Chapter 29

554 14 4
                                    


"Umuwi kana. Nandito si Kuya Sirius para bantayan ako, maaga din ang punta ni Mommy at Daddy bukas."

Hindi ako makatingin kay Yvo. Ewan ko kung bakit, basta ko lang nararamdaman na hindi ko kayang tingnan siya sa mga mata.

"Umaalis ang Kuya Sirius mo para tignan si Callisia. Kapag wala siya wala kang kasama."

Sa inis ko ay napabaling na ako ng tingin sa kanya. "Hindi naman ako lumpo. Kaya ko naman tumayo kung may gusto akong gagawin at kakainin. At bakit naman pabalik balik si Kuya kay Callisia, May mga nag aalaga din sa kanya doon."

Nagkibit balikat siya." Ask him. Baka may gusto siya kaya bumabalik?"

Napalunok ako doon. Baka nga! Pero kahit na di niya ako iiwan para sa ibang babae. Hindi siya ganon.

"Umuwi ka nalang at alagaan ang asawa mo. Kailangan ka niya. May pamilya din akong mag-aalaga sa akin." Binagsak ko ang unan nasa higaan ko at nagtago sa ilalim ng kumot.

Naiinis ako sa kanya kasi....Bakit nga ba? Basta naiinis ako.

Napapikit ako ng tumukhim siya. Naiwan kami dito dahil hinatid ni Kuya Sirius si Prince at Ara sa labas. Umuwi narin sila at babalik bukas ng hapon.

Akala ko ay kukunin niya ang kumot na nasa mukha ko pero hindi. Niyakap niya lang ako.

"Hindi totoong kasal kami. Iyon lang ang pagkakaalam nila pero hindi ako pumayag dahil ikaw ang gusto ko.. Naririnig mo ba? Ikaw lang. Nasaktan ako ng ipapakilala ka ni Sirius bilang girlfriend niya kaya hindi ko na iginiit na wala naman talaga kaming relasyon ni Kara. Ni minsan ay hindi ka nawala sa isipan ko."

Napakagat ako sa aking labi sa mga naririnig ngayon. Patuloy sa pagyakap si Yvo sa akin, sobrang saya ko. Hindi na muling nakapapigil ng luha at nag-unahan na ang mga ito sa pagtulo.

Pilit niya akong itinass galing sa pagkakahiga. At dahil mas malakas siya kaysa sa akin nagawa niya ang gusto niyang gawin, Mas lalo akong naiyak. Nakangiti siya ngayon habang inaayos ang magulo kong buhok, sunod na pinunasan ang mga luha sa aking pisngi at hinalikan sa mga labi.

Tila lahat ng paghihirap at pagod sa panahong iyon ay tinangay ng isang halik. Hindi ako nagkamaling panatilihin ang pagmamahal kay Yvo. Kahit ilang lalaki pa ang ihinarap sa akin ay nagtiwala ako sa puso kong siya lang at siya nga.

"Hindi mo alam kung gaano kahirap ang ipilit sa sarili ko na ikaw lang." Napanguso siya sa sinabi ko, hirap man ipagpatuloy ang gustong sabihin sa kanya dahil sa iyak ko ay pinilit ko parin. "Kahit gustong sumuko ng isip ko at katawan na kalimutan kita, o baka may iba kanang minamahal ang puso ko ang lumaban. Siya ang rason kung bakit nanatiling matatag ang nararamdaman ko sayo Yvo. I trusted my heart. Kasi ikaw ang kapalit non..Kung susuko ako, mawawala ka sa akin. Iniisip ko palang na sa iba ako ikakasal ay hindi ko na kaya.."

Sobrang gaan ng loob ko sa gabing iyon. Kahit hindi ako inaantok ang sarap matulog sa tabi ni YVo. Queen size bed ang higaan ko sa hospital kaya naman malaua siyang tumabi sa akin. Hindi narin ako nag protesta dahil maliban sa gusto ko ang ideya niya ay para narin makapag pahinga siya.

Dalawang araw pa akong nanatili sa hospital, at ng tuluyang nakalabas ay sa mansyon na ako dumiretso. Hindi na nakasabay sa amin si Kuya Sirius dahil kailangan ng makakasama ni Callisia sa hospital, hindi na ako nag isip ng kung ano pa dahil kasalanan ko. Kung pinayagan lang ako ni Mommy na bantayan ang taong tumulong sa akin ay gagawin ko.

Kompleto ang lahat ng makarating kami sa mansyon. Si Yvo ang nagsundo kasama si Daddy, medyo naiilang pa ako dahil ito ang unang pagkakataon na sila ang kasama ko sa kotse kaya hindi ako gaanong nagsalita at nagpanggap nalang na tulog.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon