Hindi ako lumabas ng mansion ngaung buong araw sinabihan ako ni cedric na mamasyal dahil hindi pa naman nagsisimula ang trabaho namin, kaso wala naman akong lakas para mamasyal gusto lang ng katawan ko na humilata buong araw.Ang hindi ko alam may magiging lakad pala ako ngaung gabi na hindi ko inaasahan!
Biglang tumunog ang cellphone ko at nagalangan akong sagutin ito at baka si kat nanaman ito wala akong lakas na makipagsagutan ngaun! Ngunit agad ko itong sinagot ng makita ko ang pangalan na nakarehistro ay pangalan ng boss namin.
"Hello! Sir? napatawag kayo?"tanong ko
"Magusap tayo! Ngaun na! naghihintay ako dito sa tabing dagat sa may malaking puno!"sunod sunod na wika ni gab
"Wait! at tingin mo naman pupunta ako SIR! Kung hindi tungkol sa work wag na lang"sagot ko
"Paano kung sabihin ko tungkol sa mansion! pero kung ayaw mo sige wag na lang"
"Wait sir papunta na ako!"asar kong sagot
Siguraduhin lang niya tungkol sa mansion ang paguusapan! wala na ako sa mood simula paggising!
Paglabas ko ng mansion naabutan ko si cedric na umiinom nanaman at aba may nahanap na makakasama! Mga nagtatrabaho at sa kalapit na resort.
"Hey ash! Join us"ngiting wika ni.cedric
Nako lasing na nagEenglish na e!
"Mamaya na ced, may lakad ako"sagot ko
"Goodevening mam"sabay sabay na wika ng mga kainuman ni cedric"Ang ganda po pala ninyo"pahabol ng isa
"Thank you"pasasalamat ko
"Ang sabi po kase ni Sir Cedric matandang dalaga na daw po kayo"paliwang ng isa pang lalaki
"Dalaga lang walang matanda"ngiting wika ko"Maiwan kuna kayo"
Pasalamat ka cedric nagmamadali ako kung hindi lang hindi ako papatalo sayo! Sa ganda kong ito muka naba akong matanda!
Paalis na ako ng biglang lumapit sa akin ang lasing na pinsan ko at hinalikan ako sa pisnge.
"Balik ka agad ha mamimiss kita oldmaid"pangaasar pa ni cedric
"Ikaw! Kung hindi kasalanan pumatay matagal na kita napatay"sabay sipa sa binti niya"Bye"nguting wika ko
Naglakad lang ako papunta sa sinabing place ni gab medyo malapit lang naman iyon dito.
Pagdating ko nakita ko si gab na nakatingin sa kinaroroonan ko mukang galit na galit ito!"Ibibigay muna sa akin ang mansion?"agad kong tanong kay gab
"Hindi!"Galit na sagot nito
"E ano palang ginagawa natin dito ngaun?"asar kong tanong
"Ano bang nangyari sayo? bakit ganyan kana?"tanong nito
"Ako dapat magtanong sayo nyan! Bakit kaba galit?"naguguluhan kong tanong
"Alam mong madaming chismosa dito sa Santa fe! tapos talagang dinala mo pa sa mansion ang cedric na iyon para makapagLive in kayo?!"galit na galit na wika nito
"Tungkol sa amin ni cedric.."hindi ko naituloy ang sasabihin ko
"Wag na wag kang magbabanggit ng tungkol sa inyong dalawa ng lalaking iyon!"galit na wika nito"kahit pangalan niya wag na wag kong maririnig galing sayo! kung hindi!"
"Kung hindi ano!?"galit kong tanong
"Kung hindi papatayin ko kayong dalawa!!"galit na wika nito
Sa muka nito parang kayang kaya niyang pumatay! kaya gustuhin ko mang sabihin sakanya na pinsan ko si cedric hindi ko magawa dahil natatakot ako!
"Astrid hiwalayan mo siya at bumalik kana sakin please"pagmamakaawa nito"Wala akong pakeelam kahit ilang lalaki pa ang dumaan sayo bumalik kana sa akin"wika nito
Hoy lalake virgin pa ako no! simula ng maghiwalay tayo wala na akong time pa para sa mga lalaki bukod sa busy ako sa pagaaral busy ako kakaisip sayo hindi ka madaling kalimutan alam mo ba yun?!
"Aalis na ako hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo mangyari gab!"wika ko
Ayoko maging kabit medyo matino pa naman ang isip ko! Ayokong magalit sa akin si bea ng tuluyan!
"Kung hindi ka papayag asahan mo mawawalan ng trabaho si cedric at sisiguraduhin ko hindi na siya tatanggapin sa kahit anong kumpanya!"galit na wika nito
Sa itsura nito siguradong kaya niyang gawin iyon! ano ba ang dapat kong gawin ngaun!?
"Bahala ka kung anong gusto mong gawin! aalis na ako"naglakad na ako palayo na walang lingon lingon
Lagot ako kay cedric nito kawawa naman ang pinsan ko,
Pagdating ko sa mansion tapos na maginuman sila cedric. Naabutan kong gising pa si cedric at nanunuod ng tv.
"Bakit hindi kapa natutulog?"tanong ko kay cedric
"Hinihintay kita e, sino ba ang kinita mo?"tanong ni cedric
"Si gab, gusto niyang maging kami ulit"sagot ko"Mawawalan ka daw ng trabaho at hindi kana tatanggapin sa iba pang kumpanya, kapag hindi ako bumalik sakanya"wika ko
"Siraulo pala yung ex mo e! bakit kase hindi mo sabihin magpinsan tayo!"wika ni cedric
"Gustuhin ko man natatakot ako, papatayin niya daw tayo pag nagbanggit pa ako ng tungkol sa atin, sayo."paliwanag ko
"Abay siraulo na nga! gusto mo ako kumausap?"tanong ni cedric
"nako ced wag, kitang kita ko ang galit sa mga mata niya."paliwanag ko"Ako ng bahala kumausap sakanya bukas"wika ko
Baka kung anong magawa ni gab kay cedric at yun ang ayoko mangyari nadamay ang pinsan ko dahil sa kagagawan ko hindi ko kase agad sinabi kay gab na pinsan ko si cedric.
"Matulog kana cedric kailangan natin pumunta sa office bukas"utos ko kay cedric
"Sige at humanda sa akin ang gabriel na iyon!"pagyayabang ni cedric
Ang yabang naman nito palibhasa lasing!
itsme_Lynel
thank you😍 next kabanata coming☺
BINABASA MO ANG
My childhood sweetheart(Santa Fe Series)_COMPLETED
RomanceAstrid Saavedra isang dalagitang mayaman Gabriel San Jose isang playboy! Sila ay itinadhanang mahalin ang isa't isa! Ngunit tadhana rin ang magpapahiwalay sakanila! Tadhana rin ba ang dahilan para sila muling magkita?