Kabanata 16

1.4K 53 0
                                    


Habang tulak ng nurse ang wheel chair niya ay nakasunod ako sakanila.


Habang binabaybay ang daan papunta sa kwarto niya ay binabati niya ang mga nadadaanan naming nurse, doctor at pati ang iilang mga pasyente.


Parang kilalang kilala niya na ang mga iyon.

"Kuya Icy! Sino yung magandang ate sa likod? Girlfriend mo?"

Dahil sa batang humarang sa harap niya'y parehas kaming napahinto.

"Oo Seb, huwag mo ko aagawan ha." Biro niya doon sa bata. "Bakit ka nga pala nandito? Tinakasan mo nanama ba si nurse Ali?"


"Shhh! Wag mo naman pa rinig kay ate ganda kuya, baka ma turn off siya saakin."

Ginulo ni Ice yung buhok ng bata sa pabirong paraan.

"Ikaw talaga. Balik kana don, sabing wag mo ko aagawan e."

"Sige alis na ako, baka nandyan na yun si Nurse Ali at pilitin nanaman akong inumin yung nakakadiring gamot na yun. Ewww. Bye kuya! Bye ate ganda!"

Kumaway na lamang si Ice sakanya kaya ganoon din ang ginawa ko.

Nang makapasok kami sa kwarto niya at naalalayan na siya ng Nurse para makaupo ay iniwan na kami nito.

Tiningnan niya ako. Tinapik niya ang kamay sa tabi niya. Senyas na sinasabing doon ako maupo.

Gaya ng dati, sunod sunuran ako tuwing ginagawa niya yun.

"This room." Sabi niya habang inililibot ang tingin sa sarili niyang kwarto. "This became my home for the past months."

Napansin kong kung tutuusin ay maituturing na nga iyong kwarto na parang sa bahay. Ang kaibihan nga lang ay may mga gamit pang ospital.

"Babe, Im sorry." Nilingon niya ako kaya nakita kong lumuluha na siya. At ang mga braso ko ay kusang yumakap sakanya. "I have been a jerk to you. I left you without a notice. Im really sorry, I really am sorry Babe."

Kahit hirap na hirap din ang kalooban ko sa mga nakikita at naririnig ay pilit akong nagsalita.

"Its okay. Everything will be okay."

Dahil sa sagot kong yun lalo lumakas ang paghikbi niya. Ramdam kong pinipigilan niya ang kanyang luha pero hindi ganon ang nangyari.

Hirap man siyang magsalita ay pilit niya parin para ipaalam saakin ang mga nangyari sa mga nakalipas na buwan.


Noong kaarawan ko, mismong araw na iyon nuong naaksidente siya. Tatlong araw noon ang nakalipas bago siya nagising. Pag bangon na bangon niya daw noon ay sinubukan niya akong tawagan. Pero hindi na na recover pa ang cellphone niya sa lugar kung saan siya naaksidente. Ang sabi ng mga pulis ay maaring kinuha na iyon ng mga magnanakaw dahil pag dating nila doon ay maraming tao ang nakapalibot sa daan.

Balak niyang manghiram ng cellphone sa mga tao na naroon para kahit papaano ay maipaalam saakin ang nangyari sakanya.

Ngunit bago siya makalabas sa hospital room na kinaroroonan niya ay narinig niya ang usapan ng Mommy niya at ng Doctor.

"Im sorry to tell you this Mrs. Guillermo but your son's Left leg has damaged. So was his right but not as worst than the left. Im afriad he cant walk for the mean time. I hope you'll guide him well together with our service ofcourse."

"But Doc, gagaling naman siya diba?"

"There's 70 percent chance of recovery for him. Siya ang unang unang makakatulong sa sarili niya Misis. Pang gabay lamang kaming mga hospital staff ganom din ang mga gamot. Idaan niya na lamang sa pag pupursiging gumaling at pananalig sa diyos. Yun lamang ang maipapayo ko.

"Thank you, Doc."

Dahil ayaw niyang maapektuhan ang pag aaral ko. Hindi niya na hinayaang malaman ko pa kung ano man ang  nangyari sakanya. Mas maganda hindi ko alam para hindi na ako mag alala pa. Yun ang una niyang naisip. Naisip niyang baka siya ang maging dahilan para hindi ako makapag focus. Ayaw niya iyon, dahil dati niya nang alam na hirap akong mag focus.

Nagpasiya siyang saka nalamang ako muling kausapin pag magaling na siya. Ngunit lumipas ang mga buwan hanggang sa naging higit na sa isang taon, hindi pa siya masyadong naka recover.

Susubukan niya pa rin daw akong puntahan. Tanggapin ko man siya o hindi, ayos lang. Dahil kasalanan pa rin naman daw niya.


"Im so thankful, you're already here, in my arms. I prayed for my fast recovery para mapuntahan na kita every night. Nakulitan na siguro si Lord kaya ikaw na ang pinunta dito saakin."


"Baliw" kinurot ko ang pisngi niya.


"Biro lang. Ano nga palang nangyari sayo bakit nandito ka sa hospital? May sakit ka ba?"


"Hindi. Wala akong sakit. Saka ko na iku kwento, alam kong pagod kana. Magpahinga ka na, babalik ako mamaya dito. Pupunta muna ako sa kwarto baka nakabalik na ang Kuya Lesley ko."


"Okay, balik ka ha." Inalaayan ko siya sa paghiga sa kama.

I kissed his forehead. "I promise."


Matagal akong naghintay. Walang kasiguraduhan kung meron pa bang dadating o wala na. Ngayun pa ba ako hindi babalik sayo kung kailan alam ko na  kung saan ka pupuntahan?


Sandali lang ang pinag samahan natin noon, babe. Pero minahal kita ng sobra.


Huwag kang mag alala. Saan man yan, basta alam kong gusto mo akong makita. Pupuntahan at pupuntahan kita.


Pangako.



____________________
Happy reading!

ICE GUILLERMO [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon