Six

24 10 15
                                    

"Hoy, kanina ka pa tingin nang tingin sa phone mo wala ka namang jowa."


Nalipat ang tingin ko sa babaeng pumasok ng kwarto ko na may dalang maleta.


Napatayo ako sa gulat dahil 'di ko inaasahan na ngayon ang uwi niya.


"Ate, akala ko ba next month na uwi mo!?" Tinanggal niya ang shades niya at winagayway ang blonde wavy hair niya sa harapan ko.


"It's a prank," kinindatan niya pa ako bago hinubad ang suit niya.


Lihim nalang akong napairap.


"So, sino 'yung hinihintay mo mag-chat?" Napaiwas ako ng tingin kaya narinig ko ang mahinang pagtawa niya.


"Balita ko break na kayo ni Thomas ah? So, may bago na?"


Nalaman na naman niya siguro kay Ate Verra. Laging updated 'yang Ate ko kahit nasa ibang bansa siya lagi . Feeling ko nga may CCTV dito sa pinas na lagi akong pinagmamasdan. 


"Wala ah, imbento 'to."


"Sus, 'di ka pa rin marunong magsinungaling." Umirap pa siya sa akin, at umupo sa kama ko. Naka-crossed arms pa ito at naka-crossed legs.


Entrepreneur si Ate Noella kaya madalas itong wala sa pinas. Sa edad na 25, malayo na ang narating niya, may sarili na siyang cosmetic company kaya proud na proud ako diyan kahit hindi halata. Maganda rin ito at matalino kaya 'di ko itatanggi na naiinggit ako sa pagiging perpekt---perpekto na sana kung 'di lang siya lalakero.


Napahinto ako sa kakaisip nang makita kong magliwanag ang cellphone ko. Kukunin ko na sana 'to nang mauna si Ate na kunin 'to.


"Ate!" Sigaw ko at pilit pa ring kinukuha ang cellphone ko. Nakataas ang kamay ni Ate at nakatingala siya para maki-chismis sa buhay ng kapatid niya. Mas matangkad si Ate kaysa sa akin kaya tumitingkayad na ako para maabot ang kamay niya.


"Ah, heartsengger lang pala," disappointed niyang binigay sa akin ang cellphone ko. "May heartsengger din ako, share ko lang."


"We?" Kunwaring interesado kong sabi habang tinitingnan ang chat ng lalaking 'to sa heartsengger.


Ngayon ko lang napansin, wala pa rin akong tawag sa kaniya kung hindi "lalaking 'to", "dream guy 'ko", tawagin ko kayang bhie, o love? Joke.


Dream Guy

Hey, my friends invited me to come with them to a party.


Napangiti na naman ako dahil sa chinat niya. Bakit kaya ako inu-update nito, siguro crush niya ako.


"Hala ka, bawal ma-fall sa heartsennger hoy," Sabi ni Ate.


"Alam ko naman," tugon ko dito nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa phone ko.


Sino bang hindi magiging aware na bawal ma-fall sa app na 'to, eh noong una palang sinabi na nila nang paulit-ulit na bawal ma-fall. 


Me

Enjoy kayo! Pasalubong hehe

Dream Guy

Pfft! Pasalubong? Don't even know where you are.

Me

So, pag alam mo papasalubungan mo 'ko? 😮

Dream Guy

Why not?

Me

Feeling ko talaga mayaman ka tapos pogi pa. Siguro sikat ka sa school niyo.

Dream Guy

Maybe? Hahaha.
For me, I think you're Diligent, Autonomous, and Audacious.


Napa-sapo ako sa ulo ko dahil sa sunod-sunod na mahihirap na salitang binitiwan nito.


"Ate, ano meaning ng autonomous at audacious?" Tanong ko kay Ate Noe na nagce-cellphone na rin ngayon.


"Autonomous means independent, while Audacious means brave."


Napatango-tango ako kay ate, at sinimulan na mag-type.


Me

Pwede namang
*you are diligent, independent, and brave.
Kailangan ba mahirap pang salita sasabihin mo, grr.

Dream Guy

At least, you learned new today.

Me

Hakdog ka 🙄

Dream Guy

Hahaha, got to go, wait for me.

Me

Always

Heartsengger (App Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon