CHAPTER 10 - Afraid
Kian's POV
Nandito na ako sa cafeteria ng school. Kasama ko yung lima dahil curious daw sila sa gagawin ko. Gaganti lang naman ako sa ginawa niya sa'kin kagabi.
Pinagtawanan lang ako ng lima dahil basang sisiw daw ako. Nakakainis! She did not even let me sing kahit isang verse lang.
Tignan nalang natin kung hindi siya mainis sa gagawin ko.
"Mukhang may hindi yata sisiputin ngayon ah." Pang-aasar ni Lux.
"Kian, hindi sinipot ng isang Maze Part two." Wika ni Yan. Nagbungisngisan naman silang lahat.
"Tss. Shut up bro. That won't happen again." Sabi ko na nagdadasal na sana nga siputin ako ni Maze.
"Paano mo naman nasabi~?" Paawit na wika ni Lake.
"Dahil hindi niya gugustuhin ang gagawin ko kapag hindi niya ako sinipot."
"Sus. Mukhang ikaw nga yata yung aatras." Pang-aasar din Leil.
"Alam niyo, wala kayong bilib sa'kin noh? Why would I be afraid kung natikman ko na ang mga labi niya?" Nanlaki naman yung mga mata nila. Si Lake at Ran, napahawak pa sa mga bunganga nila.
"Agad agad?! Bilis mo naman bro! Nakascore ka na pala agad!" Sinapak ako ni Ran sa braso. Napa 'aray' naman ako sa sakit. "Kaya ba sinapak ka ni Maze dahil hinalikan mo siya?!" Tinignan ko lang siya ng masama.
"Hahaha! Kaya pala may black eye ka!" Dinuro ni Lake yung mata kong may black eye. Tumawa naman silang lima.
"Kian, baka iba na 'yan ha. Baka mamaya, inlababo ka na pala." Napasinghal ako sa sinabi ni Leil.
"Luh! Hindi noh! Impossible yun!" Pagdedepensa ko.
"Sinasabi mo lang 'yan ngayon. Kakainin mo din yang sinasabi mo." May kompiyansang ani Lux.
"Bahala kayo diyan. Maniwala kayo sa wala!" Pagkatapos kong sabihin 'yon, nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming anim.
"Alam mo bro, boto ako kay Maze para sa'yo." Maya-maya lang ay nagsalita si Yan.
"Same here!" Agree ng apat kay Yan. Sabay-sabay pa silang nagtanguan.
"Kahit inagaw niya si Lia sa'kin?"
"Ayan na naman tayo bro eh. Mukha namang inosente talaga si Maze." Pagtatanggol ni Ran kay Maze.
"Oo nga. 'Di ko talaga gets kung bakit sa kaniya ka nagagalit imbes na kay Lia. Si Lia naman kasi yung nangaliwa at nag-iwan eh." Wika ni Leil.
"Ewan ko sa inyo. At impossible 'yang mga sinasabi niyo. Isa, tibo siya. Pangalawa, hindi ko siya type!" Bulalas ko.
"Eh ba't mo siya hinalikan kung hindi mo type?" Nanghuhuling tanong ni Ran.
"Bro, kilala kita. Alam kong malaki ang respeto mo sa mga babae. Hindi ka basta basta lang manghahalik." Napatingin ako kay Yan at nag-iwas ng tingin.
"Bahala nga kayo diyan. Basta hindi ko siya gusto." Sabi ko at ipinunta nalang ang pansin sa mga taong papasok sa cafeteria.
Pero dahil nga makukulit itong mga pasaway na 'to, madami pa ring satsat.
"Hindi pa." Pagtatama ni Yan sa sinabi ko kanina.
"Hindi nga." Depensa ko sa sarili.
"Hindi nga ngayon. Kaya nga hindi pa diba? Tsk tsk." Umiiling na sabi ni Leil. Wala 'tong hahantungan ang pag-uusap namin. Ipipilit lang nila ang gusto nila.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Tomboy
Novela JuvenilNaniniwala ba kayo sa kasabihang "Pagbalik-baliktarin man ang mundo, kung ang dalawang tao ay nakatadhana para sa isa't isa, magtatagpo at magmamahalan sila?" Paano kung pinaglaruan sila ng tadhana? Pinagtagpo ngunit naging malabo. Pinagtagpo ngunit...