"Jealousy is the twin of killing."
Nagising ako sa tunong ng aking telepono. Someone is calling...
"Hello?" I asked, remaining my eyes shut. Sino bang walang puso ang tatawag sa alas tres ng umaga?!
"Did you get it?" The voice said. Agaran ang pagbangon ko at nawala ang antok sa aking sistema. Nanginig ang kalamnan ko ng magbalik sa aking isipan ang mga kahon na puno ng ilegal na droga na idineliver kahapon sa loob ng aking condo.
I don't even have a fucking clue how did they send it to me without being caught or something!
"Y-Yes, Dad. Ibibigay ko na lamang iyon sa bodyguards ninyo..." I said cooly. Gusto kong umapila. Gusto kong sumbatan ang tatay ko. Gusto kong magalit sa kanya. Pero hindi ko magawa... Kasi duwag ako.
"Very good, hija. I hope you are fine. Alam mo naman kung bakit ko ito ginagawa, 'di ba? It's for us and the company. Get ready, you still have a meeting to attend this morning," Paalala nito. Palagi na lamang ganito ang takbo ng araw ko. Walang ng bago.
Naligo na ako at nagbihis. It's still seven in the morning, maybe, I can just eat my breakfast somewhere. A nearby restaurant will do.
Nang matapos akong kumain ay tumunog ang aking telepono. It can't be Dad, he don't usually call after reminding my appointments for the day.
It's mom! Agad nanlaki ang ngisi sa aking labi at nabuhayan ang aking loob. I miss her!
"Mom!" Hindi ko mapigilan ang pananabik sa aking boses.
"Darling. Kumusta? Saan ka ngayon? May gagawin ka ba?"
"Uh... I still have a meeting to attend later, Ma, bakit?" Masaya kong tanong. Halos dalawang linggo narin noong huli naming pagkikita kasama ang kanyang totoong pamilya. I don't have bad issue with them. They actually treats me like their own. Kaso iyong nakakabatang anak lamang ni Mommy ang may masamang dugo sa akin.
"Pwede bang... Ibigay mo na lamang kay Nicole ang ticket na nabili mo? The tickets were sold out. Saka malapit na ang kaarawan ng kapatid mo. Gusto rin niyang mapanood ang bandang iyon," Nalaglag ang panga ko. No. The ticket is so important to me! Pinaghirapan kong makuha ang huling ticket na iyon! I can't miss this chance because this will going to be last time I will see them perform!
And no. I don't think Nicole's a fan. I never heard about her! I know, hindi kami nag-uusap pero kilala ko siya at hindi siya iyong tipong tahimik mag fangirl. And she doesn't have any merchants, knowing she's a spoiled brat!
I let out a disappointed laugh, "Ma, we can talk about this. Besides, I miss you. Let's meet na lang. Sasabihin ko sa iyo kung gaano ka importante sa akin ang concert na iyon..."
"Lilien naman, kilala mo naman ang kapatid mo, 'di ba? Kahit ngayon, pagbigyan mo na lang siya. Intindihin mo ako," Sabi nito na parang pagod na pagod na sa akin. They are all tired of me.
Bakit?
Ni isa, hindi ako nagkulang sa pag-sunod sa lahat ng gusto ng mga magulang ko. Sa lahat ng pagkakataon, inintindi ko kasi mahirap ang sitwasyon ko.
Pinagbibigyan ko ang lahat kasi wala akong pagtatakbuhan. Namuhay ako ng mag-isa kasi may sarili silang pamilya.
Did they asked about me? If I'm alright with this set-up?
Tumulo ang luha ko pero pinatatag ko ang aking boses, "Ipapahatid ko na lang sa sekretarya ko. Mauna na 'ko, Ma. I love you," Nanikip ang dibdib ko. May nagbabara sa lalamunan. Basang-basa na ang aking mukha dahil sa mga luha.
"I know I can always count on you. Sige at magsh-shopping pa kami ng kapatid mo. Ingat ka, Lilien," Pagbaba ko ng tawag ay agad kumalawa ang hikbi na aking itinago.
Nanginig ang kamay ko habang inaayos ang gamit sa loob ng aking bag. Pinunasan ko ang aking mukha, inayos ang medyo nasirang make-up at nagdesisyong umalis.
After the long and miserable day, ay naisipan ko munang magpalipas sandali sa gilid ng isang mamahaling bar.
Lumabas ako sa aking kotse at lumanghap ng sariwang hangin sa gilid ng tulay.
Pagkatapos ng lahat ng mga dinadaranas mo sa isang araw, may lugar parin pa lang mapayapa at tanggap ka.
Ngumiti ako at tinignan ang langit. Walang mga bituin doon. Tanging madilim na kalangitan at ang maliwanag na buwan lamang ang aking nasaksihan.
I let out a deep sigh. Umupo ako sa railings ng tulay. Maingat ang aking galaw dahil natatakot na mahulog sa ilalim nito, isang malalim na tubig at walang kasiguraduhan.
Ilang sandali ay nagulat ako sa mga kamay na nakahawak sa likuran ko, sa mabilis na galaw ay naitulak ako nito.
Horror filled in my system. Kumalabog ang puso ko sa sobrang takot at pangamba sa maaaring mangyari.
Malakas ang aking pagbagsak sa tubig. I don't know how to swim!
Inangat ko ang aking paningin sa itaas at nanlaki ang mata ng makita si Nicole roon, malaki ang ngisi sa akin at may hawak na malaking bato.
Nangapa ako at nahihirapang huminga dahil sa maraming tubig na pumapasok sa aking ilong at bibig.
Hindi ko na namalayan ang malaking bato na tumama sa aking ulo.
Seconds later, I saw red in the water.
I saw blood...
Tumulo ang luha sa aking mga mata kasabay nang pagkawala ng aking malay.