Chapter 4

1.5K 129 39
                                    

Chapter 4: Prope Sum


Aeres Point of View



Kasalukuyan kaming naglalakad ni Avin papunta sa mahahaba at malalaking mansyon na sinasabi nilang eskwelahan. Para itong literal na mansyon na pwede tirhan. Napatingin ako kay Avin na parang malalim pa rin ang iniisip.



"Avin, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.




Pero hindi niya ako nasagot.



"Avin, may problema ba?" Tanong ko uli.




Doon siya natauhan at tumingin sa akin. "Ah— huh? Ano nga uli yung tinatanong mo?"



"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi tulala. May problema ka ba? Pwede ka naman magshare sa akin," sabi ko sa kanya. Narinig ko ang mahina nitong pagbuntong-hininga.



"There's something off lang sa mga nasabi nila sa akin— I mean nasabi ni Keirra," sabi nito.




"About sayo? O sa akin?" Kinabahan ako.



"Well...sayo. But don't think about it, ok? Maybe soon magbago rin."




"Ang alin? Just say it, Avin. Ayos lang naman sa akin," sabi ko. Tumango naman siya.




"Keirra said na pwede ka na mag-aral dito. But the thing is...we're not classmates. Ilalagay ka nila sa last class which is for....weak westerians at for those na hirap at hindi pa ganoon nadidiscover ang ability nila," sabi nito.



"Hmmm ganoon ba? Ayos lang naman sa akin," sabi ko rito.




"Yeah for you but not for me. You see, this is your first time and ako ang nagdala sayo rito kaya responsibility kong bantayan ka. Uso rin kasi rito ang bullies and bad influences. So I'm afraid that something will happen," aniya.




Napangiti ako. "Thanks sa concern. But wala namang problema sa akin yun. Ganoon din naman ang naiisip ko. Magsisimula ako sa umpisa para makilala ko pa amg sarili ko. Sapat na yung timutulungan mo ako ngayon. Kaya ko naman na rin ang sarili ko sa ibang bagay," saad ko bago marinig ang isang boses na tila ba kumakanta.



"Ano yun?" Takang tanong ko.




"Ah, its time for our class," aniya at hinila na ako para tumakbo.



Pagkarating na pagkarating namin ay agad kaming dumiretso sa isang mansyon kung saan may pagkaluma na ito at tila ba nakakatakot ang aura. Napatingala ako sa bintanang nakabukas habang may isang matang nakasilip roon.



Bumukas naman ang may kalakihang pintuan nito at bumungad ang seryosong mukha ng isang babae. Nakatali ang buhok nito at nakasuot ng black dress na may pagka alon sa laylayan at umaabot hanggang  tuhod.



"Goodluck, Aeres. Just call me kung...kailangan mo ng tulong," sabi nito bago umalis. Halata sa kanya na  parang ayaw nito ang ginawa.




Pumasok na ako at sumalubong sa akin ang iba't ibang estudyanteng nagtatakbuhan at nagkakagulo sa hallway. Yung iba naman ay naglalaro at yung iba ay nag uusap. Pumasok kami sa isang room at doon mas grabe pa ang nakita ko dahil sa mga nagkalat na gamit at upuan.



"3rd row, last chair," sabi ng Babaeng sumalubong sa akin sa pintuan. Agad naman akong naglakad papunta sa bakanteng upuan at umupo roon. Ramdam ko pa ang pagtingin at panonood ng ibang naroroon sa akin.



Blood Oracle 1: Scars Of Chaos[BxB]  (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon