Chapter 1

148 6 0
                                    

Mia Pov*

Kakagising ko lang mula sa pagkakapahinga ko ng dumating si Tita. Aawayin nya na naman siguro ako.

"Mag ayos ka dyan Mia!!!" bungad nya agad sa akin ng makita nya akong kakagising lang.

"Bakit po ba Tita?" nagtataka kong sabi.

Kakalibing lang ng magulang ko, namatay sila dahil sa car accident. Mahirap lang ang buhay namin pero masaya naman. Si Mama at Papa ay nagtitinda lang sa lansangan ng pauwi na daw sila sakay ng jeep ay bigla daw may isang truck ang humaharurot at bumangga sila dito.

"Nandyan na ang mag kukupkop sayo!" sabi nya sa akin bago umalis.

Simula ng mamalagi ako kay Tita ay hindi nya ako pinakitaan ng magandang asal. Pero lubos pa rin ang pasasalamat ko ng tulungan nya ako sa burol at libing nila Mama at Papa.

"Ipapamigay ako ni Tita?" tanong ko sa sarili ko.

Sinunod ko naman ang utos ni Tita kahit naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Nagsuot ako ng red dress na abot tuhod kaya tumitingkad ngayon ang natural na puti ng aking kutis.

"Umayos ka Mia!!!" nang makalabas ako sa kwarto ko ay papunta na rin pala si Tita. Hinablot nya pa ang braso ko para mapadali sa pag lalakad.

"Tita para saan po ba ito?" kinakabahan kong sabi ng makita kong medyo may katandaang lalaki ang nakaupo sa sala.

Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip katulad ng ibebenta ba ako ni Tita para sa pera. Paano kung may gawin syang masama sa akin?. Nauuso pa naman ang panggagahasa ng mga matatandang mayaman.

"Mr, Aquila ito na po ang pamangkin. Batang-bata wala pang nagiging jowa" ngiting plastic ni Tita dito sa matandang ito.

Gusto kong konyatan si Tita dahil na hurts ako doon sa hindi pa nagkakajowa pero lumalamang ang kaba ko ngayon dahil mukhang binebenta nya nga ako.

"Hmm pwede na" sabi ng matanda habang nakatingin lang sa mukha ko. Sa mukha naman nya ay hindi mo makikitaan ng kamanyakan dahil ang postura nya ay kagalang-galang naman.

"Tita bakit po may ganito?" kausap ko sa Tita ko.

"Abah naman Mia, mahirap lang ako. Humirap pa lalo sa gastos ng magulang mo. At bilang kapalit ay ibebenta kita dito" turo nya pa sa matanda.

"Pero Tita babayadan naman kita. Mag tratrabaho ako wag lang ganito Tita!" naiiyak kong sabi sa kanya.

"Nagpapatawa ka ba Mia? 12 years old ka lang paano ka magkakatrabaho?. Walang tatanggap sayo magiging bayarin ka rin lang naman" lalo akong napaiyak sa sinabi nya.

So totoo nga na ibebenta nya ako at magiging bayarin akong babae sa matandang iyon. Ganun na ba talaga ka baba ang tingin sa akin ni Tita, wala ba syang tiwala sa akin na makakahanap din ako ng trabaho.

"Kaya kong maging katulong Tita, marunong ako sa gawaing bahay" pagpipilit ko sa kanya ngunit mukhang sarado na ang utak nya.

"Deal is a Deal Mrs Rosales! walang makakalabas na balita tungkol rito" paninigurado pa ni Mr.Aquila.

"Yes Mr. Aquila" nagshake hands pa sila sa na parang business ang pinag usapan nila.

Ayoko talagang sumama dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin doon. Hindi ako bayarang babae, isa lang akong bata na may pangarap sa buhay.

"Oh love ano ito" kinabahan lalo ako ng dumating si Tito.

Hinalikan nya muna sa labi si Tita bago pumunta sa tabi ko at akbayan ako. Ang kamay nya ay hinihimas-himas na ang expose kong balat sa aking balikat na kinatakot kong lalo. Kinakalibutan ako kay Tito.

"Love binebenta ko na si Mia dahil wala naman syang pakinabang dito sa Bahay tsaka para mabayadan na rin nya tayo sa utang na pinanggastos natin sa mga magulang nya" kwento ni Tita kay Tito.

Gusto kong lumayo kay Tito dahil ilang beses nya na akong binabastos. Kahit bata pa lang ako ay alam ko na ang ginagawa ni Tito tuwing umaalis si Tita . Madalas akong pagalitan ni Tita sa tuwing uuwi sya ay wala ako sa bahay, ginagawa ko lang naman yun dahil gusto kong makatakas lagi Kay Tito.

"Hayts Sayang naman mapapalayo na pala sa akin ang paborito kong pamangkin" sabi nya pa at hinimas-himas ang balikat ko. Naiiyak na ako dahil ayan na naman sya.

Tumingin ako kay Mr.Aquila ng tumikhim sya. Nakita ko sa mata nya ang awa ngunit sa ilang saglit lang ay bumalik ulit ito sa pagiging kagalang- galang.

"Halika dito ineng!" utos nya sa akin na hindi naman ako tumanggi.

Nakita ko pang susunod na sana sa akin si Tito ngunit hinarangan na sya ng mga tauhan ni Mr.Aquila. Ramdam kong ligtas na ako! at alam kong mabait itong matandang ito.

"Halika na iha" sabi sa akin ng matanda at inaya na akong lumabas.

Naghuling sulyap ako kay Tita at doon ko nakita kung paano bigyan sya ng makapal na sobre na alam kong laman nun ay mga pera.

"Ser pwede bang makausap ang pamangkin ko?" paghahabol pa sa amin ni Tito ng makita nya kaming pasakay na sa kotse.

Naramdaman ata siguro ng matanda ang matindi kong takot kaya sya ang kumausap rito.

"Oras na tinanggap nyo ang sobre ay nangangahulugang wala na kayong karapatan sa batang ito Mr.Rosales" makapangyarihang sabi ng Matanda at umalis na kami sa lugar na iyon.

Nang nasa biyahe kami ay kinain na naman ako ng takot dahil sa mga kasama ko. Baka kagaya rin sya ni Tito kaya sumiksik ako sa kabilang side ng kotse.

"Iha wag kang matakot! nandito ako para isalba ka sa mga taong iyon. Wala kaming gagawing masama sa iyo" paliwanag sa akin ng Matanda.

"At bakit nyo naman po kasi ako binili sa mga tita ko.  Hindi ko naman po kayo kilala"

"Hahaha gusto kong magkaroon ng anak na babae. At para naman may makasama ang anak ko tuwing aalis ako" kwento nya sa akin.

"Wehh?? sure ka na dyan?"

"Oo naman! Maloko kasi ang anak ko, siguro dahil kulang sa oras. Gusto kong samahan mo sya lagi"

"Bakit? mamatay na po ba kayo?" inosenteng sabi ko na kinaputla naman nya.

"Hahaha pinapatay mo na ata ako Ineng" natatawa nyang sabi.

Hindi ko na lang sya pinansin dahil mukhang totoo naman ang sinabi nya. Kung ganun ay magkakaroon ako ng kapatid, magkakasundo kaya kami?.

"We're here sir" sabi ng driver kay matanda.

Halos tumulo ata laway ko sa ganda ng bahay nya. Hindi katulad ng mga normal na bahay dito sa Manila. Parang may pagka Italy ang peg basta! at mukhang sa ibang bansa pa galing ang mga gamit sa labas. Napakadaming halaman!

"Welcome to our Home!" masayang welcome sa akin ni Mr.Aquila.

Magiging bahay ko na ito? Wowwww, tumingin ko sa paligid at masasabi kong may kaya nga sa buhay ang matandang ito. Pero nasaan ang magiging kaatid ko?.

"Dyan ka lang ineng hahanapin ko lang ang magiging kuya mo" sabi sa akin ni Mr.Aquila

Pangarap ko talagang mag kakuya dati pa, yung mayroong mag pro-protekta sayo. Excitement ang umusbong sa puso ko ng marinig iyon ngunit ng magawi ang mga mata sa isang malaking litrato at halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko. Sya ba ang magiging kuya ko?.

"Welcome to hell my so called little sister" husky na boses ng isang lalaki ang bumulong sa aking tainga.

'Ang puso ko! bakit napakabilis nito?'

The Prince's ClutchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon