FOREWORD

181 5 0
                                    

chandria (chan [shan])

Hindi ako naniniwala sa love, naiinis nga ako pag nakakapanuod ako ng romantic movies, naiinis rin ako sa mga fairytales, 'di naman totoo ang prince charming, wala rin namang forever. Naiinis nga ako sa mga classmate ko 'pag pinaguusapan nila ang mga crush nila. I don't get them. They do nothing but talk about love, their crushes and such things, seriously, ano ba'ng nakakakilig 'dun at ano ba ang mapapala mo 'dun? Kaya sinabi ko sa sarili ko hindi ako tutulad sa kanila.

"Aray ano ba?" inis na inis na reklamo ko. Sino ba 'to? Di niya ba alam na nagsesentimyento ako dito tapos bubungguin niya lang ako, nabitawan ko tuloy ang mga libro ko. Tinignan ko ang nagkalat kong gamit sa sahig bago ko siya tapunan ng masamang tingin. Bibigwasan ko ang isang 'to.

"Nako, sorry." Nagkakamot ng ulong sabi niya. Sino ba ang isang 'to. "Basag kase 'yung salamin ko." Pagadahilan niya. Oo nga, basag nga ang salamin niya pero suot-suot niya pa rin 'yun. Nagmamadali siyang yumuko at pinulot ang mga gamit ko. Halata naman na hirap na hirap siya sa salamin niya.

"Hubarin mo na lang kaya 'yang salamin mo." Buntong hininga ko bago yumuko at tinulungan siya sa pagpupulot ng gamit ko.

Tumawa siya. Okay, aaminin ko, gwapo siya and that's an understatement. "Lalo akong 'di makakita." He chuckled.

"Ano ba kaseng nangyari?" 'Di ko mapigilan ang curiosity ko. He gently handed me my books pero dahil para siyang bulag nahulog ulit 'yung mga libro ko. Natawa na lang ako. "Ako na nga," napapa-iling kong sabi. "Nako, sorry." Natatawa niyang sabi. At kahit na sinabihan ko na siya na ako na lang ang pupulot ay tinulungan niya pa rin ako.

"Napagtripan kase ako nung mga senior kanina."

"Huh?"

"Diba tinatanong mo kung anong nangyari?" Ahh akala ko naman kung ano.

"Di ka lumaban?" I hate bullying. I am one of the million who is so against it.

"Lumaban naman kaya nga ganito ang nangyari." He smiled. 'Yung puso ko biglang tumalon sa lalamunan ko. Suddenly, all my blood crept on my cheeks as my face heated. 'Yung totoo, anong meron sa nerd na 'to?

Tumayo na kaming dalawa at sa wakas na ibigay na niya sa akin. "Sige, sorry ulit. Una na ako, kukuha ako ng spare glasses sa locker." Sa totoo lang wala namang nangyari. Wala ring romantic music o special effects pero simula 'nun di ko na siya makalimutan. Araw-araw ko siyang hinahanap, pinagmamasdan sa malayo hanggang sa di ko napansin na ako na mismo ang sumira sa pangako ko noon na di ako kailan man mai-inlove because in reality, I fell in love with him the moment I saw him smile.

"Wooooooooooooh! Go Kaypee! We love you, Kaypee!" Halos malaglag na ang baga ko kakasigaw. Ang intense ng laban nila sa kabilang school. Lamang na sila ng apat na points, nahabol nila yun mula sa pagkakatambak. Lalo akong nagsisisigaw habang inaalog ang best friend kong si Ella, nang maagaw niya ang bola sa ace player ng kabilang team. Ang galing niya talaga!

Matagal akong nanahimik, tatlong taon din mula ng freshmen kami. Magtatapat na ako. Magtatapat na ako,kaya Klaud Patrick Sandoval magiging akin ka na!

Gotta Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon