eh. Pero noong mawala siya halos lahat sila nawalan na ng gana na ipagpatuloy pa ang pagsali sa contest na iyon maliban sa akin. Si Yuki nag-iba ang ugali. Ako na dating pinakatahimik sa grupo ay pinilit na maging maingay para lang sumaya sila ulit. Halos tatlong buwan din silang nakatunganga lang at walang ginagawa. Masyado silang naapektuhan sa pagkawala ni Haruka." Nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang mga sinasabi niya ngayon.

"Malungkot din naman ako pero ayokong masayang ang mga pinaghirapan namin. Alam kong hindi matutuwa si Haruka kung doon na lang titigil ang buhay namin at hindi na magpapatuloy. Kaya ginawa ko ang lahat para lang bumalik ulit ang sigla ng grupo namin. Ginawa ko lahat. Araw-araw, isa-isa ko silang pinupuntahan sa mga bahay nila para lang ayaing mamasyal. Sumasama sila pero kita pa rin ang lungkot sa mga mata nila. Hindi ako sumuko. Hanggang sa isang araw at nararamdaman ko na may nagbabago na sa kanila at bumabalik na sila sa dati. Makalipas ang halos kalahating taon ay may ibinigay na sulat sa amin ang pamilya ni Haruka. Tig-iisa kaming lima. Noong araw na iyon ay natauhan sila na sila ng tuluyan. Nagbalik ang dating saya. Alam kong ang sulat na iyon ang dahilan ng pagbabalik nila pero hindi maikakaila na hindi ko pa rin sila sinukuan at ginawa ang lahat para bumalik sa dati ang grupo. Kahit papaano ay may parte sa pagbabago nila ay dahil sa mga ginawa ko at hindi ako sumuko." Nakinig lang ako sa kaniya dahil hindi ko rin alam anong sasabihin ko. Sa haba ng sinabi niya ay nakatingin lang siya sa unahan at hindi ako nililingon.

"Kaya ngayon na buo na ulit kami ayokong masira ulit ang grupo na ito. Ang grupong matagal at pinaghirapan ko din para mabuo ulit." Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi niya. Parang alam ko na kung ano ang ipinupunto niya. Tumingin siya sa akin ng walang emosyong makikita sa mga mukha niya.

"Ayoko ng makita na masira ulit ang grupo na ito ng dahil lang sa dumating ka. Hindi ko talaga alam kung bakit ikaw ang napili niya eh. Noong una wala namang problema sa akin pero nitong mga nakaraang araw at nakikita ko kung paanong hindi magpansinan si Shi at Matt, parang hindi na tama. Alam mong may gusto silang pareho sayo diba?" deretsahang tanong niya sa akin na hindi ko naman napaghandaan.

"Imposible naman kasi na magkagusto sila sa akin eh. Kakakilala pa lang namin, natin sa isa't isa kaya paanong may gusto na sila sa akin diba? Isa pa wala sa isip ko ang mga bagay na ganiyan. Pag-aaral lang ang mahalaga sa akin." Nahiya ako bigla sa mga sinabi ko. Parang inamin ko na rin kasi na alam ko na nga na may gusto sa akin iyong dalawa, Kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya.

"Kung wala kang gusto sa kanila mas maiigi na sabihin mo na sa kanilang pareho. Natatakot ako na mas lumalala pa ito kung hindi mo pa sasabihin. Ayokong masira ng isang katulad mo lang ang grupong mahalaga sa akin. Ang grupong mahal na mahal ko." napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon. Bakit parang may nag-iba. Hindi na katulad ng Annalyn na nakilala at nakasama ko ang Annalyn na kausap ko ngayon. Nagulat ako ng pairap siyang tumingin ulit sa harapan at ngumisi.

"Tss. Bakit ba kasi ikaw pa? Ang dami namang iba diyan. Bakit ikaw pa ang napili niya." Pagkasabi noon ay tumayo na siya at iniwan akong mag-isa doon na nakatulala sa pwesto niya kanina at hindi makapaniwala. Gulat na gulat sa mga narinig ko. Lalo na sa huling sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako nararapat sa grupo na ito. Na hindi ako dapat nandito.

"Guys, ano? Practice na ulit." Malakas at masayang sabi ni Annalyn na para bang walang nangyari. Na Para bang hindi niya ako kinausap at sinabi ang lahat ng iyon. Tumayo na lang ako at pinagpatuloy na rin ang pagpapractice kahit na ang mga sinabi ni Annalyn kanina ay patuloy akong binabagabag.

Nang matapos ang practice ay nauna na akong nagpunta sa CR at balak kong mauna ng umuwi at hindi na sumabay sa kanila. Gabi na rin pero mas makakabuti na hindi na ako sumabay sa kanila, una dahil kay Shi at Matt at pangalawa dahil kay Annalyn.

Habang nasa loob pa sila ng CR lahat ay nauna na nga akong umalis. Payapa akong nakalabas ng main gate ng school at sumakay na sa tricycle papauwi.

Nakahiga na ako pero hindi pa rin ako tinitigilan ng mga sinabi ni Annalyn kanina sa akin. Ayoko rin namang masira ang grupo lalo na at alam kong ako ang pwedeng maging dahilan ng pagkasira nun. Sa mahigit kalahating taon mula noong nagkakilala kaming anim ay itinuring ko na talaga silang kaibigan ko. Isinama ko na sila sa listahan ng mga taong importante sa akin.

Siguro nga tama si Annalyn. Hindi man niya direktang sinabi pero hindi ako tanga para hindi maunawaan ang nais niyang iparating. Sa tono niya sa mga huling salitang sinabi niya ay parang sinasabi nito na hindi dapat ako ang naging bagong miyembro ng grupo nila. Na hindi ako karapat-dapat. Isa pa, na mukhang nagdala nga lang ako ng problema dahil sa hindi pagpapansinan ni Shi at Matt.

Magdamag akong binagabag ng mga isiping iyon.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon