SOMEONE'S POV
Lumagok ako ng alak at inilapag ang baso sa center table ng opisina ko. Magsisimula na ang laro na halos ilang taon kong pinaghandaan. I will make sure na magtatagumpay ang mga plano ko, planong pabagsakin at agawin ang posisyon na ipapamana nya sa walang kwenta nyang apo... Kung sya ang magmamana ng pwesto mababalewala lahat ng pinahirapan ko sa loob ng organisasyon kung meron mang dapat umupo sa pwesto ay ako yun.. Ako lang at wala ng iba....
Nagsalin uli ako ng alak sa baso at nilagok iyon.. Hinihintay ko ang tawag ni Ridge para sa mga bagong impormasyon na naipon nya.. Napangiti ako sa isiping tama ang desisyon kong kupkupin sya dahil malaki ang naging pakinabang nya sakin.. I adopt him for a reason... Para gamitin sya na makamit ang mga ambisyon ko at plano and it was a great decision anyway dahil napakalaki ng pakinabang nya sakin..
Paano kung traydurin ka nya? Wika ng isip ko .... Hmmmm kung tatraydurin nya ako hindi ako magdadalawang isip na patayin sya.. But i think hindi nya yun maiisip na gawin kailanman dahil malaki ang utang na loob nya sakin at hindi nya ako mababayaran sa lahat ng pagtulong na ginawa ko sa kanya so he had no choice kundi sumunod sa lahat ng gusto ko.. Sinigurado kong mababaon sya sa utang na loob sakin dahil inihahanda ko sya sa araw ng paniningil..
I took my phone and dial ridge number..
"Mom?"- ridge
"Son , how are you?"-i ask him...
"Everything is going to be smooth according to the plan mom so nothing to worry"- sagot nya..
"Good. Verygood son"- malawak ang pagkakangiting wika ko..
Saka ko ibinaba ang linya at lumagok uli ng alak... Everything is going well... Nakangisi kong wika habang hawak ang baso ng alak.
Maasahan ko talaga si Ridge and hindi ako papayag na magkaroon kahit isang pagkakamali sa mga plano ko. Lahat ng magiging sagabal ay kailangang alisin.. lahat ng may pakinabang ay gagamitin that's how i played.... Dirty but surely....
Mula ng malaman ko na sa apo nya ipapamana ang posisyon na matagal ko ng gustong makuha... Maingat kong pina plano ang lahat para makuha ito at maagaw sa tagapagmana nya.... Lahat kaya kong gawin para sa ambisyon kong pamunuan ang organisasyon kahit ang kumitil ng buhay... Siguro nga obsessed ako sa kapangyarihan yun ay dahil kapag ikaw ang namuno sa napakalaking grupo ng mga mapapanganib na tao ay dinaig mo pa ang hari at reyna , ang presidente ng mga bansa dahil sa makukuha mong kapangyarihan at prebilihiyo.... Madami ang naghahangad ng posisyon na yun na mapupunta lang sa isang paslit na hindi naman nagpundar ng dugo at pawis sa organisasyong aming kinabibilangan....
Lahat ng qualified sa posisyon ay nag sanay ng napakahabang panahon.. Buong husay na pinag aralan lahat ng istilo ng pakikipaglaban pero sa isang iglap lang ay nagdesiyon ang ZUIGAO LINGXIU (supreme leader) na ipamana sa kadugo nya ang susunod na simbolo.. Dahil sa desisyon nyang yun nagkagulo ang mga LINGDAO (leader) ng bawat pamilya... Bakit? Kase wala kaming tiwala sa napili nya.. Ni hindi kayang patunayan ng apo nya ang katapatan sa organisasyon at laging sinusuway ang utos ng Zuigao lingxiu , paanong mapapayagan na mapunta sa kanya ang posisyon? Kaya nabuo ang alyansa na ang layunin ay agawin at siguraduhing hindi mapupunta sa apo nya ang susunod na simbolo..
Napagkasunduan ng alyansa na gagawin ang lahat ng paraan mapigilan lang ang paglipat ng simbolo kay Laurent kahit pa ang kumitil ng maraming buhay dahil hindi kami papayag na sumunod sa leader na bukod sa napakabata ay hindi marunong kumilala ng mga nakakaangat sa kanya..
She remind me of her mother, parehong mayabang at matigas ang ulo..So no matter what happens we will do our plan to get rid of her.. anuman o sinuman ang madamay... Masama na kung masama pero ito lang ang tanging paraan para makuha ko ang gusto ko beside there are two kinds of people... One is manggagamit and two is nagpapagamit so make a wise choice right?.....
Tumayo ako mula sa swivel chair na nasa opisina ko at sinindihan ang isang stick ng sigarilyo... Saka humakbang palabas ng office ko dahil siguradong inaantay na ako ng zuigao lingxiu.........
Let the game battle begin.............
Huling kataga na binanggit ko bago tuluyang isara ang pinto ng opisina ko...
RIDGE POV
Naibaba ko ng marahas ang cellphone ko pagkarinig kong ibinaba na ni mom ang kabilang linya.. minsan naiisip ko na ginagamit nya lang ako para matupad ang kanyang mga plano pero wala akong magawa dahil kahit anong gawin ko hindi ko mababayaran ang lahat ng kabutihang ginawa nya...
Kinupkop nya ako at itinuring na anak, pinakain ,binihisan at pinag aral mga bagay na kailanman hindi ko matutumbasan kaya pinili kong gawin ang lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kanya bonus na lang siguro ang makukuha kong hustisya para sa mga totoo kong magulang...
"Pero isinasantabi mo ang nararamdaman mo" usig ng puso ko saken... Kung meron man akong gustong baguhin sa sitwasyon na to ay hindi na lang sana si Ice ang apo ng zuigao lingxiu para wala kame sa ganitong uri ng sitwasyon..
Humugot ako ng malalim na buntong hininga habang nakatingala sa langit... Sa lahat lahat ng tao bakit si Ice pa ang nalagay sa sitwasyon na kailangan naming magharap bilang magkaaway.. Si Ice lang ang kaisa isang babaeng mahal ko at patuloy kong mamahalin... Twing makikita ko sya pilit kong pinipigil na lumapit at yakapin sya, paulit ulit kong sinasabi na hindi pwede dahil kahit kelan hindi kami pwedeng magsama...... At nanunuot ang sakit nun sa kaloob looban ko, katotohanang hindi matanggap ng puso ko hanggang ngayon..
Hindi ko namalayan na namasa na pala ang mata ko sa sobrang pag iisip sa bagay na iyon.. pasimple kong pinunasan ang aking mata at parang tanga na tumawa ng malakas...
"Hahahaha nakakabaliw pala ang pag ibig"-parang baliw na kausap ko sa mga bituin sa langit....
Bakit kailangang pagtagpuin mo kami at wakasan ang lahat samin sa pinaka pangit na sitwasyon.... Paninisi ko habang nakatingala pa din ako sa payapang kalangitan.....
Pero sa lahat ng mga nangyayari ay isa ang sigurado ko ... Na mahal ko parin si Ice hanggang ngayon kahit imposible ng magkaroon ng katuparan ang hiling ng puso ko... Ilang beses kong inihilamos ang palad ko sa mukha ko na para bang sa ganung paraan ay mahihimasmasan ako...
I need to focus...
Sa misyon?
O
Sa nararamdaman ko para kay ice?
YOU ARE READING
HER STORY
AkčníWhen we first met i thought she's nothing..... Mailap ang mga mata , matalim kung tumingin .. laging seryoso ang mukha at hindi palangiti... Kabaligtaran ng lahat ng description ko sa isang magandang babae.... Pero there is something about her na pu...