Kabanata 8

885 29 46
                                    

Kabanata 8

First Date

"Hoy! Papasok ka ba o hindi?"


Nakapamewang si Janine na umaakyat na sa hagdan. Ako ay hindi pa nakakahakbang. Nag-aalangan ako kung papasok pa ba ako. Amg puso ko, kanina pa ayaw kumalma.


"Ano? Nabuang ka na dyan?"


Napailing ako at tumingin sa kaibigan ko.


"Masama ang pakiramdam ko, Ja." Sabi ko at ngumiwi. I tried to act as if my head aches.


"I'm not buying your excuse, Ashley. You're completely fine! Lunes na Lunes, aabsent ka? Gusto mo bang bumaba sa dos ang grado mo?"


"Sabi ko nga..." Wala sa sariling napa-sign of the cross ako. Sumunod na ako at pumasok na sa school. Para akong timang na nagtatakip ng mukha. Si Janine ay sinita lang ako at sinabing tigilan ko daw dahil mukha akong tanga. Yumuko na lang ako habamg naglalakad. Jusko. Feeling ko nasa high school ako at kinakabahan na pumasok dahil may nagconfess sa akin noong nakaraan.


Balisa akong tumingin sa paligid ko. Bigla nanamang nag-appear sa isipan ko ang nangyari noong Friday ng gabi sa Harlie's. Tuwing naaalala ko 'yon ay para bang nagbabaga ang pisngi ko sa init. Napatakip ako ng mukha nang maalala ko kung paano niya ako halikan, maging ang sinabi niya.


"Liligawan kita."


"Tangina!" Impit kong tili at nanginig saglit.


Agad ko namang naramdaman ang tapik ni Janine sa braso ko kaya napadilat ako. Habol ko ang hininga ko dahil para bang tumakbo ako sa paraan ng pagtibok nito.


"Anyare sayo?" Huminto siya sa harapan ko habang magkasalubong ang kilay niya.


Umiling ako. "Wala, may naalala lang."


"Sure ka?"


"Oo."


Pumasok na kami sa building at umakyat sa third floor kung nasaan ang una't pangalawang klase namin. Hindi ako makapag-focus sa lecture, lagi kong naaalala ang gabi no'ng Friday. Kung paano niya ako tignan, ang pagngiti at pagtawa niya, kung paano niya sinabing gusto niya ako--taena talaga!


Naramdaman ko ang pagsiko ni Janine sa gilid ko.


"Ms. Zamora! You're spacing out! Is my class boring?"


Agad kong nilingon ang babaeng professor namin na nasa 40's na. Napalunok ako. Takte, bakit ngayon ka pa nga nagspace out, Ashley?!


"N-no, prof."


Nag-apologize ako sa kanya at mahinang sinampal ang sarili pagkaupo. I tried my best to focus. Hindi ko na alam ang gagawin ko, para bang sumama na lang sa hangin ang talino ko. Inis kong tinignan ang sarili sa salamin dito sa restroom ng mga babae. Napapikit na lang ako at irap dahil sa mga katangahan ko sa klase kanina. Ilang beses akong nasita! Nagsuklay ako at lumabas na.

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon