Ginawa nang merienda at hapunan ni Precious ang thesis nila sa eskwelahan. Kanina pa walang tigil sa kakapindot ng keyboard ang mga daliri nya. Binibilisan nya na ang pagtype. Pindot sa W, sa E, sa T, at sa isang iglap lang ay na-buo nya na ang salitang: "We therefore conclude". Dalawang araw na lang kasi at pasahan na, ginahol sila sa oras. Maraming salamat sa iba nyang ka-grupo na matitigas ang mukha at ni kusing ay wala man lang naitulong sa proyekto.
Nagtataktakan ang bawat letra sa keyboard ni Pres. Bawat sipat ng mata sa notebook—na pinagsulatan nya ng draft—ay sya namang pagsalin ng mga kamay nito sa mga elektronikong letra sa kompyuter.
Walang tigil. Walang emosyon ang mukha. Mumunting ingay lang ng keyboard at mouse ang maririnig mo sa kwarto ng dalaga. Hanggang sa isang beses ay napagod na rin sya. 'Ctrl S' ang huli nyang pinindot. Nag-unat panandalian, kasabay ng pagbuntong-hininga at mahinang pagmumura sa mga ka-grupong parasitiko, "Putris kayo," sabay lagatok ng buto sa likod.
Hindi pa sya dinadapuan ng gutom. Kanina pa sya hindi makaramdam ng gutom. Iinom na lang siguro sya ng tubig, naisip nya.
Bumaba si Precious ng kwarto papuntang kusina. Binuksan ang ref sabay lagok sa pitsel ng tubig, wala nang baso-baso. Itinigil ni Precious ang pag-inom nang naramdaman nyang parang nalulunod na sya. Nabilaukan nang kakaunti, pero may isa pa syang naramdaman na tila kakaiba. Parang may gusto syang sabihin, parang may gusto syang banggitin. Kakaibang sensasyon. Nararamdaman nya lang ito kapag may gusto syang sabihin na bigla nyang nakalimutan at nasa kadulu-duluhan na ng dila nya.
Nakapagtataka. Nakakakilabot. Pinabayaan nya nalang at baka mawala rin, o baka maalala rin naman nya maya-maya ang kung ano mang gusto nyang sabihin.
BINABASA MO ANG
TALAHAMIK
Любовные романы[ with ILLUSTRATIONS ] "Dinapuan ng kakaibang kapansanan si Pres. May kakaibang sensasyon s'yang nararamdaman sa labi n'ya. 'Yung para bang may gusto s'yang sabihing salita na bigla na lang n'yang nakalimutan at nasa kadulu-duluhan na ng dila niya. ...