000

525 11 0
                                    

My Attorney,

Hi Gius! Ako pala si Maddie. Maddie Castillego mula grade 5 section A. Oh diba? Nasabit ako sa section A. So yon, nakita kita kanina sa canteen. May kasama kang babae, hindi naman siya dito nagaaral, di ko alam kung girlpren mo ba yon pero di naman kayo bagay. Promise! Sorry, nagsasabi lang ako ng totoo, di talaga kayo bagay. Magulo kayong tingnan. Wala din kayong kemestry. Pero di naman yun yung sasabihin ko kaya kita sinulatan.

Kamusta ka na? Pangarap mo pa rin pala na maging attorney kaya inaangkin na kita para maging attorney ko, mukhang makakasuhan ako sa ginagawa ko ei. Hehe.

Alam mo bang kinuha pa ni Rean 'tong notebook mo? Sorry ha? Dito ako nagsusulat. Tiningnan ko mga notes mo pero grabe, mas bagay kang maging doctor sa sulat mo. Hehe.

So yon, sana mabasa mo to pag binalik na ni Rean ang notebook mo. Pinipilit ko nga na pagandahin yung sulat ko e pero malabo.

Gius, alam ko na di mo ako napapansin, sino ba naman ako e alam ko naman na mas maganda yung babae na dumalaw sayo, pero di kayo bagay. Oo maganda siya pero di kayo bagay. Hahanapin ko nga yon sa pisbok, ay. Wala pa pala akong pisbok. Basta, di kayo bagay.

Gius, di ko na pahahabain. Gusto ko lang sabihin na kumain ka ng marami. Payat ka na kasi lalo kang gumagwapo na malnorish. Alam mo na, kung gusto mo, hati tayo sa baon ko.

Ah, Gius. Gusto pa pala kita. Hehe. Gusto kita talaga. Crush kita bongga. Hindi lang pansin pero kinikilig ako sa tuwing dumadaan ka sa classroom namin. Hehe. Bakit ba kasi ang talino mo at nasa star section ka pwede naman dito sa section a.

Pero yon, gusto kita. Crush kita. At sana ikaw na mapapangasawa ko hihi. Hala. Di ako yung nagsulat nung asawa si Rean, kasama ko kasi siya hehe. Pero pwede na din, asawa ko. Attorney ko. Hihi.

Gusto kita maubos man ang ngipin ni Sir Ancheta! Gusto kita makalbo man si Sir Ariston! Hihi. Walang bubuwag! Secret lang natin yon, ang sungit sungit kasi  nila.

Tama na. Haha babye! Sana mabasa mo 'to.

Nagmamahal,
Maddie Castillego


PS: GRADE 5, SECTION A. BAKA GUSTO MO AKO PUNTAHAN. HIHI.

×

What's up, Attorney? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon