Tinatamad akong mag type..
_____
"Mahal kita Gabby."
"Mahal din kita" hindi ko alam pero yon ang lumabas sa bibig ko,hindi ko na pwedeng bawiin o sabihin 'joke'. Pagkasabi ko pinakatitigan niya ako at hindi siya makagalaw sa kinauupuan namin pinoproseso pa nito ang sagot ko.
"A-ano ulit sinabi mo? pa-pakiulit?." ang higpit ng hawak nito sa dalawang kamay ko at hinihintay na ulitin ko ang sinabi ko. Kagat ang ibabang labi habang nakatingin sa kanya nagsalita ulit ako.
"M-mahal din kita.." nautal kong pang sabi habang nakatitig din sa mga mata niya. Bigla niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit,ilang segundo bago kami naghiwalay ng yakap sabay hawak sa magkabilang pisngi ko at siniil ng mapusok na halik na tinugon ko naman agad.
"YES ..yeEeesss ..Yeess... sinagot na niya ako..Kami naaaa...!!" napatayo ako ng tumayo ito saka nagsisisigaw napatigil tuloy ang mga magsasaka at nakangiting nakatingin sa amin. "Sinagot na niya ako Yeeess.." masayang masaya na sabi nito sa harap ng mga tao bago lumapit sakin at binuhat paikot-ikot na ikinangiti ko at ng mga nasa sakahan.
_____
"ANO? seryoso cake si Mr. Chief...paano? bakit?." parang gulat pa ito,naikwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa amin ni Justine hindi ko na kasi kaya itago sa kanya tsaka wala akong mapagsasabihan maliban sa kanya.
Isang buwan na ang lumipas mula ng sinagot ko siya sa cavite kong saan niya ako dinala dati. Saksi pa ang mga magsasaka dahil isinigaw nito na 'sinagot ko na daw siya' pati si nana Marta ang tagabantay ng lupa nila doon ay masayang masaya para sa amin. At totoo pala ang sinabi niya sakin dahil naikwento din sakin ni Nana Marta na kong 'sino man ang babaeng dinala niya doon ay siyang mapapangasawa nito'. Syempre para sakin masaya ako sa narinig dahil pangarap ko din na siya ang makakasama ko habangbuhay. Makakamit ko na din.
"Anong paano bakit? sinasabi mo." tanong ko.
"Paanong kayo? bakit?" naguguluhan naman ako sa pinagsasabi ng bruhang to nangunot noo ko sa sinasabi niya. "Paano naging kayo? bakit siya?" mas lalong nangunot ang noo ko.
"Nanligaw siya syempre.." balewalang sabi ko sabay sumipsip ng juice. Malapit na itong manganak at sa wakas nakita at pinakilala niya na rin ang ama ng anak nito. Hindi ko nga akalain na ang lalaking yon ang ama ng binubuntis niya. Pero masaya pa rin ako para sa kanya natagpuan na niya ang magpapasaya sa kanya. Bigla kong naalala si Kristelle kamusta na kaya siya? nasa mabuti kaya siyang kalagayan? hindi na ako sinagot ni Bea at bumalik ito sa counter.
Sinundo ako niya sa cafe kaya nagpaalam na ko sa kaibigan ko na aalis na,pero pinakilala ko muna siya sa kaibigan ko na hindi matigil sa kakatili dahil kinikilig daw ito. Napailing nalang ako sa kanya bago kami lumabas ng cafe.
"Saan na naman tayo pupunta?"tanong ko nang makasakay na kami ng sasakyan nito. Hindi ko dala ang kotse ko iniwan ko sa bahay at nag cummute ako pumunta dito. Napaiwas ako ng tingin ng lumapit siya sakin,yon pala ikakabit ang seatbelt ko,akala ko hahalikan niya ako. Lihim akong napangiti naadik ka na rin sa halik niya Gabby sigaw ng kabilang isip ko.
"We have lunch with my uncle and my step sister and her mother." sagot nito nang nakaupo na ito ng maayos at nakabit na rin ang seatbelt nito. Bigla akong napabaling sa kanya at patagilid na humarap dito. Bigla akong kinabahan lunch with his family,makikita ko ang kapatid niya. Matagal na rin hindi nagpapakita si Jemuel sakin kahit text o tawag hindi ito nagpaparamdam nagtataka nga ako kong bakit wala ito paramdam.
"Ano? bakit hindi ko sinabi? as in ngayon na?!"pagtatanong ko halata sa boses ko na kinakabahan ako. Hindi naman ako kinakabahan dahil makikita ako ng uncle niya kinakabahan ako baka makita ako ni Jemuel,huling kita namin nang inamin nitong gusto niya ako pero wala akong sinagot.
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE (COMPLETED)
RomansaMatured scenes..for adult only.. JUSTINE FRANCISCO A CHIEF OF POLICE WHAT HE WANT'S HE GET. MAKUKUHA NIYA KAYA ANG GUSTO kong isang kadugo niya ang kakompetensya? This story of Justine ay gawa lamang ng lumalakbay kong isipan.Wag seryosohin dahil h...