CRYAIER.
Kasalukuyan akong nasa loob ng kahon hindi ko akalain.
Bakit nga ba ako pumayag, ang tanga mo Cryaier
"Mr.Kim" tinig iyon ng isang lalaki, may pagka gasgas at baritono
"Castriel, " hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, hindi ko talaga maipaliwanag paanong bumibilis ang tibok ng puso ko, bakit? Hindi kopa siya nakikita, paano na lang kapag nakita kona siya.
Inaamin kong kahit kailan hindi pa ako nagkakaboyfriend, kung mayroon man nung nakaraan na buhay ko, hindi ko maaalala.....masyado kong itinuon ang atensyon ko sa pagkakadalubhasa sa pag-aaral ng Law and Accountancy.
Napapitlag ako ng may maglakad papalapit sa kahon....
'Ano kayang itsura niya,... gwapo kaya siya?...'
'Cryaier hindi ka pwedeng mahulog sa kaniya'
Kinalma ko ang sarili ko at bahagyang pumikit yung parang natutulog, inayos ko rin ang posisyon ko, nakakatuwa abg suot ko, isang dress na above the knee at nakabagsak ang mga pino kong buhok,nilagyan din ako ng kapiranggot na bangs.
"Pwede ko kaya siyang gawing girlfriend ko?, hmmm, tsktsk maganda siguro siya, ewan basta! Bahala na kahit pangit siya gagawin ko siyang asawa ko hihi"
'Hala! Tanga ba'to?'
Pinilit kong maging kalmado ng bumukas ang lock ng mamahaling kahon.......nagpapanggap na tunay na robot, magaling ako sa pagpapanggap, asset ko yun.
Unti-unting bumukas ang pinto ng kahon at bumungad sa akin ang panlalaking amoy, mabango iyon at pasado sa taste ko.
"CJE09?" dahan dahan akong nagmulat ng mata, napatulala sa mukha niya gulat na gulat
"A-ang gwapo,"
Ang kulay gatas niyang kutis, ang blonde niyang buhok, ang mapula at manipis niyang labi, ang singkit na mata, at ang perpektong ilong niya.
Nakaka turn-off lang kase may subo siyang lollipop.
Nagugulat din siya syempre,may hawig ba naman ako sa ate niya, muntik muntikan pa ngang malaglag ang lollipop sa bibig niya.
Humakbang ako palabas ng kahon syempre, tuwid at nakatingin sa mga magaganda niyang mata.
"B-Bakit kamukha ka ng ate ko?"natigilan ako,ganon ba talaga kami may pagkakahawig? Yumuko ako tanda ng pag galang ko, para mawala ang tensyon sa pagitan namin.
"I don't know master" 'fuck! Anong gagawin ko'
"Syempre hindi ikaw si ate, hmmm, do you know how to cook?"
"Lahat ng gusto niyang gawin mo, pakiusap Cryaier, sana gawin mo"
Umalingawngaw sa isip ko ang katagang binitiwan ni Mrs.Alvarez ng magising ako ay umiling iling ako.
"You doesnt know how to cook?, pano kita magiging asawa niyan?" Napatalon ako sa gulat....bakit kailangang maging asawa niya...
"I know how to cook filipino style Spaghetti, and Carbonara, i know how to bake muffins too master" derederetso kong sabi, napatawa siya...kahit kaunting tawa lamang ay pinagagwapo siya lalo nito.
"Napaka hightech naman pala ng regalo sakin ng mommy ko, napakaswerte ko talaga, right baby?" Napatitig ako lalo sa kaniya, walang reaksyon....hindi ko alam kung bakit parang kiniliti ang puso ko sa pagtawag niya sakin.
".........." hindi ako nakasagot patuloy pa rin akong kinikilig.
"From now on, hindi kana makakatakas sakin, dahil asawa na kita, kahit robot kapa" napapitlag ako ng yakapin niya ako.