Pag-samba sa Rebulto

20 1 1
                                    

SINASAMBA BA NG MGA KATOLIKO ANG MGA REBULTO?

1. Ano ang itinuturo ng Bibliya?

- Ayon sa Exodo ipinagbawal ng Diyos ang rebulto o imahe ng mga diyus-diyosan. "Huwag kang gagawa ng inukit na diyus-diyusan o imahen ng anumang nasa langit sa itaas o nasa lupa sa ibaba o nasa tubig sa ilalim ng lupa. Huwag kang yuyuko(luluhod) o maglilingkod sa kanila."(Exodo 20:4-5) Malinaw na ipinag-babawal ng Diyos ang pagsamba sa mga diyos-diyosan, pag-gawa ng kanilang mga imahen,(Lev 26:1, Deut 5:8-9) at paglilingkod sa kanila (2 kings 17:12) sapagkat ang Diyos ay selosong Diyos (Exodo 20:5) at iisa lamang ang Diyos (Isa. 44:6, 1Cor 8:6) At sinabi ng Panginoong Hesukristo na ang dapat lamang sambahin at pag-lingkuran ay ang nag-iisang Diyos. (Mateo 4:10)

2. Ano ang itinuturo ng Simbahan?

- Ayon sa Katesismo ng Iglesia Katolika "The Christian veneration of images is not contrary to the first commandment which proscribes idols. Indeed, "the honor rendered to an image passes to its prototype," (prototype, n., the original model) and "whoever venerates an image venerates the person portrayed in it." The honor paid to sacred images is a "respectful veneration," not the adoration due to God alone: Religious worship is not directed to images in themselves, considered as mere things, but under their distinctive aspect as images leading us on to God incarnate. The movement toward the image does not terminate in it as image, but tends toward that whose image it is." (ccc 2132) Ibig-sabihin ang pag-galang na ibinibigay natin sa mga rebulto ay hindi para sa mga rebulto per se, kundi para sa inirerepresenta nito. Halimbawa, Iginagalang natin ang rebulto ni San Andres, ang pag-galang na ibinigay natin ay hindi para sa kahoy na inukit kundi para kay San Andres na inilalarawan ng rebultong ito.

Upang maging mas malinaw ang itinuturo sa atin ng Katesismo, dapat muna nating maunawaan na ang salitang "pag-samba" ay isang malawak na termino na ang kahulugan ay dumedepende sa pag-gamit nito. Halimbawa, sa aklat ni Propeta Daniel mababasa na yumukod si Haring Nebucadnezzar at sinamba siya. "Then King Nebuchadnezzar feel his face, worshipped Daniel and commanded that a grain-offering and incense be offered to him." (Daniel 2:46) Mapapansin na ginamit ang salitang "sinamba" o "worshipped" ay hindi nangangahulugang "adorasyon" kundi "pag-galang". Sapagkat mayroon tayong tatlong uri ng pag-galang o pag-samba:

· LATRIA – Ang pag-sambang nararapat lamang sa Diyos, at sa Diyos lamang ibinibigay. Ito ang tinutukoy ng Exodo 20:1-5 at ng Mateo 4:10.

· HYPER DULIA – Ang pag-galang na ibinibigay kay Maria bilang Ina ng ating Panginoon. Ito ay ang pagkilala kay Maria ng lahat ng lahi bilang pinag-pala sa babaeng lahat. (Luke 1:48)

· DULIA – Ang pag-galang at pagkilala sa mga Banal o Santo na namuhay ng may kabanalan at huwaran ng isang pamumuhay Kristiyano. Ito ang pagkilalang tinutukoy ng Roma13:7 na marapat lamang na kilalanin at igalang ang mga Santo dahil sa kanilang kabanalan at tungkuling ginampanan para sa sambayanan ng Diyos.

- Ang ibinibigay natin sa mga Santo at kay Maria at sa kanilang mga imahen ay hindi Pagsamba sapagkat alam natin na ang pag-samba ay para lamang sa nag-iisang Diyos. Walang mababasa sa kahit anong opisyal na dokumento ng Simbahan na ipinaguutos na sambahin ang mga rebulto. Walang sinumang pinuno ng simbahan, kahit ang Santo Papa, ang nagturo na sambahin ang mga rebulto.

3. Ano ngayon ang tinutukoy ng Exodo 20? Masama ba ang Rebulto?

- Walang nabanggit sa banal na kasulatan na masama at ipinagbabawal ang rebulto. Ang nabanggit lamang sa banal na kasulatan ay rebulto ng mga diyus-diyosan. Kung sisiyasatin natin ang bawat salita sa Exodo 20:4-5, ang ipinagbabawal ng Diyos ay ang pag-gawa ng rebulto ng diyus-diyosan upang sambahin. Ibig-sabihin, ipinagbabawal lamang gumawa ng rebulto kung ito'y iyong sasambahin at kung ito'y imahe ng isang diyus-diyosan, ngunit wala kailanman na nabanggit na ipinagbabawal ang paggawa ng rebulto. Kung ipinagbabawal ang paggawa ng rebulto o imahe sana'y noon pa lamang sinira na ng mga Kristyano ang kahit na anong rebulto. Halibawa dito sa Pilipinas dapat ipinasira na ang mga rebulto ni Rizal o ng kahit sinong bayani. Ganoon din naman hindi na dapat gumawa ng rebulto ni Martin Luther na tagapagtatag ng protestantismo ang mga luterano, hindi na dapat gumawa ng rebulto ni Felix Manalo na tagapagtatag ng Iglesia ni Kristo, at ni John Smith na tagapagtatag ng Baptist Church. Katunayan tuwing anibersaryo ng mga tagapagtatag na ito inaalayan nila ito ng mga bulaklak, at hindi nila pinapayagang marungisan ang rebulto ng kanilang mga tagapagtatag. Malinaw lamang na ang ipinagbabawal ay ang rebulto ng mga diyus-diyosan. Katunayan napakarami ng Diyus-diyusan na maaaring tinutukoy ng talatang ito, at ang mga pangalan ng mga diyus-dyusang ito ay nakatala sa banal na kasulatan. Halimbawa na lamang ni Baal (2 kings 10:18) Artemis (Acts 29:24) ang rebulto na ginawa ng mga Israelita (Exodo 32) Rebulto ni Adrammelech, Amon, Asherah, Ashima, Ashtoreth, Baal-Berith, Baal- Peor, Baal-Zebub, Bel, Castor, Chemosh, Dagon, Gad, Zeus, Kalwan, Meni, Hermis, Merodach, Milcom, Molech, Nebo, Nehustan. At marami pang iba na diyus-diyosan.

REBULTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon