Chapter 2

3 1 0
                                    

"Andi, Andi wake up." Madalian ang akong ginising ni Matt. "There are people downstairs". Na-alarma naman ako sa sinabi niya. I checked my watch, alas-singko na ng umaga. Kinuha ko na ang bag ko na pinatong ko sa mesa sa tabi ng kama.

May mga tao sa baba? Paano sila nakapasok? Siguro mga militia ata sila at napatay nila ang mga zombies sa harap ng bahay. "Paano sila nakapasok?" nagtataka kong tanong. "They went at the back fence of the house. Two men, one woman. They also look young and they have rifles with them." Tanong niya habang nakatingin sa hagdanan.

"Bring your gun out, poin it at the stairs." Tinutok niya naman ang baril niya sa bandang hagdanan. "Wait, wait bakit?." Nagugulahan kong tanong. Bakit niya naman babarilin ang kapwatao niya. "Just do it Andi." Medyo tumaas ang boses niya kaya sinunod ko na lang ang utos niya.

"We don't know if they are also an enemy or not. They must be here for food. Probably, they also know that there are people here. Lalo na't nakaparada ang sasakyan sa pang-barricade ng gate". Tama nga siya. Sa sitwasyon ngayon, there is a wide scarcity for food and water. Malamang mag-aagawan ang mga taong makahahanap non.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa baril ko nang may marinig na kaming yapak papaakyatsa hagdanan. "Andi, get ready. You go to that corner, I'll go to this side." Agad ko namang pinuntahan ang pwestong tinuro ni Matt. Sa puwesto ko ay ang bintana kaya naaaninag ko ang gate na puno pa rin ng zombies sa labas.

Mas malakas na ang mga footsteps na papalapit. Puta. Nakalimutan ko ang flashlight ko sa kwarto. Mas naalerto ako ng nagpaputok na si Matt sa kisame. "Drop your weapons!" mariing utos niya. I've never seen him so furious. "Wait, wait ,wait don't shoot.". Sabi ng lalakeng nasa gitna. Binaba nga nila ang mga baril nila. "Naghahanap lang din kami ng iba pang buhay at mga pagkain na rin".

"Sino kayo at saan niyo nakuha ang mga baril na iyan?" pag-iinterrogate ko. "Ako si Pete". Sabi ng lalakeng nasa gitna. "Eto si Frank at si Natasha." Kumaway naman si Frank at ngumiti nang tipid. Tumango lang naman si Natasha.

"Ako si Andi, and this is Matt." Matt just nodded and smirk. "Mag-boyfriend kami." The three looked at us so astounded. Mukhang di nag-sink in sa utak nila ang sinabi ko. "Well hello sa inyo". Sabi ni Frank. "Hindi niyo pa nasasagot ang tanong ni Andi." Nakangusong tanong ni Matt habang seryosong nakatingin sa tatlo. "Galing kami ng Cabanatuan. Malala na ang lagay doon kaya nagdesisyon si Tito na pumunta na kami dito dahil mas malayo sa gulo, at sa mga matataong lugar. Pero nagkagulo na rin pala dito." Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Ilang sandali ay tinuloy ni Pete ang kanyang kuwento.

"Si Tito ang nagmaneho sa amin. Magpipinsan kaming tatlo." Kaya pala may pagkakahawig ang itsura nilang tatlo. "Nang malagpasan naming ang Cordon, may mga naghahabulan at nagkakagulo na sa Santiago. Pero nabasag ang ang bintana sa kinauupuan ni Tito at kinagat siya sa kamay." Bumagsak naman ang ulo ni Natasha at umiwas ng tingin samin. Tulala na rin si Frank. " Tumigil kami sa boundary ng Ramon at Santiago...

"Pete, Frank, Natasha, hanggang dito na lang ako, kailangan ko nang bumaba." Pilit buksanni tito ang pinto niya habang ako naman'y pinipigilan siya. "Pero tito, paano kaming tatlo, akala ko ba pupunta tayong apat ng Tuguegarao?" namumuo na ang luha sa mga mata ko. "Pete, ikaw na ang magmamaneho. Be a brother to Natasha and Frank. Mas kailangan ka nila". Nilingon niya naman sila Frank at Natsha. "Maging matatag kayo ah? Be strong and make your parents proud." Isang luha naman ang bumagsak sa pisngi niya.

"Pete, sundan mo itong daanan na ito. Huwag kayong mag-alala. Walang mangyayaring masama sa inyo. Wala masyadong nakatira sa mga dadaanan niyong daanan." Nagbulwak ng dugo si Tito sa kanyang bunganga. Tumalon ako sa sasakyan at niyakap ko siya nang mahigpit. "Tito ikaw na lang ang meron kaming tatlo." Hagulgol ko at ayaw ko nang kumalas sa yakap. " Sige na Pete, dali na, sundin mo ang utos ko." "Pero tit-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Left AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon