Chapter 8: Tropang Pochi

747 16 1
                                    

Not A Dude

Kieffer's POV

May mga times sa buhay mo na gusto mo nalang lamunin ng lupa at hindi na makita ng mga tao sa kahihiyan at kagaguhang ginawa mo

At nandito ako sa sitwayong yun. Punyemas naman kase! HINDI KO NAMAN ALAM NA SI DARREN PALA YUNG HUMILA KAY AMBER EH!

"Hoy bading. Tulala ka diyan?" tanong ni Amber sakin, nandito na kami sa room namin eh. Pareho kaming naka-upo sa sofa, pinasama na ni kuya Darren sa amin si Amber dahil may aasikasuhin pa daw siya

"Ah wala. May naisip lang." palusot ko sa kanya "May tanong ako." sabi nito sakin, hala! Ano itatanong niya? Na pwede maging kami? Loljk.

TAENA KIEFFER ANG BADING MO NAMAN

"Ikaw ba yung nakita ni kuya kanina na tinignan daw siya ng masama?" tanong ni Amber sakin "Ah oo. Ako yun." sagot ko tapos naningkit naman yung mata ni Amber, tangina ang cute!

"Bakit mo tinitignan ng masama ang kuya ko, ha?!" galit na sabi nito

HEP! Ganito kasi yon, sinundan ko si Amber kanina palabas kasi naga-alala ako sa kanya, nagulat nalang ako ng biglang may humigit sa braso nito at pinasok siya sa isang itim na van

Inis na inis ako nun sa lalaking yun kanina, bigla bigla niya kasing hahatakin si Amber, malay niyo nasaktan pala si Amber nung hinatak niya

Tapos ayun nga, galit na galit yung tingin ko dun kay Darren tapos pumasok narin siya sa kotse. Wala na akong nagawa, kasi medyo nakakatakot din yung mukha niya kaya pumunta nalang ulit ako doon sa ice cream shop at binalita sa barkada ni Amber yung nangyari

Sabi ni Paris, yun daw si Darren at doon ako binagsakan ng langit at lupa. Napaka-sama ng tingin ko sa kuya niya, putangina.

"Di ko naman alam na kuya mo siya eh! Tsaka ko lang nalaman nung sinabi sakin ni Paris at nung nagkita tayo!" paliwanag ko tapos inirapan niya nalang ako at pumunta sa mga stock namin ng pagkain

Sa mga nalilito po diyan, hindi pa ako sure kung gusto ko ba o ano si Amber. Bwisit naman kasi, ang bilis ng tibok ng puso ko kapag malapit siya sa tabi ko tapos naiinis ako sa panget na si Liam kapag dikit ng dikit sa kanya

Pero ayoko namang maging bading. Oo yun ang tawag nila sakin but I'm taking that as a joke because of the facial products I put on my beautiful peys XD

"Hoy Kiefs! Kumakain ka ng fishball?" tanong ni Amber at lumapit sakin "Oo dati. Kaso mamantika yun eh. Masama sa skin ko." sabi ko sa kanya tapos bigla niyang akong binatukan

"Baklang toh. Magpaka-lalaki ka nga minsan! Hindi puro kalandian yang nilalagay mo sa mukha mo!" sita nito

"Pake mo ba? Lagyan din kita, gusto mo?" mataray na sabi ko tapos umiling siya at hinila yung braso ko kaya napatayo ako

"Kain tayo, dali! Libre ko!" masayang sabi nito at tumalon-talon pa na parang bata

Hay Amber, sana babae ka na lang.. ♥️

Sasagot na sana ako ng 'oo' pero biglang bumukas ng malakas yung pintuan ng room at lumabas ang mga kaibigan kong ugok. Anong ginagawa nila dito? Sobrang cute ni Amber na pinipilit ako tapos e-epal sila?

ASAN ANG HUSTISYA?!

"Bakla. Sino yang mga yan?" tanong sakin ni Amber "Tropa ko." sagot ko tapos hinarap na sila

"Ginagawa niyo dito?" pambungad ko sa kanila

"Wow naman, Kiefs. Wag mo naman pahalatang ayaw mo kami dito." sagot ni Marco sakin at dire-direcho sa sofa at umupo "Ayoko talaga kayo dito, alis na!" pagtataboy ko

Not A Dude [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon