Maureena's PovGutom na ako! Pa'no ba naman kasi, 2pm na pero 'di pa kami kumakain.
'Wag na raw kami kumain sa labas, sulitin na lang daw namin yung mga handa ni Greon sabi ni Kelly. -_-
Kasalukuyan kong nililibot ang mga mata ko sa labas ng bahay nila Alo.
Ang laki talaga ng bahay nila.
Na-miss ko pumunta dito.
"We're here!!!" Sigaw ni Kelly pagpasok namin sa bahay ni Greon.
Tsk, agaw attention talaga 'to, e.
"Oh! Kelly!! Maureena!!"
Lumapit naman samin si Alo at niyakap kami.
"Hoy Alo, kamusta na?" tanong ko.
"Syempre okay!! Tara na, hinihintay na kayo ni Greon."
Nag-kwentuhan sila ni Kelly habang ako naman ay lutang kakaisip kung ano ang reaction ni Tashey at Greon 'pag nakita nila ako dito.
Naglalakad na kaming tatlo papunta sa party room kasi naroon lahat ng bisita ni Greon.
"GREON!! andito na si Kelly at Maureena!!!"
Napalingon ang karamihan sa aming tatlo.
Kinurot ko naman si Alo, lol. E, kasi naman, ang lakas ng sigaw niya na nandito na kami huhu. Karamihan pa naman dito ay mga ka-batch namin, baka kung ano isipin nila sakin, Diyos ko!
"Hey, stop pinching me. Huhu, my lovely skin."
"Eh, ikaw naman kasi. Ang lakas ng sigaw mo! Alam mo naman yung issue namin dati ni Greon, e."
"Ang sabihin mo, hanggang ngayon 'di ka pa rin makatulog ng maayos kakaisip kay Tashey at Greon!"
Sabatera talaga 'tong Kelly na 'to, e.
"Girl, it's been 2 years simula nung nangyari 'yon!! FREAKING MOVE ON!!"
Hays.
Napalingon nalang ako kay Greon na papalapit sa amin.
"M-Maureena..."
Halata sa mukha niya na masaya siyang makita ako pero ewan ko kung ba't nauutal siya.
Nginitian ko naman siya, pero yung simpleng ngiti lang baka mamaya may makakita samin tas ang isipin nilalandi ko siya, hmp.
"Happy birthday."
"Umm... Buti nalang 'di nakalimutan ni Kelly sunduin ka. Salamat sa pagpunta. K-Kumain na ba kayo? Tara muna."
This. Is. So. Awkward.
"H-Ha? Oo sige, kain muna kami ni--"
BITCH!
Paglingon ko sa likod ko wala na si Alo at Kelly!! Andoon na pala sa mga pagkain bwisit 'di man lang ako hinintay.
"Mukhang iniwan ka na nila at nauna na ah? T-Tara kuha muna kita ng pagkain."
"A-Ako nalang kukuha mag-isa. Baka may makakita pa, e. Sige."
Lalakad na sana ako paalis pero pinigilan niya ko. *,*
"Maureena, w-wala namang masama kung magkasama tayo, e. Kukuha lang naman tayo ng pagkain."
Napatigil naman ako sa sinabi niya.
Tama naman siya, walang masama kung may makakita samin. Ba't ba ako takot na takot at hiyang-hiya dito??
"Oo nga, ano? Ah... Eh... Sige tara."
No choice ang ate girl niyo, hays.
Wala kaming imik dalawa habang naglalakad kami papunta sa mga pagkain.
BINABASA MO ANG
Miles Away From U
Документальная прозаSino ba ang maniniwala sa internet love?? Walang ganoon! Ako'y isang babae na naniniwala sa 'WALANG NABUBUONG LOVE THROUGH SOCIAL MEDIA' pero nagbago lahat nang makilala ko siya. Hindi naman pala masamang umasa lalo na kung mukhang may pag-asa. Posi...