CHAPTER TWO

1 0 0
                                    

Naabutan kong umiiyak si Sarah galing sa school, tinanong ko ito kung ano ang dahilan kung bakit siya umiiyak at sinabi niya na may mga nambubully raw  sa kanya sa school.
Laging ganoon ang dahilan kung bakit siya umiiyak, naawa na ako sa kapatid, hindi namin sya tinuruan na basta basta pumatol, lagi lang namin sinasabi sa kanya na mapapagod din sila kakabully.

Ngayon ay nasa coffee shop na kame ni Sarah, nagsimula na akong gumawa ng project at assignment ko, Dahil malapit na akong grumaduate bilang Highschool, Sobrang bilis na panahon at mag Sesenior High na ako habang si Sarah naman ay Grade 2.

"but someone help me ate, kinausap nya yung mga ng away sakin, sabi nya bad daw mang bully." sinasabi niya ito habang pinupunasan ang kanyang luha.

"sino naman yun? bakah badguy din yun ah."

"No ate, kung bad guy sya edi sana sinaktan nya ako tinulungan nya pa nga ako eh, tapos binigyan niya pa ako ng water." 

"Sarah, anak, di ba sabi ni mama huwag kang basta-basta tumanggap sa di mo kilalang tao?" sabat naman ni papa na naglilinis ng mga table

"Mama mabait po sya eh, kaso tinanong ko po name nya sabi nya secret daw."

Masyadong mabilis magtiwala sa tao si Sarah kaya madami rin siyang kaibigan pero hindi talaga maiiwasan sa school ang mga bullies. Ewan ko ba anong mapapala nila kakabully nila. Wala yata silang magawa sa buhay nila.

Alas kwatro ng hapon nang matapos ko ang mga project at assignment ko. Pagkatapos kong ligpitin ang mga nakakakalat kong gamit ay tinulungan kong mag-assist si mama sa mga costumer dahil sa mga ganitong oras madami ang tumatambay sa aming coffee shop.  Habang si Sarah naman ay ang nagsasabi ng 'thank you' kapag tapos na  bumili ang mga costumer. Madami ang nacu-cute-an sa kapatid ko, minsan pa nga ay kinukurot pa nila ito sa pisnge.

Dumating si Nanang ala siyete ng gabi, may dala dalang madaming pagkain. Si nanang ang kaisa-isang kaibigan ni mama, hindi lang kaibigan ang turing nila sa isa't isa kundi ay kapatid na. Si nanang ang laging nasa tabi ni mama mapa-hirap man o sarap. Nagpapasalamat kami ng marami sa kanya dahil sobrang dami ng naitulong nya samin, hindi namin kung paano namin ito masusuklian.

"May dala akong food! Marami ito, alm kong gutom na mga magaganda kong prinsesa" sabay tawa nito.
Tinulungan ko siyang ilapag ang mga pagkain sa mesa.

"Nag-abala ka nanaman kay Kylee" sabi ni mama kay nanang

"Hindi ito pag-aabala, Tungkulin ko na ito, char!"

"ewan ko sayo! bat di ka nalang maghanap ng boyfriend"

"ewan ko din sayo! bat di ka din maghanap ng bagong asawa"

"ayoko nga, okay na ako sa buhay ko no, ikaw ang maghanap, mawawala na yung edad mo sa kalendaryo di ka pa rin nakakahanap ng lalake"

"di ko nga alam bat nawawala na yung kalandian ko sa katawan eh! Nakakainis!" 

Nakikinig lang ako sa kanilang usapan habang si Sarah ay nagsisimula nang kumain. Napatayo ako nang biglang bumukas ang pinto ng aming coffee shop, tumayo ako para tanungin kung ano order nya.

"Good evening sir, ano pong order nyo?" tanong ko sa matangkad na lalaki na naka white t-shirt and black jeans.

"Isang hot caramel macchiato."maikli nitong sabi. Agad akong tumango at pumunta kay mama para sabihin na gumawa ng kapeng inorder.

"ay ako lang po ang HOT dito" sabat ni nanang na sinandyang diinanm ang pagkasabi ng 'hot'. Nagulat ang lalaki sa sinabi ito pero agad ding nawala.

"bat nilalagnat ka ba miss?" hindi ko alam kung tanong ba iyon o pang-aasar

"Ewan ko sayo kuya! Gwapo ka sana kaso slow ka! Hmp!" pagmamataray ni Nanang at lumapit kay Sarah para saluhan ito.

LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon