PAULIT-ULIT na kinukumpas ang panulat na aking hawak. Malayo ang tanaw, napakalayo. Pinagmamasdan ang mga sanga ng punong nakikisabay sa malakas at malamig na simoy ng hangin. Sumasayaw na para bang may sariling ritmo ito. Sabay tingin sa asul na kalangitan. Napakaganda nito, yung tipong di ko nararamdaman ang pag-iisa ko.
Pawang paulit-ulit na lamang bumabalik sa aking isipan ang mga alaalang akala ko'y nakalimutan ko na.
Dahil sa pag-alala sa nakaraan di ko na namalayang naubos na pala ang oras ko para sa paggawa ng tula na kanina lang ibinigay ng aming guro.
Narinig ko na ang malakas na tunog ng bell kung kaya't dali-dali akong bumaba sa kinauupuan ko upang lisanin na ang rooftop.
Natapos ang buong araw na walang pagbabago, napakanormal para sa isang estudyanteng gaya ko. Lumipas ang mga araw na gaya pa rin ng dati. Papasok sa school, makikinig sa mga guro, kakain ng mag-isa, magmumuni-muni habang inaalala ang kung anu-anong bagay, tapos uuwi. Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko. Kahit ang sarili ko tinatanong ko na rin ' Hanggang kailan magiging ganito?' 'Kaya ko pa ba?' 'Titigil na ba ako?'
Di ko na namalayang tumulo na naman ang mga luha sa aking mga mata.
Ewan ko ba. Nagpapakatanga na naman ako sa isang taong alam kong kinalimutan na ako. Patuloy na naghihintay sa pagbabalik ng taong di ko naman alam kung babalik pa ba. Hindi naman ako napagod sadyang siya lang ang sumuko.
Mapait akong napangiti nang maalala ko ang unang pagkikita namin. Ang mga oras na magkasama kami. Matagal na yun pero tila sariwa pa ito sa aking alaala. Lalo na ang maganda nitong ngiti idagdag mo pa ang kulay abo nitong mga mata.
Kasalukuyan akong naghahapunan kasama ang mga magulang ko.
"How's your study?" my mom asked while putting down her wine glass then give her full attention to me. Smiling.
"Fine. Just like before. Nothing change" tipid kong Sagot. Nakatuon ang atensyon sa pagkain. Pinaparating na di na madudugsungan pa iyon.
"W-Well, uhmmm that's good" nangangapang Sagot ni mommy. Di alam kung pahahabain pa ba ang usapan.
I glance at my mom. Then, she awkwardly glance at my father. And asked, " Isn't it good, honey? Hehe"
My father looks like he don't know if he should answer my mom. He just smiled awkwardly.
Alam ko namang di niya talaga tinatanong si papa. She's just hesitating to ask me everything and prolong our conversation.
Tiningnan ko lang sila at pinagpatuloy ang pagkain. Di na nasundan pa ang kumustahang iyon kung kaya't pinag-usapan na lamang nila ang mga bagay about sa business namin.
Nang maya-maya pa'y tumikhim si papa kung kaya't napatingin ako sa kaniya.
" We were invited to a dinner..." nag-aalangang sabi ni papa habang patingin-tingin kay mommy.
"So?" sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain.
"You should be there if uhmm you were not busy." sagot ni mommy at hilaw na ngumiti.
"When?"
" Tomorrow." mabilis na Sagot ni mommy. Nakangiti ng malaki. Hoping na sasama ako.
" I have class at 6:30 pm. I still have some things to finish." casual kong sagot.
" Oh! Uhmm-baby, sandali lang naman yon. Just this one, please?" nakangiting paki-usap ni mommy.
Tumingin ako kay mommy na mayroong nagpapa-awang itsura at kay papa na nakatingin lang rin sa akin at naghihintay kung pagbibigyan ko ba sila.
"Fine." napapabuntong-hininga kong sagot.
Di na sila nagsalita pa. Ngumiti na lang ng pagkalaki-laki sa akin si mommy at tinanguan lang ako ni papa.
Natapos ang dinner na yon ng maayos. Hindi na muli nila ako kinausap at nag-usap na lang muli sila about sa business. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagtulog. I did my usual routine before going to bed. And that includes listening to music until I fell asleep.
I don't have specific likes when it comes to genres of music, as long as it's relaxing and it calms me down, Im okay with it.
Nahiga ako habang pinakikinggan ang kantang bumabalot sa kwarto ko. Mahina man ang tunog nito ngunit parang dinadala ako nito sa mga ala-ala ng nakaraan. Ipinilig ko ang aking ulo upang iwaksi ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko. Ngunit sadya atang pinaglalaruan ako dahil sa pagpilig ng ulo ko nahagip ng paningin ko ang isang bagay na kahit kailan ay di ko magawang itapon. Na isa ata sa dahilan kung bakit di ko kayang makalimot at isa din sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay umaasa ako.
'Close your eyes. . . let's count together. . . 1 2 3. . . Let's break up'
Pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata ng maalala ang araw na 'yon. The day that I never expected to come. But, it did.
'Perfect signifies the best in every worst, the smiles behind the tears, the laughters after the pain. Love in the most sorrowful moment. That made life so scared, to face death. That's why I preferred "Enough".'
' I'll always be enough. Enough to be your own kind of perfect. Enough to stay until forever. Enough to say I love you... until my time stops'
Parang sirang plaka itong nagpaulit-ulit sa pandinig ko. Tila isang liriko ng kantang paboritong isayaw ng lolo ko, ayaw ko man ngunit nasaulo ko. Mas malinaw ko pa ngang naaalala yon kesa sa araw ng birthday ko. Nakakatawa.
Nanatili akong nakatitig sa kisame at hinayaang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. It's been years. Bakit parang di maubos-ubos ang mga luhang 'to?
"Akala ko ba manhid ka na..."
Sinuntok-suntok ko ang dibdib ko. Baka sakaling mawala ang sakit na nararamdaman nito.
" Tama na. Tama na ang isang beses, Penn." napapabuntong-hininga kong pagka-usap sa sarili ko.
Pinikit ko na lamang ang aking mga mata. Pilit na tinanggal sa isipan ang memoryang iyon. Hanggang sa tuluyan akong nakatulog.

YOU ARE READING
The Dawn In City Lights
Teen FictionSometimes, a love story isn't about you and the person you could have happily ever after. It could be your story with the person you once loved.