Sa sumunod na araw ay pumasok akong wala sa wisyo. Alam kong nagsisimula nang mag-iba ang pagsasama namin ni Cristof. Hindi ko lubos na maintindihan kung ako ba ang mali. Nanatili akong nakatulala at nag-iisip ng makaupo sa silya ko, nakasandal at pinagmamasdan ang white board na nasa harap ko kahit wala namang nakasulat doon.
Ilang minuto lang ang tumagal nang magulat ako ng biglang may naglapag ng blue rose sa may armchair ko. Napatingin ako dito at sa kamay na may hawak nito, kamay ni Cristof. "Sorry," rinig kong sabi niya. Nang tignan ko siya ay siya namang upo niya.
"Bakit ka nagsosorry?" malumanay na tanong ko.
"Na hindi kita sinama? Hindi ko alam. Gusto ko lang magsorry," sabi niya, iniabot muli ang mga roses na nakapatong sa armchair ko.
Nginitian ko lang siya at saka tinanggap ang mga bulaklak. "Thank you," sabi ko, pinagmamasdan ang tatlong pirasong long-stemed blue roses na hawak ko. "Saan mo 'to nakuha?" natatawang tanong ko. "May oras ka pang bumili ng roses samantalang may pasok ngayon."
Natatawa rin siya habang napapailing, "Kahapon pa 'yan. May nadaanan lang ako bago umuwi. Nakita ko kaya binili ko na."
Nilagay ko na ang blue roses sa gilid ng bag ko at sinara ang zipper na tamang-tama lang para hindi masira ang mga bulaklak. "Bakit blue lagi mong binigay?" tanong ko. Pangalawang beses na niya akong binigyan ng blue roses at alam kong hindi madaling makakuha noon dahil hindi naman common ang blue rose.
"Sabi kasi nila, blue roses signifies true love, associated with the unattainable, unreachable, or unrequited love," pagpapaliwanag niya.
"Unattainable?" sabi ko at biglang napaharap sa kaniya. "Unreachable?" sabi ko ng lumaki ang mga mata. "Unrequited? Hoy, Cristof –"
"Babe."
"Anong babe!?"
"Babe ang itawag mo sa'kin," natatawang sabi niya.
"Hoy, babe, ipapaalala ko lang sa'yo ha, girlfriend mo na ako. Anong unattainable, unreachable at unrequited ang pinagsasasabi mo?"
"Ang tinutukoy ko kasi iyong dati. 'Yung bago maging tayo. Pakiramdam ko kaya noon sobrang impossibleng maging tayo. Akala ko nga magiging kayo ni Tristan eh," sabi niya.
"Nako. Pwede ba, Cristof Melvin Salcedo, tigil-tigilan mo ako."
"Seryoso, babe," sabi niya saka tinaas ang kanang kamay na animo'y sumusumpang nagsasabi siya ng katotohanan at walang iba kundi buong katotohanan.
Napailing na lang ako kaya lang ay dumating na ang prof namin ng oras na iyon kaya hindi na kami nag-usap.
Pumunta si Cristof sa bahay kinabukasan, Sabado. Rest day daw namin ngayon sabi niya. Wala munang iintindihing school works, quizzes and grades.
"Babe, I can't open my phone," problemadong bungad ko sa kaniya matapos kong buksan ang gate.
Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya pumasok ng gate at sinarado iyon matapos. "Bakit?"
"Ewan! Bigla na lang namatay! Tapos ayon hindi na tumitigil sa kakareboot," patuloy na kwento ko ng makapasok na kami sa loob ng bahay.
Nasa sala sila Mommy at Daddy noong makapasok kami at siya namang bati ni Cristof sa mga ito. "Good morning po," nakangiting sabi niya.
"Good morning," nakangiting sagot ni Mommy at Daddy.
Pumasok kami sa kwarto pero nanatiling nakabukas iyon. "Asan na 'yung phone mo?" tanong niya. Iniabot ko sa kaniya iyon at ilang minuto niyang tinignan at ginawan ng paraan para gumana ulit. Ngunit mukhang hindi rin siya nagtagumpay ng maya-maya lang ay nagsalita siya. "Charge mo muna. Tapos open mo ulit," sabi niya sabay abot sa akin ng phone ko.
"Okay," sabi ko saka sinaksak 'yung phone sa may study table ko dahil nandoon ang saksakan. "Nakita mo 'yung post ni Rafael?" maya-mayang tanong ko. Namumugto ang mga mata ko dahil sa nakita kong post ni Rafael.
Si Rafael ang isa sa mga naging bagong kakilala ko ng magsimula ang 1st sem para sa 2nd year. Siya kasi ang class beadle kaya halos lahat ay kilala niya at nakakausap. Kasama niya lagi si Julian, iyong nakauniform noong unang araw ng klase. Kaya naman medyo nakakausap ko na rin si Julian.
"Oo, bakit?" sagot niya. Nakahiga siya ngayon sa kama ko habang ako nasa may study table ko at hinihintay ang pagchacharge ng phone ko.
"Kinakabahan ako," sagot ko. Sabi kasi sa post na iyon ni Rafael na magpopost na raw ng grade para sa sem na to 'yung accounting subject namin. Oo, naging mabilis ang sem ulit na 'to.
Lumakad si Cristof papunta sa'kin saka ako niyakap, "'Wag kang kabahan, babe," sabi niya pero hindi ako nagsalita. "To namang baby ko, basta you did your best!"
"And it wasn't enough pa rin. Ayokong madisappoint sila Mommy sa akin," malungkot na sabi ko.
"Hey, wala na tayong magagawa. Basta ako, alam ko, ginawa mo ang best mo. Okay?" sabi niya at tumango lang ako. Matapos noong drama namin ay nagdesisyon kaming manuod na lang ng movie. Kumuha ako ng snacks at ng drinks namin para masarap ang panunuod namin.
Nang matapos ang movie ay muli kong tinignan ang phone ko kung gumagana pa rin. "Di pa rin gumagana 'yung phone?" tanong ni Cristof. Tumingin ako sa kaniya saka umiling. Hindi pa rin bumubukas. Patuloy pa rin sa pagreboot.
"Wala pa rin. My day couldn't get any better, geez," sabi ko habang nasestress na sa phone kong ayaw gumana.
"Bakit ba?" tila nabobother na rin siya sa stress ko.
"Hindi ko alam. Bigla eh," patungkol ko sa phone na ayaw bumukas.
"Bigla na lang pumanget 'yung araw mo?" tanong niya.
"Ah, iyon ba? Kala ko 'yung phone. Paggising ko kanina iba kasi pakiramdam ko. Iba 'yung aura tapos ang sakit-sakit-sakit ng katawan ko. Kakain na dapat ako noon kaso pagkalabas ko hindi ako nakakain kasi pinapalitan ni mommy 'yung punda.
Walang food. So, pumasok na ako ng kwarto tapos ayon na bigla na lang namatay 'yung phone tapos binuksan ko 'yung laptop para machat ka sana pero nakita ko 'yung post ni Rafael. Ayon. Ang lala, 'di ba?" mahabang kwento ko.
"'Di naman. Choice mo naman 'di kumain, hindi ba? Ang negative mo forever. Pwede bawas-bawasan mo 'yan? Nandito na nga ako eh," sabi niya.
Okay.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Teen FictionKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...