"Mahal na mahal kita, Syb". Ani ng boyfriend ko na si Rowan. Hays lagi nalang talaga akong pinapakilig neto nakuuuu.
"Enebe hahaha mahal na mahal rin kita, Wan". Sagot ko.
3rd monthsary namin ngayon at andito kami sa isang Italian Restaurant. Grabe bes ang mahal at ang sosyal dito. Pero worth it rin naman kasi masarap yung mga pagkain nila, yun nga lang mas lamang yung pasta.
"Sybil mangako ka..." Sabi niya. Ano na naman kaya yan? Nakakakaba naman oh ang seryoso niya. "Ang seryoso mo naman, ano ba?"
"Hinding hindi mo 'ko iiwan, please give me an assurance" pagpapatuloy niya. Ay nako hinding hindi ko 'to iiwan no mahal na mahal ko 'to.
"Oo naman pangako yan, mahal na mahal kaya kita".
"Talaga? Pangako yan?"
"Opo sir, promise ko po yan. Pero teka mangako ka rin sakin uyy ang unfair namn baka maya ako yung iwan mo nakuuu"
"I will never leave you, Sybil. I will always follow you and love you. You're all I need, Syb. I assure you".
-*-*-
2months passed at wala namang nagbago samin ni Rowan. Not until last week. Parang hindi sya maka tingin ng diretso sakin. At hindi niya na masyado ako pinapansin.
"Love, may problema ba tayo?" Tanong ko nung napadaan sya sa harap ko. "Wala naman" sagot niya. Ehh? Wala raw tas yun lang? Hays ang sakit na nitong ginagawa niya.
"Yung totoo? Mahal mo pa ba ako? Pagod ka na ba?! Sagutin mo ko Rowan!!! Ang sakit na kasi eh. Ilang gabi na ako di makatulog kakaiyak habang tinatanong sarili ko kung may nagawa ba ako o san ako nagkulang." sabi ko habang pumapatak ang mga luha.
"I'm sorry, syb" sagot niya.
"Sorry? Sorry lang talaga ang masasabi mo? Rowan naman ang sakit sakit na eh ano ba talaga?!".
"Fine! I have to tell you something....."
Tumango ako bilang senyales na magpatuloy siya.
"Sybil, I'm leaving.......not because I want to but I have to."
"Akala ko ba walang iwanan? Rowan naman tandang tanda ko pa yung sinabe mo eh.'I will never leave you, Sybil. I will always follow you and love you. You're all I need, Syb. I assure you', ano nang nangyari sa pangako mong yun?".
"Sybil please.....hindi ko naman to ginusto pero kailangan ehh para sa kinabukasan ko syb, mahal mo ko diba? Sana naman intindihin mo ko."
"Sinusubukan kitang intindihin pero bakit kailangan mo pang sabihin yun? Ba't kailangan mo pa akong paasahin sa wala?".
"Kung hindi mo 'ko kayang intindihin syb then let's end this, Mahal kita pero importante rin yung kinabukasan ko".
"Rowan...."
"Sybil Hermosa, I'm breaking up with you" huling sabi niya bago sya umalis.
And that made me cry very hard.
-*-*-
The memories we had crossed my mind as I saw him again. Rowan my love.
Hanggang ngayon sya parin talaga ehh.But I'm happy for him because his now a lawyer. Natupad niya na ang pangarap niya.
"Oh! I'm sor-" sabi nya nang nagka banggaan kami ngunit napatigil rin ng makita ako. "Sybil? Kumusta ka na?" Ani niya.
Ba't ganun ang sikip ng dibdib ko. Parang wala nalang ako sa kanya. Di tulad ng dati na kung tignan niya ako ay kitang kita na mahal na mahal niya ko. "Uy haha ikaw pala yan, okay lang ako, eh ikaw ba?" Sagot ko. Pero hindi eh hindi ako okay kasi andito ka nanaman.
"I'm a lawyer now, Syb."
"Oo nga eh halata naman congrats ha, sige una na 'ko." Gusto na tumulo ng luha ko ehh.
"Don't you want to have coffee with me?."
"Rowan naman, wag mo sana ako paasahin pa." Sabi ko bago ko siya iniwan na nakatulala sa sinabi ko. Di niya siguro inexpect na hindi pa ko naka move on eh. Palibhasa siya masaya na. Ang sakit lang talaga eh tandang tanda ko pa yung sinabi niya eh.
Pero bago pa man ako makalayo may humatak na sakin.
"Do you still love me?"
"H-h-haaa?"
"I asked you if do you still love me?."
"Pake mo ba? Bitawan mo nga ako" sabi ko. Please naman oh tama na. Kawawa naman tong puso ko oh.
"Sybil sagutin mo ko ng maayos, kase ako? Oo Sybil mahal na mahal pa rin kita. Ikaw parin talaga eh."
Ilang minuto akong natulala sa akong narinig. At sya naman ay hinayaang maproseso ko yung sinabi niya.
"Kung mahal mo 'ko Wan, di mo dapat ako iniwan."
"Eto na nga ako Syb oh bumalik ako para sayo. Lahat ng yun Syb? Naalala ko yun yung pangakong sinabi ko? Tandang tanda ko yun!" Sagot niya. Pero hindi eh siguro tama na hindi ko pa kaya eh. Tinupad ko yung pangako ko pero siya? Iniwan niya ako.
"I'm sorry Rowan pero siguro tama na. Itigil mo na yan at kalimutan mo na ako. Oo mahal pa kita pero hanggang dun nalang yun. Hindi na tayo pwede dahil ayoko na. Maraming salamat sa lahat, Rowan at.........paalam." Sabi ko bago ko siya iniwan. Oo ako naman ang mang iiwan ngayon.
Na realize ko lang na kahit anong pangako o assurance pa ang sabihin sayo ng isang tao wala paring halaga yun kung hindi tutuparin. Sabi nga nila 'Promises are mean to be broken'.
Hindi lahat ng pangako ng tao natutupad kahit anong assurance pa ang sabihin kaya wag na wag aasa ng malaki dahil sa huli ikakadurog mo lang iyon kapag hindi natupad.
I am Sybil Hermosa at marami akong natutunan tungkol sa pangako pagkatapos ng break up namin. Sana kayo rin.
-End-
YOU ARE READING
Assurance
Short StoryMatutupad kaya nila yung promise nila sa isa't isa? This is a story about a girl na umasa sa promise at assurance.