Chapter 28

76 30 2
                                    

"Babe," tawag ko kay Cristof. Nasa classroom kami para sa isa naming klase. Lumingon siya sa akin bago ko pinagpatuloy ang gusto kong sabihin. "Debut ko na kasi next week. Alam mo naman, 'di ba?" 

Noong isang linggo pa namin iyon napapag-usapan pero hindi ko pa rin sinasabi sa kaniya na siya sana ang gusto kong maging partner sa araw na iyon. Hindi ko kasi alam kung dapat ko pa bang sabihin o kung gets niya na ba 'yun dahil siyempre siya naman ang boyfriend ko at kapag nagdedebut ang babae, kung may boyfriend man siya ay automatic na na 'yung boyfriend niya ang magiging partner.

Tumango siya, "Oo, sinabi mo sa'kin last week."

"Ano kasi..." pagpuputol ko sa gusto kong sabihin. Tinaas niya lang ang dalawang kilay niya na tila nag-aabang sa maaari kong sabihin. "Partner kita?" sabi ko. Gusto kong sabihin pero naging patanong ang tunog nito.

"Tinatanong mo ko o sinasabi mo?" natatawang tanong niya.

"Sinasabi ko ata. Ewan ko. Gusto mo ba?" nahihiya pa ring sabi ko.

"Babe," sabi niya habang pilit na inihaharap ang mukha ko sa mukha niya. "Syempre, gusto ko. Partners tayo. Ano bang nangyayari sa'yo?" Napalitan ng seryosong mukha ang aura niya kanina. "Bakit parang nahihiya ka?" bumalik sa makulit na Cristof ang kaharap ko.

"Ngayon lang ako magdedebut. Ngayon lang ako mag-ooffer na maging partner ka kaya hindi ko alam kung dapat bang sabihin pa sa'yo o gets mo na ba dapat 'yun. 'Wag ka nga," sabi ko. "Saka wala ka na rin naman magagawa. Kahit tumanggi ka o hindi, printed na 'yung mga invitations kaya wala ka ng talagang choice," sabi ko habang kinukuha ang mga envelopes na nasa bag ko. 

May dala akong ilang invitations para sa mga naging kaklase ko noong unang sem at may nakareserba naman na dalawang invitation para sa dalawang taong nakakausap na rin namin ni Cristof sa bagong section namin. Para iyon kay Julian at Rafael.

"Wow naman, hiyang-hiya naman ako sa hiya effect mo kanina," natatawang sabi niya habang pinipisil ang mga pisngi ko. Inabot ko sa kaniya ang invitation niya. Isa iyong navy blue na envelope, noong nilabas niya ang laman noon ay parang gulat na gulat siya at parang hindi inaasahan ang mga nakita. 

Napagdesisyunan kasi namin na gawing unique ang invitation ko kaya isang cd ang laman noong envelope, isang pirasong papel na nagsasabi kung saang parte ng program ka kasali, isang pirasong papel naman ang nagsasabi kung saan gaganapin ang event at ang mini-map para hindi mahirapan ang mga pupunta sa daan, isang papel naman nakalagay ang mga details tungkol sa event, kung kailan ito gaganapin at kung ano ang dapat na suot. 

Anong laman noong cd? Video ko na sumasayaw. Isa iyong save the date video.

"Bibigay ko muna 'to kila Julian at Rafael, ininvite ko na rin sila. Wala pa naman akong masyadong kakilala dito eh kaya sila muna," pagpapaliwanag ko. Tumango lang si Cristof habang patuloy tinitignan ang invitation ko. 

Tumayo na ako saka pumunta kung nasaan sila Julian at Rafael. May bakanteng upuan sa tabi ni Julian kaya doon ako naupo. "Uy, Julian, Rafael, debut ko na kasi next week," saka ko inabot ang mga invitations. "Punta kayo ha!" sabi ko.

"Uy, mag-18 ka na pala! Thank you!" sabi ni Julian at nginitian ko lang siya kasama nila sila Gen ata ang pangalan noon pero dahil sobrang hindi ko naman sila nakakausap kaya maiintindihan naman siguro nila kung hindi ko sila iimbitahin sa debut ko. Buti na lang at nasa may likod sila nila Julian at Rafael kaya hindi awkward.

"Welcome! Punta kayo ah! Kasali kayo sa 18 roses ko," sabi ko.

Binuksan nilang dalawa sabay ang envelope na iyon at tila namangha din sa nakalagay doon. "Uy, ang ganda," sabi ni Rafael. "Kailan 'to?"

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon