Lumayo sa pamilya at nagliwaliw
Pilit humahanap ng ibang saliw
Mga problema'y nais magmaliw
Hanggang ikaw ay nakilala giliwSa isang paraiso ikaw ay nakilala
Hatid mo sa puso ay ligaya
Tila baga may dalang hiwaga
Pagkatao mo'y may misteryo, aba!Sa pagkahulog ako ay iyong sinagip
Puso'y kay bilis ng tahip
Ang masilayan kay walang kahulilip
Sa damdamin ko'y may pilit sumisilipPagkakilalang nauwi sa pagkakaibigan
Mga luha'y dagling tumahan
Sa bawat sandali ako'y iyong dinamayan
Tingin tuloy sa'yo ay hindi na kaibiganInamin mong ikaw ay pusong babae
Ngunit puso ko pa rin ay nagpadale
Ninais na ikaw ay maging tigre
Tigreng makikita ako bilang isang babaeBiglang ikaw ay nagpahayag ng damdamin
Na ang puso mo'y aking naalipin
Damdamin natin ay may nais hingin
Hindi lamang alam papaano ba sabihinAlaala sa pagkabata'y biglang umalpas
Ikaw pala ay sadyang aking tagapagligtas
Kakayahan mong hindi ninuman matahas
Ang magpunta saanman, sadyang kay gilasNang iyong makausap ang hinanap mong ina
Dagli kang nagbalik sa iyong bansa
Pagkatapos noon ay 'di ka na nakita
Pusong ko'y talagang nangulila
Ako man ay umuwi rin sa aking pamilyaPagbabago ng magulang ay nagbigay ng saya
Natupad ang akin sa kanila'y asa
Ngunit wala ka at hindi kapiling sinta
Habang kasama ang pamilya ikaw ay biglang dumating
Tadhana nga naman sadyang kay galing
Magkakilala pala ang mga magulang nating magigitingNararapat ka nga talaga sa aking piling
Akoy iyong dinala sa iba't ibang bansa
Nagpatihulog kasabay ng matatamis mong kataga
Hanggang ika'y lumuhod at may dinukot sa bulsa
Ang iyong handog ay walang katumbas na saya.*****
Bilang kapalit sa iyong ginawang obra para sa akin kaibigan
Heto ang tula na sana'y iyong maibigan
Mayroon mang kulang na iilan
Pagpasensyahan na, ito lang ang nakayanan.Hahaha! Salamat, Yow :)
***
Mula po ang tulang tulang ito sa GLANCE na sinulat ng katropa kong si @YowenFate
Basahin nyo kung gusto nyong kiligin, hehehe! \m/
●●●◎●●●
© January 2015
J.Bree