V's POINT OF VIEW
Nakaramdam ako nang halik sa labi ko. Alam ko naman na ang ugali nitong babaeng to. Feelingera pa si pancake eh i-ki-kiss niya naman din ako. :'> Eh baka kase masapak na naman ako kapag once na mag salita oh dumilat ako eh.. So I stayed quite...
Maya-maya lang may naramdaman akong humiga sa tabi ko at yumakap sa aken! Ano kayang nangyayari sa utak nitong babaeng to at tumatabi sa akin ah? Pero paano kung hindi siya? Putek! Baka multo! Shet, wag naman sana.
"Ang layo mo kase eh, takte natatakot tuloy ako.." Narinig kong sabi niya. Kinakausap niya na naman ang sarili niya kada madaling araw. Ano siya? Hindi ako nakakatulog sa mga piang gagawa niya nuh -_-
But.. This feeling right now, do I deserved it? No, the real question here is do I deserved her? Talaga bang hinulog siya papunta sa akin para maging tama na naman ang mundo ko? Kung ganon.. Edi okay. Pero kung hindi, sayang.
"Tulog kana nga.. Pero ako hindi pa. Kainis. Lilipat din ako mamaya para di mo ko tawaging manyakis." Tatawa sana ako kaso buti nalang napigilan ko! Wahahahhaha!!!
"Dito kana kase. Di ako makatulog sayo eh." Sabi ko sa kanya pero this time, parang di na nagulat kaya ako napatingin sa kanya at aba, ang ganda pa nang position niya!
Ginagawa akong teddy bear -_-
"Alam ko namang gising ka eh. So what kung dito ako?" Tanong niya sa akin.
"Eh lalaki ako, babae ka. Baka mamaya ako pa pag kalaman." Sabi ko sa kanya.
"Ulol mo. Eh ikaw dun sa couch. Sige nga, ang lamig lamig dun eh. Plus, ang layo mo." Sabi nito sa akin nang naka simangot.
"Bakit hindi kapa kase natutulog?" Tanong ko sa kanya.
"I don't know. I can't sleep. Tell me a story." Sabi niya sa akin.
"Psh, ano ka bata?" Tanong ko.
"No, pero mahal kita so gagawin mo kung anong gusto ko dahil mahal mo ako at prinsesa ako." Naka ngiti niyang sabi sa akin.
Nag poker face ako at huminga nang malalim.
Nag ayos siya nang position at ngayon, naka unan siya sa kanan kong braso habang hawak hawak yung kaliwa kong kamay. Sweet lang, kenekeleg den eke noh.
"Okay.. This is a story about two boys who grew up together.. One was bad, and one was good." Paninimula ko sa kanya.
"Si Good, lagi niyang pinapasaya ang kanyang mga magulang.. Ginagawa kung anong inuutos nila at sinusunod kung ano ang gusto nila." Sabi ko.
"What about bad?" Tanong ni Ms. Pancake.
"Si Bad, tingin nang mga magulang niya sa kanya ay isang napaka sariling tao.." Hindi ko sinasadyang mapabulong..
"And why did the parents thought bad was selfish?" Tanong ulit ni Ms. Pancake.
"Kase si Bad, hindi niya sinusunod ang isang hiling sa kanya ng magulang niya.." Sabi ko.
"And what is that?" Tanong nito.
"Pakasalan ang taong hindi niya naman mahal." Sabi ko sa kanya at napansin kong mas humigpit ang pag hawak niya sa kamay ko.
"Lahat ng tao, naging kalaban ni Bad dahil naging selfish siya para sa kanyang mga tauhan. Hindi niya sinunod ang patakaran.. Siya na ang tagapagmana nang dalawang lugar pero sinira niya ito dahil sa iisang kahilingan ng magulang niya." Sabi ko.
" 'Bakit niyo ako ipapakasal sa taong hindi ko naman kilala?' Sabi ni Bad. 'Dahil sa ikabubuti ng kaharian.' Sabi naman ng tatay nito."
"One time, tumitingin si Bad sa tower nang biglang nag pakita si Good sa gilid niya.."
"Tapos?" -Ms. Pancake.
" 'Talunan ka. Lagi. Kaya walang may gusto sayo dahil nagiging pasakit ka kila Mama't Papa.' Sabi ni Good. 'Alam mo, kung pwede lang ako maging Future King nitong lugar na ito, gagalingan ko.' Dag-dag pa nito.. 'Mag salita ka, kahit kelan hindi ko gagawin ang bagay na iyon.' Sambit naman ni Bad."
" 'Ano bang ginagawa mo dito?' Tanong ni Bad kay Good. 'Nandito ako para sabihin sayo na kung ayaw mong gawin ang inuutos sayo ni Mama't Papa, ako nalang.' Sabi nito. 'Edi ikaw nalang.' Bored naman na sabi ni Bad. 'Pero ikaw, dahil ikaw ang bunso, ikaw parin ang pipiliin nila para maging hari.' Sabi naman ni Good."
" 'Yun ba gusto mo? Sayo na.' Sabi ni Bad. 'Umalis ka na dito Bad, pinapahirapan mo lang sina Mama't Papa.' Sabi naman ni Good. 'Umalis ka kung saan ka hindi matutuklasan, diba gusto mo lagi ikaw ang nasusunod?' Pahabol nito.."
'Umalis kana dito V... Pinapahirapan mo lang sina Mama't Papa.. Hindi ka nararapat dito.'
" 'You're not welcome here anymore, wala kang matinong bagay na ikakaunlad mo. You don't belong here.' -Good.."
"And then Bad got mad, he ran away from the place... Leaving all his memories and living the life of a thief.. He ran and he ran, no place to go.. But then suddenly, he saw a wisp.. He followed it and then he saw little house with a bird in it. Many years passed by.. He was happy living alone, stealing, sleeping, eating.. Anything. But then he realized what's going on."
I paused..
"Lagi niyang tinatanong sa sarili niya.. Kung hindi ako naging selfish.. Edi sana hindi ako naging ganito.."
I don't know why but I held Christine tighly..
"Akala nang iba naging masaya si Bad.. Pero alam ni Bad na naging masaklap ang buhay niya na walang kinikilalang ama't ina."
"Kada araw, iniisip ni Bad na umuwi nalang dahil natatakot siyang mag iba ang tingin ng mga magulang niya sa kanya.. Pero sa tuwing iniisip niya ito.. Naaalala niya ang sinabi ni Good na wala siyang lugar duon.."
"Laging tumatak sa isipan ni Bad ang sinasabi ni Good sa kanya.. Pero ano nga bang masama kung ayaw mag pakasal ni Bad sa hindi niya naman kilala?"
"Naging matatag si Bad, nakayanan niya ang sarili niya. Napakain niya ang sarili niya, at napatunayan niya sa sarili niya na 'oo.. Tama nga si Good.. Wala akong lugar duon, pero may lugar naman ako dito..' "
"And then while walking home.. He saw this beautiful girl inside his house. At first, he thought she was a creep, but then they made a deal. When the Bad heard the Girl's story, he can relate to it. And so the moment that bad knew he has to do something, he did. He showed the girl how to dance, how to celebrate, how to eat ice cream, have a picnic, watch fireworks.. And they did that all stuffs together.."
"Now the problem is they fall inlove to one another.." Sabi ko.
"Tapos?" Tanong ni Ms. Pancake.
"Natatakot si Bad.."
"At bakit naman?" -Ms. Pancake.
"Natatakot si Mr. Bad dahil baka mawala ang babaeng nag bigay sa kanya nang chansang mapatunayan ang sarili niya sa lahat." Pag tuloy ko.
"Akala ni Mr. Bad na hindi niya na mararanasang maging masaya.. Pero sobrang pasasalamat niya kay Babae dahil dumating siya sa buhay niya." Sabi ko.
Napa tingin ako kay Ms. Pancake na ngayon ay nakapikit na..
"And then he promised her.. That he would never let go.. He will always be there for her.. He'll do anything just to make that girl happy." Sabi ko.
"No.." I paused and her eyes opened, looking straight at me.
I smiled and I kissed her sofly on the lip. It was fast and yet gentle..
Bakit sa hinahalikan ko siya, parang first time ko lagi? Eh first time ko naman eh na ako ang humalik eh. Siya laging humahalik sa akin. Make this memorable.
Maya-maya lang nag dikit ang nuo namin..
"I promised that I will never let you go, that I will be always be there for you whenever you need me to, and I will do anything just to make you happy." Sabi ko sa kanya.
to be continued...