Chapter 1 - "Meetings"

36 1 0
                                    

Oz's PoV

-

"Uyy hahaha ikaw na taya, Oz!" sigaw sa akin ni Makki habang tumatawa papalayo. Sumabay din sa tawa si Kerstein habang hinahabol ko sya.

"Duuudess, ang hina mo! Habulin mo na 'ko! Hahahaha" nasa kaliwa ko naman si Troyce. Malapit ko nang mahawakan ang likod niya.

hinihingal na talaga ako ehh...mga halos 3 hours kami nandito naglalaro sa initan.

"Di mo pa nga 'ko na tataya, dali Oz!" hingal na sabi ni Kerstein. "Sandali lang mga dudesss hinihingal na ako eh.." sabi ko nang maupo ako sa sidewalk. Sumunod din silang umupo.

"May tubig ka bang dala, Troyce?" tanong ko habang tinataas ko sando ko. "Oo naman dudess, laging handa mehn" yabang na sagot ni Troyce at iniabot niya sa akin ang water bottle niya. Tatlong executive years na syang boy scout kaya lagi talaga siyang handa.

Aaaaaahh......

"Thanks dudes" iniabot ko pabalik kay Troyce at inilagay niya agad sa bag.

"Sunod naman mag patintero tayo!" excited na sabi ni Makki. "Oo ba, tagal na nating hindi nilaro 'yon" sabi din ni Kerstein na nag wawarm-up na.

Haayss...may infinite battery ba sila sa katawan?

Lumakad silang dalawa sa ginta ng kalsada...hinihintay nalang kaming lumapit.

"Alam niyo mga duddess, ang bagal ninyo, daig niyo pa suso sa bagal..dali na excited na 'ko!" sigaw ni Makki sa saaming dalawa ni Troyce. Pagod pa ako... gusto ko munang mag chill pa dito..."OO NAAA! TATAYO NA!" sigaw ko naman at tuluyan na kaming tumayo.

"Oh, game na?"

"GAMEEE!!" sigaw namin

Magkakampi kami ni Troyce tsaka silang dalawa naman magkakampi din. Kami ang maghaharang sa kanila.

Paninja moves naman si loko. Pero di sila makakatakas sa'kin.

*Whoop whoop*

"Naruto lang? Paninja-ninja ka pa ehh mukha ka namang palaka duudees! Hahhaaha" asar na bulong ko kay Makki. Mukha ring nainis siya. Bigla kong nahawakan siko niya.

yes....

"Tskk..ano ba yan Oz, napaka daya mo" napakamot siya ng ulo sa inis. "Tinawag mo kaming mabagal kanina eh hahahaha hayys..." halaghak ko sakaniya. Tumawa kaming apat at inaasar pa rin namin si Makki.

*cliiinngkk!

May narinig kaming pagkalas ng malaking gate na itim sa tapat ng kalsada kung saan kami nakapwesto. Tinignan namin kung sino lumabas mula 'ron.

"Hey!" siglang bati sa amin nito.

Isang babaeng naka sun-dress na kulay puti, kulot ang buhok nito at nakalugay. Puti ang sapatos niya at nakasuot siya ng sun hat. Tinignan ko siya ng maigi sa mata..

Light brown..

Ensakto itong napatama ng liwanag ng araw sa mukha niya. Magkasing edad yata kami. Nag wave siya sa amin at tuluyang lumabas sa gate nila.

"Can I join you? I really want to play that game." request niya sa aming apat kung pwede ba siyang sumali o hindi.

Lumapit siya sa akin. Tumungo naman ako pero hinawakan ako sa balikat si Kerstein at napailing siya.

The Summer And It's Wicked DestinyWhere stories live. Discover now