SN2

48 1 6
                                    

“I can’t believe na I’m finally getting married!” Sabi ni Ivan sakin that night. Magkausap kami sa balcony namin, trying to catch up with each other. Yun nga lang, hindi ko na sya mahahabol, kasi I’ve been blindly chasing the wrong person for I don’t know how many years.

Ngumiti na lang ako kasi hindi ko naman alam ang dapat kong sabihin. Actually, gusto kong maglabas ng sama ng loob, pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

“Vina?”

Tumingin ako sa kanya. “Hmm?”

“I love you,” he said.

As if on cue, my heart started racing. Tama ba yung narinig ko? I love you, daw sabi ni Ivan?!

“H-ha?” Then I put both of my hands on my cheeks. Baka nananaginip lang ako.

“Hala. Nabingi ka na yata.” Then he hugged me. Yung hindi basta hug lang. Yung hug na may kasamang hidden messages. Yung hug na sinasabing nangungulila sya.”Hindi mo ba ko na-miss?”

Ngumiti na lang ako ulit. “Tinatanong pa ba yun? Syempre na-miss kita. Ilang taon ka kayang nawala, tapos bigla ka nalang susulpot sa buhay ko ulit. Malakas din trip mo eh, hano?”

“Uy, sorry na kasi. Alam mo naman na things came up. Tapos suddenly, nasa Manila na’ko, doing things I never intended on doing.” He said.

“Naiintindihan ko naman ‘yun eh. I just regret na hindi ko na-spend yung almost four years na kasama ka.”

“Don’t worry. I’ll make up for it!” He said enthusiastically.

I snorted. “Ngayon pa? Ngayon pa na mag-aasawa ka na. Baka naman magselos yon. Hayaan mo na. Okay lang naman sakin eh. What’s important is nakikita na kita ulit.”

He smiled at me nalang. Yun bang smile na nakaka-appreciate. The only thing did was smile back.

“Thanks for everything, Vina.”

“Anytime.”

After nun, tumayo na sya. “Well, I’ll see you tomorrow.” He said, and planted a kiss on my forehead, at saka sya lumabas ng balcony at bumaba.

I cried when he left. Now, I’m crying again when he came back. It’s surprising nga eh, hanggang ngayon hindi pa’rin nauubos luha ko. Tanong ko lang, ilang taon pa kaya akong iiyak para sakanya?

~*~*~*~*~*~

“Vina, gising na! Meron ka nalang one hour para gumayak, kung hindi ka pa babangon ngayon eh wala ka nang aabutan sa wedding ni Ivan!” Sigaw ng nanay ko sa’kin.

Actually, kanina pa talaga ako gising. Ayoko lang talagang bumangon kasi I dread this day. I want to be happy for him, pero di ko magawa. Tanong ko lang: Pagiging selfish ba yun?

Siguro Nga (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon