Kabanata 9
Akala
"Taray, sis! Sana all!"
Kinikilig na sabi ni Janine habang nakatingin sa box na ibinigay ni Elijah sa akin kanina. Pagkalabas ko kasi ng restroom ay nandoon siya sa labas at naghihintay. Ibinigay niya sa akin ang isang paper bag. Saglit lang siya dahil male-late na daw siya sa klase niya.
"Buksan mo na kaya!" Excited na sabi ni Janine kaya tinignan ko siya.
"Ikaw na kaya magbukas? Excited ka, girl?" Inilapit ko sa mukha niya ang box. Kaloka!
"Sorry naman ah! Ngayon lang naman kasi may nanligaw sa'yo! Sorry ulit ah!"
Inismiran niya ako at bumalik sa box ang atensyon. Ako naman ay curious sa laman ng box na 'to. Mamaya prankster pala 'tong si Elijah at may bomba ng puso sa loob. Tss! Ano bang klaseng imagination 'yan, Ashley? Ang panghe!
Kinunan niya muna ito ng litrato para daw ilalagay niya sa scrapbook niya. First time nga daw kasi na may nanligaw sa akin at ganitong effort pa! Naloloka ako sa best friend ko, jusko. Nakakabaliw kasama ang isang 'to, sabog na sabog e.
"Ayan na! OMG!" Impit na tili ni Janine habang nakahawak sa pisngi niya. Tinanggal ko muna ang cute na ribbon at binuksan na ang box. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang laman. Damn! Vonriego nga naman! Tinanggal ko ang balot at inangat 'yon.
"Putangina, Hazel Ashley!" Tinignan niya ang model sa gilid ng box. "Christian Louboutin Vieira Flat Calf. Goddamn!"
Tinignan ko ang ilalim ng sapatos at nakita ang red sole nito. Napapikit na lang ako. Tangina, Elijah Vonriego. Bakit mo ba ginagawa 'to?
"Ibabalik ko 'to—"
"What the fuck? No!" Pinigilan ako ni Janine sa pagtayo. "Keep this, Ash! First gift niya 'to sa'yo!"
"Baliw ka ba? Alam mo ba kung gaano kamahal ang sapatos na 'to?" Napahawak ako sa ulo ko.
"He's courting you, Ash! He's making an effort!" Hindi e! This is too materialistic! Ang mahal nitong ibinigay niya!
"This is too much! I can't accept this!"
Ibinalik ko sa box at paper bag ang sapatos. Tumayo ako at naglakad papunta sa building nila. Hindi ko mawari ang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko ba alam! I sighed.
"Mukha bang kailangan ko 'to?" Umismid ako habang lumiko sa isang daan papunta sa building nila Elijah. Alam kong mayaman siya, may sarili siyang pera, pero ang bigyan ako nito? Sobra na. Pakiramdam ko tuloy ay nanliliit ako. Kinuha ko ang cellphone at agad na tumipa ng text.
To: Elijah Vonriego
May klase ka ba ngayon? Nandito ako sa labas ng building niyo.

BINABASA MO ANG
Elijah (Vonriego Series 2)
Romance[COMPLETED] Elijah, the coolest in Vonriego family, known for his antics. Ashley, is not your typical girl, she's the valedictorian-slash-dancer of Stevenson DC. He's rich, she's not. He loves to party, she's always in her apartment. Pero nang dahil...