Chapter 29

41 0 0
                                    

                      "Erin!" Tawag ni ate Syd sa labas ng pinto matapos kong kausapin si Aika. Hindi naman ako lumalabas kasi ayaw kong abalahin ang panonood nila Eros. Plus, nandoon si CJ at oras nila 'yun ni Eros to watch basketball or whatever.

"You're here." Gulat na sabi ko.

"Yep! Alive and breathing." She laughed.

"Ikaw lang? Sila Eros nasa sala, nanonood,"

"Nope. Anjan 'yung mga pinsan mong lalaki. Hinila nila ako kaya sumama na rin ako. Ngayon nalang daw tayo mag-dinner." She said.

"Okay?" Gulat parin sabi ko at lumabas. Totoo nga. Nasa labas ang mga pinsan kong lalaki na nanonood ng TV kasama ni Eros at CJ, maliban kay Tosh. Siyempre, pinagbawalan siya ni tito Bryce.

"Hi, Erin." Bati nila kuya Aki.

"Sleepover kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Yup!"

"Pero hindi kayo kasya dito. Si Eros ang natutulog sa guest room." Paliwanag ko.

"Hindi naman talaga, eh," Ivan laughed. "Kay CJ kami matutulog. Si Sydney sa kwarto mo na."

"Okay! Ate Syd nga pala," tawag ko at pumasok muli sa kwarto ko. "May sinabi si Aika sa'yo?"

"Yup. That's one of the reason bakit ako sumama dito. I feel bad for them. Bagay na bagay sila, eh." She pouted.

"I know right. But it's the best for the both of them. I hope sumaya sila. Instead of focusing sa problem, mag-focus tayo sa solution."

"Huy, iiyak ka nanaman?," natatawa niyang sabi. "May boba shop na bukas dito? Tara nga." Sabi niya.

"Okay. Bihis lang ako." I told her at pumasok na sa closet. Hindi ko na pinalitan ang shirt ko, nag-leggings ako dahil maginaw na, paired with a black windbreaker. Nagsoot lang ako ng Givenchy slides dahil malapit lang naman ang pupuntahan namin at naka-flip flops lang din naman si ate Syd. Maliit na sling bag lang ang dala ko dahil phone at wallet lang naman ang dala ko.

"Let's g." Sabi niya at lumabas na.

"San kayo punta?" Tanong ni Eros.

"Sa malayo sa'yo." Walang kwentang sagot ko at lumabas na ng unit ko.

"Samgyup?" Tanong ni ate Syd nang makapasok kami sa elevator.

"Yup, pwede. Pero boba muna tayo, nauuhaw ako eh." I told her.

Pagkalabas namin, maginaw na. Good thing that I was able to wear my windbreaker. Naka-cardigan din si ate Syd na tinanggal niya dahil ayaw niya mangamoy usok.

"Have you talked to tito Bryce already?" I asked while grilling the beef.

"Hindi pa. Mailap si tito Bryce. I wonder kung nakakapag-usap sila ni Tosh." She sighed.

"Alam mo? Dad is cool with Tosh. Sila Mom lang, tito Bryce at tita Bess. I can't stand her, actually."

"Same. Hindi ko maatim na makasama siya. Iniisip ko palang na makakasama siya sa party bukas, I can feel that my day is already ruined. She's a bitch and a home wrecker."

"Hindi ko alam kung paano niya kinakaya na tignan sila Dad sa mata, knowing na 'yung malalaking amount ng pera na nawawala ay dahil sa kanya."

Madami kaming napag-usapan ni ate Syd. It's still actually nice that we get to spend time talking. Sayang lang at wala si Aika.

Pagbalik namin sa condo, nagdala kami ng bubble tea para sa kanila. Pero as expected from the boys, nasa terrace sila at umiinom ng liquors. Si CJ at Ivan lang ang nasa sala at nag-uusap.

Skies' not the limitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon