13

29 0 0
                                    

"Ate pwede paturo po ako dito sa assignment ko po sa Filipino." Nasa sala ako at nagcecellphone nang lumapit sa akin si Santino, ang bunso kong kapatid na lalaki. Grade 4 na ito. Favorite na favorite to ni mama dahil gustong gusto niya nang anak na lalaki. Natuwa nga sila ni papa nung inere yung teleserye sa ABS-CBN na 'May Bukas Pa' dahil kamukha daw ni Santino yung bida doon na 'Santino' din ang pangalan. Matalino tong batang to, laging Top 1 sa klase at pinanlalaban nang mga teachers sa quiz bee at MTAP. Ako lang ata ang di matalino sa pamilyang to.

"Ate!" hinihila nya na ang laylayan nang t-shirt ko kaya naputol na ang pagdedaydream ko. Agad ko naman syang kinalong at binuklat ang dala dala nyang notebook at libro.

"Saan ba ang assignment mo dito?" tanong ko pa. Malambing ako sa batang to, sya lang naman nagmamahal sakin dito eh.

"Page 57 daw po." nilipat nya pa ang page nang libro, nang makarating sa tamang page ay agad ko namang tinignan yon.

Pantangi at Pambalana?

"Eto po oh. Ilagay daw po ang mga sa salita sa tamang kalalagyan. Sa kaliwa po ang Pantangi at sa kanan ang Pambalana po." paliwanag nya pa. "Hindi ko po kasi masyadong maintindihan ang pagkakaiba nang Pantangi at Pambalana po." sabi nya pa.

Bumuntong hininga muna ako. Buti nalang at medyo natatandaan ko to. Pang-elementary lang ata alam ko.

"Ganito kasi yon. Pag sinabing 'Pantangi', yun ang specific na 'Pangalan' nang isang bagay tao, lugar, o kung ano pa." paliwanag ko pa. "Ang 'Pambalana' naman ay kung ano ang 'pangkalahatang' tawag sa isang bagay, tao, lugar o iba pa." dagdag ko pa. "Bibigyan kita nang example." agad naman akong nagsulat sa notebook nya.

"Santa Maria Academy. Yan ang Pantangi. Eskuwelahan iyan diba? Ang Eskuwelahan ang pambalana." paliwanag ko pa.

"Ganun po ba yon ate?" tanong nya pa.

"Hmm, based yon sa natatandaan ko. Pero alam ko ganun yon." nakangiting sabi nya pa.

"Thank you ate! Antalino mo po talaga!" napangiti naman ako sa sinabi ni Santino. Bakit ba? Pwede naman maging matalino kahit pang-elementary ang alam ko.

"Oh eto, katulad neto, Melchora Aquino, san ito ilalagay?" turo ko pa sa assignment nya sa libro.

"Sa Pantangi po!" masiglang sagot nya

"Eh eto naman, etong 'parke', san to ilalagay?" tanong ko pa

"Sa Pambalana po!" sagot nya muli. Ginulo ko naman ang buhok nya, nagsimula na sya magsagot.

Dahil wala pa sila mama at ate, pumunta na ako nang kusina para magluto. Hinayaan ko naman magsagot muna si Santino sa sala habang naghahanda ako nang lulutuin. Habang pinapalambot ang frozen na manok ay nagsaing muna ako. Pagtapos ay saktong lumambot na ito. Naghiwa ako nang bawang, sibuyas at luya. Magluluto ako nang tinola pero gisado. Gusto ko kasi non, masarap pramis.

Habang kumukulo ang manok ay naghiwa ako nang sayote. Nang mahiwa sa tamang hiwa ay hinugasan ko na ito isinalang. Tinakpan ko para kumulob ang init at lumambot kaagad. Salamat po sa pagbabasa nang Sabrina's Kitchen.

Lumabas ako para bumili nang magic sarap sa katapat naming tindahan dahil naubusan kami. Binilinan ko muna si Santino na bantayan ang niluluto ko. Habang hinihintay kong iabot sa akin ang magic sarap ay may napansin ako sa may streetpost. Tatlong bahay lang pagitan nang streetpost at bahay namin, kaya madali kong naaninag kung sino iyon. Si ate, nakikipag-usap sa isang lalaki. Gabi na kaya medyo madilim. Hindi ko masyadong maaninag kung sino ang kausap nya dahil nasa madilim ito na parte at si ate naman ay sa may ilaw.

"Eto na oh, bente lahat." inabot ko ang eksaktong bayad. Pagkakuha ay hindi muna ako umalis sa may tindahan, gusto kong makita kung sino ang kausap ang kausap ni ate. Nagtatawanan pa sila. Maya maya ay nagulat ako nang hinalikan ni ate yung kausap nya. Nagyakap pa muna sila, maya maya pa ay umalis na ang lalaki, hinintay pa ni ate na makaalis ito nang tuluyan.

Nakangiti pa si ate habang pauwi nang bahay. Nang malapit na sya sa gate ay saka naman ako bumalik don, nagulat pa sya nang makita ako.

"O-oh? Anong ginagawa mo dito sa labas? Iniwan mo si Santino sa loob." nakita ko pa ang pamumutla nya, siguro iniisip nya na may nakita ako, well meron nga.

"Sino yon?" deretsa kong tanong sa kanya.

Halos mawalan na nang kulay ang mukha nya. Bawal pa kasi sya magboyfriend. Lagi syang binibilinan ni mama, pag nagkaboyfriend daw sya ay pwede na syang lumayas at wag na daw magpakita sa amin. Mag-aral daw muna sya at wag maglandi.

"A-anong sino y-yon?" utal utal na tanong nya. Seryoso ko syang tinignan.

"Yung lalaki sa may streetpost. Nakita ko pa kayong naghalikan." sabi ko pa.

"A-ah y-yon k-kasi-" magdadahilan pa sya pero pinutol ko na ang sasabihin nya.

"Natatandaan mo pa naman ang sinabi ni mama diba?" seryosong tanong ko sa kanya. Napatungo lang sya. Konti nalang eh maiiyak na sya dahil nalaman ko ang tinatago nya.

"Kaya pala nalelate ka nang uwi lagi. May kinikita ka na pala." tumatango tangong sabi ko pa sabay binuksan na ang gate at pumasok na, hinayaan ko nang sya ang magsara non. Hahawakan ko palang ang pintuan nang bigla nya akong pigilan. "S-sab, w-wait." sabi nya pa. Hinarap ko naman sya.

"Ang ganda na nang tingin nila mama sayo eh. Sana pinanindigan mo na. Ewan ko nalang kung maganda pa rin ang tingin nila sayo pag nalaman nila yan." sarkastikang sabi ko pa.

"Wag mong sasabihin kela mama please." naluluhang pakiusap nya

Napatingin pa ako sa kanya. Nagmamakaawa ang mukha nya. Hindi ko alam pero may nagtutulak sa aking wag sabihin kela mama.

Anak nang tokneneng naman!

---------------

Katatapos ko lang basahin ang mahiwagang folder ni Neo dahil may long quiz kami kay pesteng Dominador bukas. At dahil nga missing in action ako kanina dahil sinamahan ko si Neo sa clinic, tinadtad ako nang text ni Jade, may groupings daw sa TLE dahil magluluto na naman. Buti nalang at sinama nya ako dun sa grupo na sinalihan. Tinawagan ko sya at sinabi ang nangyari kanina. Ang gaga, tinakot ako kesyo idedemanda daw ako nang pamilya ni Neo dahil muntik ko nang mapatay ang anak nila kuno. Binabaan ko nga nang tawag. Ngayon naman ay dinadial ko ang number ni Neo, kakamustahin ko sya.

"Po?" sagot nya sa kabilang linya.

"Kamusta kaaa?" masiglang tanong ko

"Okay naman na." parang anlungkot na naman nang boses nya

"Huy okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko

"Hindi." sagot nya pa

Nag-alala naman ako dahil baka tungkol na naman sa papa nya.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko pa

"Kelangan ba talaga nya ipagmalaki?" malungkot na tanong ni Neo

"Ipagmalaki? Nino?" tanong ko pa

"Ni papa." maikling sagot nya

So sa papa nga nya?

"Bakit? Ano sabi?" tanong ko pa

"Pinagmalaki lang naman nyang nagkita sila nang babae nya." naramdaman ko ang lamig nang pagkakasabi ni Neo non.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

----------------

To be continued.

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon