Chapter 3: Grotesque
Aeres Point of View
Napadilat ako ng mga mata ko nang maramdaman ang malamig na hangin na fumampi sa pisngi ko. Nakita ko kaagad ang itaas ko kung saan may mga maliliit na ilaw roon. P-pwede siyang maicompare sa mga bituin pero mas malapit lang sila. Agad akong napaisip kung paano nangyari iyon.
At doon ko narealize ag lahat.
Bumangon ako nang maalala na nahulog nga pala kami ni Ahvin mula sa isang balon. Kaya agad akong tumingin sa paligid ko. Parehas lang naman ang suot ko mula sa kanina. May kakaunting lamig at ginaw rin akong naramdaman dahil ba pa rin ang suot ko mula sa ulan.
Teka buhay pa ako?
Agad kong chineck kung may sugat, bali o kung ano man akong pwedeng maging dahilan para mamatay ako mula sa pagkakahulog pero wala, wala akong nakapa at naramdaman.
Nakahinga ako ng maluwag at tumingin sa paligid. Nagulat ako dahil nasa isa akong malawak na lupa na kung saan ay parang kawalan, tanging maliliit na liwanag lang din ang bumabalot sa itaas at siguradong kapag nilakad ko ito ay wala akong mararating.
Kinabahan ako.
"A-avin? Ahvin nasaan ka?" Pagtawag ko sa kasama ko pero wala akong makitang tao. Wala akong kasama.
"Avin!!" Pagsigaw ko. Pero bumabalik lang din ang boses ko sa akin. Gusto ko mang tumakbo pero nanginginig ang mga tuhod ko.
"Avin! Hindi na nakakatuwa ah! Nasaan ka ba?!" Tawag ko uli. Naiiyak na ako dahil literal akong nasa kawalan.
Bigla namang humangin nang sobrang lakas kaya agad akong lumingon sa pinanggalingan nito pero wala akong nakitang kahit ni isa, katulad lang din ng nauna.
"Aeres."
"Ay pusang—" hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang kusa akong mapaatras sa nakita. Isang iyong babaeng nakasuot nang hindi ko matukoy pero para siyang makikipaglaban katulad nung mga napapanood ko sa isang Fantasy movie. Kulay dilaw rin ang buhok niya na sumasabay sa mahinang ihip ng hangin. Mayroon din siyang dilaw at maliwanag na mga mata. "S-sino ka?"
"Hindi na mahalaga kung sino ako. You'll know soon. This is not the right time for that. Ang gusto ko lang malaman mo na..."
"N-na? Atsaka paano mo nalaman ang pangalan ko? Patay na ba ako? Nasaan ang kaibigan ko? Si Avin?" Tanong ko hanang kinakabahan.
"Hindi ka patay. Pero mamamatay ka kapag hindi mo ako pinakinggan."
Napaatras ako. "P-papatayin mo ko?!"
Tumawa siya ng nakakaloko. "No no no. I mean mamamatay ka kung hindi mo ako papakinggan. I will guide you..." Aniya. Tinignan ko siya ng may duda sa mga mata ko.
"I promise...mapagkakatiwalaan ako."
"H-hindi ko alam. Ngayon lang kita nakita," sabi ko. "Pero gusto kong malaman kung anong dapat mong sabihin."
"I know you can do this. Ikaw na lang ang inaasahan ko...namin," sabi niya na tila ba may hidden meaning sa bawat salitang binibitawan nito.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"May mga mangyayari at may mga hindi inaasahan kang malalaman at matutuklasan. Gusto ko lang sanang sabihin na sana ihanda mo ang puso't isip mo. Dahil ikaw...ikaw na lang ang inaasahan namin. Ikaw ang magtatama ng lahat."
BINABASA MO ANG
Blood Oracle 1: Scars Of Chaos[BxB] (Hiatus)
Fantasy"Hindi lahat ng nangyari mula sa nakalipas o nagawa sa nakalipas ay nakakalimutan ng ating isipan. Minsan, nag iiwan ito ng sugat na mapupunta sa markang magiging palatandaan at magiging tulay para maalala ito muli." Pipilitin ng binatang si Aeres a...