Paano ko palalayain ang sarili ko sa nakaraan
Kung ang mga yakap mo parin ang hanap-hanap
Sa tuwing malamig ang gabi,
Mga mata mong nangungusap,
Mga ngiti mong pumapawi sa pagod,
Pilit ako nitong hinihila
Pabalik sa ating mga alaala
Na hindi na mababalikan
Dahil di ka na muling bumalik pa.