15

24 0 0
                                    

"Simula sa Monday, 7pm na ako uuwi. Start na nang rehearsals for Musical Play. Bawal umabsent." paalam ko pa habang kumakain kami nila mama nang hapunan. Favorite ko ang ulam, gisadong sardinas na may malunggay at itlog.

"O sige, basta siguraduhin mo lang na nakakakain ka nang maayos at hindi ka masyado mapapagod." paalala pa ni mama. Concern din pala to kahit papaano, sabagay concern lang naman sila pag may nagawa akong maganda. Tumango lang ako bilang sagot.

"Asan na ba si Sandra?" patukoy neto kay ate. "Lagpas alas siyete na ah. Napapansin kong napapadalas nang gabihin sya kung umuwi." nagtatakang sabi ni papa. Sus, kung alam nyo lang.

Sa totoo lang ay gustong gusto kong sabihin kela mama na may jowa na ang perpekto nilang anak. Kaso ayaw ko namang lalong sumakit ang ulo nang mga to, sakin pa nga lang eh masakit na ang ulo nila. Tsaka isa pa, naniniwala naman akong walang gagawing masama si ate. Sana nga wala.

"Ikaw ba Sabrina eh alam mo kung bakit gabi na kung umuwi ang ate mo?" salubong ang kilay na tanong ni mama. Napalunok naman ako, marunong naman akong magsinungaling kahit papaano.

"Malay ko." tanging nasagot ko nalang. Napahinga naman ako nang maluwag nang ituon na ni mama ang paningin sa pagkain.

Maya maya pa ay narinig na namin ang pagsara nang gate. Malamang sa malamang ay dumating na si ate. Yari na naman sya at magigisa na naman sya ni mama sa sarili nyang mantika. Maya maya lang ay pumasok na sya, pagkapasok na pagkapasok nya palang ay inusisa na sya ni mama.

"Anong oras na?" maski ako ay kinilabutan sa tono nang pagtatanong ni mama. Yung tonong kinakasa na ang armalite, at ready nang brumatatatat pew pew pew!

"May ginawa po kasi kami sa school. Masyadong marami kaya natagalan." mahinahong paliwanag nya pa at tumingin sa akin. Nagtatanong ang tingin nya kung may sinabi ba ako. Umiling lang ako sa kanya para saguting wala akong sinabi kela mama.

"Siguraduhin mo lang na pag-aaral ang inaatupag mo, dahil kung hindi lilipad ang mga gamit mo sa labas ngayon din." istrikta pang sabi ni mama. Natawa pa ako sa isip ko, kung alam nyo lang tsk.

Sumabay na si ate na maghapunan, at dahil nga mga tamad sila maghugas eh lababo queen ang peg ko ngayon. Pagkatapos maghugas ay pinatulo ko muna ito bago pinunasan at nilagay sa tamang lalagyan. Nanonood pa sa sala sila mama nang 100 days to heaven nung umakyat ako, inaya pa ako pero tumanggi na ako.

Pagkaakyat ko ay cellphone ko kaagad ang kinuha ko. May 2 missed calls si Neo. Ano naman kelangan neto?

Idadial ko na sana ang number nya nang bigla syang tumawag. Agad ko naman iyong sinagot.

"Owww?" bati ko kaagad.

"Busy ka ba Sab?" tanong nya sa kabilang linya.

"Hindi naman, bakit?" tanong ko pa.

"Kasi ano..." narinig ko pa syang bumuntong hininga.

"Bakit?" tanong ko ulit.

"Kasi ano..." ewan ko bat di nya matapos tapos ang sasabihin nya.

"Hahahaha, ano ba yon? Sabihin mo na." natatawa pang sabi ko.

"Kasi ano..." feeling ko nahihiya to sa kung ano man sasabihin nya.

"Kasi ano nga?" tanong ko ulit.

"Kasi... Diba aalis tayo bukas?" shet! Oo nga pala! Sabado na pala bukas! Hindi ko pala nasasabi sa kanyaaa

"Hala hindi ko pala nabanggit sayo! Yung tungkol sa pagbili natin nang damit for musical play! Andami kasi nangyari hahahahaha! Oo bukas nga yon. Sino nga pala nagbanggit sayo? Bakit di ka makakasama?" tanong ko pa

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon