Nagsi-daanan ang mga araw. Laging iwas makipag-usap kay Bartolomeo si Precious. Bukod sa mayabang, natitrigger rin yung karamdaman nya sa bibig kapag kausap ito. Kaya mas may dahilan sya para huwag kausapin. Allergic sya sa loko.
Pero isang araw napansin na lang ni Pres na palagi nang tahimik si Bartolomeo. Nawalan na nang angas sa katawan. Hindi na masigla kagaya nang dati. Lumalagapak na minsan sa mga quiz. At isang araw sa PE subject nila, nakita nya itong nakaupo malapit sa ring ng basketball court ng PE grounds. Noong oras na iyon, malaya silang nakakapagliw-aliw ng mga kaklase dahil absent ang Prof nila na sana'y magtuturo ng Volleyball rules sa kanila.
Nilapitan ni Pres si Bartolomeo, kahit alam nyang magwawala nanaman ang bibig at kakabog nanaman ang dib-dib sa kaba. "Oy, Bfft-...Bartolomeo," umupo sya sa sahig na kinauupuan ni Bartolomeo, pilit na kinukubli ang mga nararamdaman.
"'Meo' na lang," nakatingin ang binata sa mga kaklase nilang naglalaro ng Volleyball.
"Laro tayo, Meo," lakas loob na alok ni Pres. Ilang segundong nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. "Uy!" tinapik nya gamit ng sariling balikat ang balikat ni Meo. "Laro tayo, sabi ko."
Doon nya na nakuha ang atensyon ng kausap, "Ayoko, men. Wala 'kong gana.
Nagkaroon ulit ng katahimikan.
Nakatingin na rin si Precious sa mga kaklase nilang naglalaro ng Volleyball. "Napansin ko nitong mga nakaraang ara na hindi ka na ganun ka-yabang a." Walang kung ano-anong dineretso ni Precious ang binata na parang wala man lang pakialam sa mararamdaman nito.
"Nagsawa na. Sa mga unang araw lang pala ng klase ako magiging ganon."
Nagulat si Pres nang diretso ring sumagot si Meo, "Plinano mong maging mayabang?"
Nag-isip muna ng sasabihin si Meo, "Siguro? Ewan. Nakakasawa rin palang magpanggap sa kung ano ang hindi ka."
"Wala ka bang naging kaibigan nung mayabang ka pa? Kaya nagbago ka na?" pasaring na tanong ni Precious.
"Meron naman syempre." May itinuro si Meo mula sa malayo, "Siguro nakikita mo namang palagi kong kasama yang sina Cruz."
"May hangin din naman yang sina Cruz e. Pero oo nga. Ka-close mo na nga silang lahat." sang-ayon ni Pres.
"Ikaw na lang hinde."
Nagkaroon ulit ng katahimikan. Pero dali-dalian din itong binasag ni Precious, "Alam mo kung bakit?"
"Kasi mayabang ako? Kakasabi mo lang kanina.
"Isa na yun syempre."
"Pasensya. Nakaka-turn-off nga yun. Nakakawalang gana kapag may makahalubilo kang ganung klaseng tao," tumigil muna saglit si Meo, "Pero...isa na yun? Edi may iba pang dahilan?" Napatingin na si Meo kay Precious.
"Oo."
"Ano naman yun?"
Naduduwal nanaman si Precious. Heto nanaman ang kakaibang sensasyon. Palakas nang palakas. Akala nya nawala na kanina noong kinausap nya si Bartolomeo pero nariyan pa rin pala at lalo pang lumala.
Kumakabog ang dibdib ni Pres, unti-unti syang tumingin kay Meo. Nagkatamaan ang mga mata nila. Nakanganga si Precious, pakiramdam nya'y nasa dulo na ng dila ang salitang gustong-gustong sabihin ng mga bibig nya. Hanggang sa nalaman na nga nya ang unang letra ng salitang kating-kating bigkasin ng bunganga, "T". Isang malaking "T" ang tila lumobo sa bibig ni Precious. T! T! T! Anong ibig sabihin nito? Napag-isip-isip nya sa sarili, Tanga? Tae? Tite ba to? T-T-Tsanggala ang baboy ko talaga minsan.
Nahuli ni Precious na ngumingisi at nandidiri si Meo sa parehong pagkakataon, at nalaman kaagad nya kung bakit—naglalaway na pala sya sa kakanganga.
"Grabe...may pagkabalahura ka pala, Presi," sabay sabog ng tawa si Meo.
Naasar si Precious sa mapang-asar ding tawa ni Bartolomeo kaya pinunasa nya ang laway sa bibig sabay pahid nito sa balikat ng binata.
"Aaaanak ka naman ng nanay mo!" dali-daliang tumayo si Meo para gawing umilag.
Tumayo na rin si Pres sa pagkakaupo at akmang hahabulin si Bartolomeo. Natatawang tumakbo si Meo papaalis, sya namang sunod ni Precious sa kanya. Naghabulan sila sa loob ng PE grounds, hanggang sa hindi na lang sila sa PE grounds nagsisitakbo. Hanggang sa mapagod sila sa kakatakbo. Hanggang ang lahat ng inis at pandidiri ay napalitan na ng saya...at mahinang-mahinang tibok ng puso, yung langgam lang muna ang makakarinig at hindi muna ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
TALAHAMIK
Romance[ with ILLUSTRATIONS ] "Dinapuan ng kakaibang kapansanan si Pres. May kakaibang sensasyon s'yang nararamdaman sa labi n'ya. 'Yung para bang may gusto s'yang sabihing salita na bigla na lang n'yang nakalimutan at nasa kadulu-duluhan na ng dila niya. ...