"Manong para po"
Kumuha ako ng twelve pesos sa wallet ko at binayad ko kay manong bago ako bumaba ng tricy.
Malayo-layo pa ang lalakarin ko dahil malayo pa ang bahay. Malapit ito sa City Hall.
No choice ako kundi lakarin na lang ito dahil walang mga tricy na dumadaan sa avenue na to. Sabado kasi ngayon at walang masyadong namamasada. Wala rin gaanong katao tao.
Mga mag-iisang kilometro pa ang lalakarin ko bago umabot sa bahay. Pawis na pawis na ako sa init kahit pa na may gamit akong payong.
Nagsalpa ako ng earphones sa tenga ko at nagpatuloy maglakad
Tatawirin ko na sana ang maliit na daan na ito nang tumawag si Jharine. "Tol, naka-uwi ka na ba?"
"Naglalakad na ako pauwi, Jha. Basta isesend ko yung Chapter 2 either today or baka bukas" sumbat ko nang medyo nahihingal dahil sa init.
"Mukang pagod ka na ata" rinig ko ang buntong hininga niya. " Sige Andi, tatawag na lang ulit ako"
Tahimik ang loob ng bahay pagpasok ko. Ibig sabihin hindi pa nakakauwi sila Daddy at mga kapatid ko. Naunahan ko ata silang makauwi
Dumiretso ako sa kwarto at kumalampag ako sa katre ko. In-on ko ang bentilador Sobrang init pa rin.I checked my watched at alas-dos pa lang pala ng hapon.
Nakatulog ako ng dalawang oras. Kinuha ko ang phone ko, naka ilang texts na pala si Daddy sakin. Sabing baka bukas na ata sila makakauwi dahil may aasikasuhin pa ata si Daddy at mukhang mag-eenjoy muna ng bakasayon ang dalawa kong kapatid
Then I guess, matutulog akong mag-isa ngayong gabi. Bumaba muna ako at pumunta ng kusina. Buti na lang at madaming laman itong ref. May dalawang kilo ng baboy na iaadobo ko na lang mamaya, may mga gatas, juice, hotdog at ibang red-foods. Kumuha muna ako ng mga pwede kong ipang meryenda.
Binuksan ko ang TV upang manood ng balita. Hindi ako yung tipong ng taong mahilig manood ng mga movies at series. "The violence here has inclined and became more severe since last week, and more people had gone rabid..." sabi nung babaeng reporter
Last week ay mga nirereport na mga taong inaatake ang ibang mga tao. Medyo nakakatakot ang itsura ng mga tao na nakita ko sa news coverage.Para silang mga halimaw na dugo-duguan ang mga bunganga. "...the cities of Los Angeles, New York and Chicago has been declared State of Emergency, please stay tuned for more news"
Di ko maiwasang makaramdam ng kaba at takot. Buti na lang at sa Amerika pa lang nangyayari iyan.
Malapit nang gumabi at kinandado ko naman na ang gate. Nagluto naman na ako ng adobo pang-dinner ko. After ko kumain ay ni-lock ko na ang front door at back door ng bahay
Maliit lang bahay. Parang pang- apartment lang, pero malawak naman ang lupa namin. Sementado naman ang fance ng bahay ngunit sa likod ay hinde. Bakal na bubong ang nagsisilbing fence ng bahay sa likod. Sinabi na rin naman na ni Daddy noon na ipapasemento niya ang back fence ng bahay
Sa neigborhood naming dito, hiwahiwalay ang mga bahay. Tanaw mo rin ang City Hall at iba pang regional offices dahil maburol ang lugar na ito
Pumunta naman na ako ng kwarto ko. Sakto namang nag vibrate ang phone ko.
It's Matt.
"Babe napatawag ka"
"Andi, it's my parents." At doon ulit ako magsimulang kabahan. Matt's parents are in Miami. They stayed they for weeks because of a business trip . And the US is in the middle of a health crisis which is becoming worse day by day.
"What about them? Have you spoke to them?" pagaalala ko. "Habang kinakausap ko sila, they we're cut off by a loud explosion, I heard mom crying and she said that Dad has been attacked by some man"
BINABASA MO ANG
Left Alone
Misterio / SuspensoIsa ka lang 17 year old na senior. Biglang magkakaroon ng apokalipsis nang hindi inaasahan. Hindi mo kasama ang iyong pamilya. Ang tanging kasama mo lang ang ay ang iyong minamahal na kalaguyo. Iyan ay pinagdaanan ni Andi kasama si Matt. Makakaya...