Chapter 6

29 5 0
                                    

"Go Unilads!"

"Samuel, I love you!"

"Zade, marry me!"

"Ashton, ashton, ashton!"

Music.

They say, that music is one of the elements of healing.

Lalo na kung yung musikang maririnig mo ay ang musika na alam mong related sayo.

Pinagmamasdan ang bawat pagpatak ng ulan
Kasabay ang luhang kanina'y pilit pinipigilan
Hindi alam ang gagawin
Paano ka haharapin
At sasabihing ayoko na

Ilang araw na simula nung si Kat at si Lukas na ang magkasama. Wala lang naman sakin yun dahil sakin parin siya bumabalik.

Pero hindi ko lang maiwasang malungkot. Kasi yung isang buong araw na dapat para samin ay nahahati na.

Hindi naman ito madali para sakin
Pero kailangan nating tapusin
Ngayong nandito kana
Nakatingin ng diretso saking mga mata

Lumipad ang tingin ko sa lalaking dahilan kung bakit ako nandito. Bakit nga ulit ako pumayag?

Hindi ko rin naman alam pero alam ko sa sarili kong dahil sa pagsama ko sakaniya ngayon ay unti unti rin naman akong nakakalma ng boses ng kanilang bokalista.

O, dahil lang yun sa kantang kinakanta nila ngayon?

Unti unti kang lumapit
At kumapit sakin ng mahigpit
Nakikiusap sakin
Wag isuko ang pagibig natin

Hindi na namin napagusapan ang set up nila Lukas pero hindi rin naman ako nagtanong.

Ayoko.

Dahil alam kong masasaktan ako.
Pero kailangan kitang bitawan
Kailangangang iwanan
Para sayong kinabukasan

Hindi ba ako nasasaktan ngayon?

Hays.

"Magandang gabi sainyong lahat!"

Nagtilian ang lahat dahil sa boses na sumakop sa buong field.

Foundation week na ngayon at ngayong gabi ginanap ang battle of the bands.

"Sana nagustuhan niyo lahat nang kinantang hinandog namin para sainyo. Salamat sa suporta! Mahal na mahal namin kayo!"

Nagtilian muli ang lahat at nagpalakpakan. Pumalakpak narin ako.

Nagbow sila at pumuntang backstage.

"Their performance is really a blast!

"They never failed me."

"Yeah, me too."

Yeah, yung performance nila parang naging sariling concert nila.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa braso ko kasabay ang tilian nang mga babae sa gilid at likod ko.

"Omg, Zade Lofranco!"

"Zadeeeeee!"

"Nandito ka ba para samin?"

Nalipat ang tingin ko sa lalaking pawis na pawis at nakangiti sakin ngayon.

"Tara, kape?"

Sa isang iglap, nakita ko muli ang sarili ko sa harap ni Zade at umiinom nang kape.

"Paborito mo ba talaga yang macchiato?"

Tumaas ang kilay ko sa tanong niya.

"Siguraduhin mong mataas grades ko dahil sa pagsagot ko diyan sa mga tanong mo, ha?"

Tumawa siya at umiling. "You're really impossible."

Nagkibit balikat ako.

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga buhay namin hanggang sa umabot sa parte na kung saan ayoko sanang pag-usapan.

"Kamusta na kayo?"

Natigil ako at nawala ang ngiti. Alam ko naman kung yung tinutukoy niya pero parang ayokong sagutin.

"Ni sino?"

Tumango tango siya. "I see. Marunong kana rin palang magpanggap ngayon."

Hindi ko nakuha ang sinabi niya ngunit nang mas analysahin ko pa kalaunan ay naintindihan ko rin.

"Sa tingin mo ba, hindi pagpapanggap lahat ng ginagawa ko?"

Mukha siyang nagulat sa sinabi ko.

"What do you mean?"

Nginitian ko lamang siya at nagkibit balikat. "Hindi naman porket pumapayag ako sa lahat nang nangyayari ay walang parte sakin na gustong tumutol."

Nilapag niya ang kape niya sa mesa at sumandal sa kaniyang upuan.

"Tell me more."

Bumuga ako nang hangin dahil sa wakas nakuha ko naring makipagkwentuhan nang hindi sumasagi sa isip ko na pwede niyang traydurin ako.

"Pumayag ako kasi mahal ko sila. Hindi ko sila kayang mawala sakin. Pumayag ako pero hindi ibig sabihin nun hindi na ako nasasaktan. Sumasagi parin sa isip ko yung mga bagay na dapat sakin niya lang ginagawa at hindi kay Kat. Mga ganun pero wala, e. Halata namang gusto nila ang isa't isa."

He crossed his arms and he sipped on his coffee.

"What's your plan, then? Papakawalan mo?"

I smiled. "No, I'll keep him. I'll keep him until I realized that he's not worthy of my love."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Vanness, ngayon pa lang hindi na siya worth it sa pagmamahal mo!"

Tumawa ako at sumubo ng cake. "Alam ko pero sa ngayon bulag pa ako at wala akong ibang sasabihin sainyo kundi ang spiel na 'mahal ko, e'. Mapapagod din kayo."

He sighed in defeat.

"Fine. Basta, kahit anong mangyari, nandito lang ako."

Tumango ako sakaniya. "I know that's why I'm thankful. Thank you, Zade."

He smiled. Nakita kong may kung anong emosyon pang dumaan sa mga mata niya ngunit agad ding nawala iyon baka guni guni ko lang iyon.

Naubos na ang kape namin nang tumayo siya at inilahad ang kaniyang kamay sakin.

"Hatid na kita?"

Change of Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon