LOVELYN POV.
Natapos na kaming kumain at nandito kami ngayon lahat sa sala. Nagiisip kung anong susunod na gagawin. Naka indian sit ako at nagbabasa ng libro. Ito kasi talaga ang hilig ko ang mag advance reading. Para hindi ako mahirapan sa mga lesson.
"Horror nalang kaya? Maganda yun tapos patayin natin lahat ng ilaw." Nanindig naman lahat ng balahibo ko ng sinabi yun ni Princess. Takot ako sa mga ganyang palabas. Tumayo ako at dahan dahang umalis sa kanila.
"Lovelyn? Saan ka pupunta? " napahinto naman ako ng tanungin ako ni tobi. Paktay! Unti unti akong humarap saka ngumiti.
"May kukunin lang ako sa kwarto ko. "Sabi ko bigla namang tumayo si alexander
"Samahan na kita" nagulat naman ako
"Nako wag na, babalik din naman ka agad ako.eh." sabi ko sa tumalikod patakbo kong pinuntahan ang kwarto ko at sinarado ito nilock ko pa ito. Hinawakan ko ang dibdib ko haysss buti naman. Humiga ako sa kama at pumikit pakiramdam ko napagod ako ngayong araw. Napabbalikwas naman ako ng may biglang kumatok sa pintoan. Wahhhhhh sabi ko may kukunin lang ako eh paano ako makakaligtas nito? Kumatok ulit ito kaya nakasimangot kong pinuntahan ang pintoan at binuksan ito nagulat akong si Alexander ang kumatok anong kailangan niya?
"B-bakit?!" Utal kong tanong
"Magsisimula na ang movie hindi kaba sasabay?" Tanong nito napakagat labi naman ako at yumuko.
"Takot kasi ako sa mga ganyang palabas kaya hindi nalang ako titingin."
"Nandito naman ako." Napaangat ako ng tingin ng sabihin niya yun. "I mean nandito nman kami wala namang nakakatakot sa palabas kaya halika kana." Sabi nito umiling lang ako.
"Kayo nalang medyo pagod narin ako eh." Sabi ko totoo talagang pagod ako hayssss tinitigan naman ako ni alexander kay nilabanan ko ito cguro tinitignan niya kung nagsasabi ako ng totoo. Bumuntong hininga ito.
"Sayang, maglalaro sana kami ." Napaiwas naman ako ng tingin ano ba talaga ang punto nito? May kailangan ba siya? Hindi naman siya ganito. Alam kong hindi ito titigil kaya lumabas nalang ako ng kwarto ko.
"Tara na sasama nalang ako." Ngumiti lang ito kaya naglakad na ako pabalik sa sala. Sakto namang nagsimula na ang palabas at nagsimula naring tumayo ang mga balahibo ko shet! Umupo ako at umupo naman si Alexander sa tabi ko bakit dito pa siya umupo? Hindi ata na nila pinansin kung sino ang lumapit dahil naka focus sila sa palabas. Nakatingin narin ako sa movie na pinapanood nila. Hinahabol ng killer yung babae at takbo naman ng takbo ang babae, nadapa ito at naabutan siya, bigla naman siyang sinugatan nito sa paa at umagos ang dugo nito. Napapikit ako dahil sa nakita ko . Whhhhhhh huhuhuhu ayoko na. Binaling ko ang paningin ko at sakto namang nagtagma ang paningin namin ni Alexander. Bakit siya nakatingin sa akin? Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Alam kong sa takot lng ito na nakita ko kanina kaya dapat wala akong ipag alala. Ngumiti naman si Alexander sa akin pero iniwas ko ang paningin ko. Bakit ba siya ganiyan sa akin? Kahapon ang sungit sungit niya tapos ngayon ang hilig niyang ngumiti sa akin.
"Don't kill me please." Sabi nung babae habang umaatras ito. Napalunok ako ng makita ko kung paano nito sinaksak ang babae ng maraming beses. Tumayo ako at naglakad hindi ko na kaya.
"Lovelyn." Napahinto ako ng tawagin ako ni Alexander. "Saan ka pupunta? " tanong nito humarap ako at tinignan siya na parang natatakot ako sa palabas. Tumayo ito at lumapit sa akin at hinila ako.
"Wahhhhhh! " sigaw ni princess kaya nagulat din ako napaatras pa ako dahil sa gulat . Pero naapakan ko si Alexander kaya humarap ka agad ako.
*TSUP*
Nabigla naman ako ng biglang naglapit ang mga labi namin. Hindi ako makagalaw dahil sa ginawa ko. Wahhhhhhhhh kainin mo na ako lupaaa pleaseeeeee 😭 nakakahiya. Nakakatitig parin sa akin si Alexander. Nakaramdam ako ng hiya kaya tumalikod ako at umupo. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Shit! Hindi pwedi ito. Yumuko ako at tinignan ang mga daliri ko. Nanlalamig ito . First kiss ko yun at sa kanya pa napunta. Damn! Lovelyn! Anong ginawa mo! Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ako nakakaramdam ng ganito.
"Ay tapos na wala naman ka thrill thrill eh. " napatingin ako kila princess tumingin naman sa akin ito at ngumiti.
"Nag enjoy kaba bes?" Tanong nito hindi naman ako nakasgot paano k sasagutin kung hindi ko naman nakita lahat ng palabas? Tumango nalang ako.
"O kuya buong oras kaba diyan tumatayo? " hindi ako tumingin dahil alam kong nasa likod ko si Alexander. Bigla naman itong umupo sa tabi ko. Humarap naman sa amin si kiero at tobi at princess kumbaga nakapalibot kami.
"Aha! May naiisip na naman akong laro?!" Sabi ni princess parang kinakabahan ako sa laro nayun.
"Ano yun princess? " tanong ni tobi
"Spin thr bottle tayo at kapag nakatapat sayo ang bote tatanungin ka ng truth or dare."
"Masaya nga yan sandali kukuha ako ng bote." Sabi ni kiero at tumayo tahimik lang akong nakikinig sa kanila nahihiya akong tumingin kay Alexander. Bigla namang umupo si Alexander dala dala ang isang bote.
"So ganito ang rules. Pag sinabi mong truth yun na talaga pag dare naman yun narin , walang atrasan kapag anong inutos sayo or anong ipapaamin sayo. Ganito ang posisyon kapag ang ulo ng bote sa akin naka harap ako ang tatanungin at kapag yung pwet ng bote nakaharap kay lovelyn siya ang magtatanong sa akin. Nagets niyo ba? " sabi ni princess tumango naman kami na naintindihan namin ang sinasabi niya. Hinawakan ko ang dibdib ko at ang bilis ng tibok nito.
"Okay letsgame! " sabi nito at pinaikot ang bote hhuminto naman ito kay kiero at ang pwet nakaharap kay Alexander . Tumingin ako sa kanila at parang kinakabahan si Kiero pero si Alexander naman ay cool lang.
"Truth or dare?!" Tanong ni Alexander
"Dare." Ngising sagot ni kiero.
"Okay, ikaw ang maglilinis bukas sa kusina." Natawa naman ako dahil alam ko talagang wala silang alam trabaho pangbahay.
"What!? Iba nalang bro! "
"Tss narinig mo na ang rules kanina. " sabi ni Alexander at pinaikot ang bote sakto namang huminto ito kay tobi at sa akin nakaharap ang pwet ng bote. Nagulat naman ako.
"Truth or dare? "
"Truth." Ngiting sagot ni tobi
"Sino ang crush mo?" Tanong ko
"Ikaw" nagulat naman ako sa sagot nito. Ano? Ako? Bakit ako? Gulat akong nakatingin sa kanya at hindi makapaniwala.
"Tss."sabi ni alexander kaya ngumiti nalang ako wahhhhh lokong tobi to! Pinaikot ko na ang bote at saktong sa akin nakaharap ang ulo taena wahhhh at kay Alexander nakaharap ang Pwet ng bote.
"Yieeeee!" Sabi ni princess yumuko ako.
"Truth or dare. " bumuntong hininga ako at tumingin kay Alexander nakangisi ito taena, lumunok muna ako bago sumagot.
"Truth." Sabi ko bigla namang lumaki ang pagkangisi nito taena kinabahan ako.
"Sino ang first kiss mo? " nagulat ako sa tanong nito. Wahhhhhhh bakit niya pa tinanong walang hiyaaa siya!!! Tinignan ko sila at nag aabang sila sa sagot ko. Pumikit muna ako at sumagot.
"IKAW."lakas loob kong sabi unti unti kong minulat ang mata ko at.
O.O - ganiyan ang reaksiyon nila tobi, kiero at princess samantala si Alexander at nakangising tumingin sa akin. Jusko kainin mo na ako lupa!!!!
BINABASA MO ANG
SEEING YOU ( MY HOTTEST BILLIONAIRE HUSBAND SEASON 2) COMPLETE
Ficción GeneralWhat will you choose? Law Or Love. What if The love has a Law. Pipiliin mo bang sumugal para sa kanya? O Mas pipiliin mong Masaktan para lang hindi siya masaktan? Do you already Fall in love with someone? Na kahit anong hirap ang dinanas mo makit...