11

6 0 0
                                    

Malakas na sigawan ang nangingibabaw sa gymnasium ng school namin ngayon. May mga banners, balloons at mga drums na sinasabayan ng cheers nila. Habang kami naman ng mga kasama ko, hindi kami mapakali dahil sa kaba.


Last day na ng intrams namin kaya ngayong araw ang championship ng basketball at volleyball. Matagal kong hinanda 'yung sarili ko dito, halos hindi na ako makatulog kagabi dahil sa halo-halong kaba at excitement.


"Kaya natin 'to, guys," Sabi ni coach sa'min habang naka-akbay sa'kin atsaka kay Ara. 


Naka-bilog kami ngayon at magkakahawak ang mga kamay. Kakatapos lang naming humingi ng guide kay Lord at konting oras nalang ay magi-start na 'yung game.


"Kung matalo man, ayos lang 'yon. Basta ang mahalaga, binigay niyo ang best niyo." Paalala niya sa'min. Tumango kaming lahat at ngumiti kahit napapalibutan na kami ng kaba sa buong katawan. 


"Laro lang guys, a. Walang personalan, mga bata lang 'yan." Sabi naman ng libero naming si Ana. 


Natawa kaming lahat do'n, pati si coach. "Oo nga, guys. Chill lang tayo." 


Napatigil kami nang mag-announce na ang principal namin at mas lumakas na ang hiyawan. Sinenyasan na kami ni coach kaya pumwesto na kami sa sideline at naghawak-hawak ng kamay. 


"GO SENIORS!" Rinig naming sigaw ng mga kapwa naming seniors. Napangiti ako agad dahil don.


Napakasarap pala sa pakiramdam na chinicheer ka ng mga schoolmates at iba mong mga kaibigan. Nangingibabaw man sa'kin 'yung kaba, unti-unti namang nawawala 'yun dahil sa mga cheer nila.


"We can do this, betbet." Bulong sa'kin ni Ara. Lumingon ako sa kaniya at ngumiti, naramdaman ko namang hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.


Nasa sideline na rin ang mga juniors at kasalukuyang nakatingin sa'min nang masama. Natawa nalang ako dahil do'n. 


Pumila muna kami sa gitna ng court at nag-bow sa kanan at kaliwa. Pagkatapos no'n, pumunta na kami sa centreline para makipagkamay muna sa mga juniors. Nakita ko naman kung paano irapan ni Ara ang bawat junior na nakasalubong namin. 


"Chill lang daw sabi ni coach." Bulong ko sa kaniya.


"Wala 'yun sa vocab ko, betbet." Napangisi ako dahil sa sagot niya. 


Kahit kailan talaga 'tong si Ara, laging palaaway. Wala talagang inuurungan kahit bata o mas matanda sa kaniya, e.


Ilang minuto lang, nagsimula na 'yung game. 


Kahit na sinabihan kami na chill lang at laro lang naman 'to, parang hindi 'yon pumasok sa utak ng mga kasama ko. Seryosong seryoso sila sa laro at titig na titig sa mga kalaban namin. 


Todo sigawan at cheer ang mga schoolmates namin tuwing nakaka-score kami. Lalo tuloy kaming ginagahan dahil do'n. 

SAUDADE (Anthology Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon