Hers
"Ganito ba talaga ito?" sambit ko at tinignan ang repleksyon sa salamin.
"Ang ganda!" puri ni Dione nang makita akong bihis na bihis na.
I smiled a bit. "Hindi ba masyadong maikli?"
"Anong maikli? Knee level yan oh! Hindi maikli! At ganda ng katawan mo!"
Ngumiti na lang ako at nagpasalamat. "Handa na ang almusal diyan. Alis na ako ha, ayokong malate sa unang araw ko." sambit ko
Dione smiled. "Teka lang!"
Kumaripas siya ng takbo sa kanyang kwarto. Nang lumabas ay bitbit niya na ang ilang make up.
"Hindi pa ito expired kaya huwag mo akong titigan ng ganyan." natatawa niyang sambit.
"Wala akong pambayad nito.. Okay na sa akin ang polbo at lip tint." nahihiyang sambit ko.
"Ano ba! I don't use these anymore. Libre ito, sayo na. This is pallete, lipstick, blush on and foundation."
Nahihiyang kinuha ko iyon pero iniwas niya. "I'll put light make up, first day mo kaya dapat maganda!"
"Baka malate a--"
"Madali lang!"
True enough, it only took fifteen minutes. Agad akong nanibago sa mukha dahil nabigyan ng kulay.
"Thank you, Dione!"
She smiled before I left our apartment. Bitbit ang handbag, naglakad ako papunta sa paaralan.
Bukas magtsitsinelas muna akong maglakad at dadalhin na lang ang heels ko. Mejo masakit kasi sa paa.
"Good morning maam ganda!" bati ng guard kaya binati ko din.
Tinahak ko ang aking magiging silid at nag-ayos ng gamit. I smiled and looked at the classroom. Air-conditioned at ganoon din ang ibang rooms. Pre schoolers at elementary pupils ang nandito.
Napatingin ako sa relo ko nang makitang maaga ang isang batang nasa limang taong gulang.
"Good morning teacher. I am Zeijan Raldovan." bati niya.
I smiled and walked towards him. "Good morning Zeijan! I am your teacher Tami."
He smiled back. What a nice boy. I instructed him to sit anywhere he likes as I continued fixing my table.
Di nagtagal ay nagdatingan na ang aking mga tuturuan. They all look so cute in their uniforms. Napakaliit nila at sobrang nakakatuwang tinuturuan. Maingay lang at makulit.
BINABASA MO ANG
Teardrops in Daylight (Salvaje Caballero Series 3)
RomanceHer eyes screams innocence. Her heart is the purest while mine is stained. She's my fucking daylight but I was her rain. But tables have turned. Ang sakit niya palang mahalin. Pero siya ang pinakamatamis na sakit na araw araw kong pipiliin. - Zachar...