Chapter 20
In the middle of the night, I sneak out again from my room. Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay na makakapagagising sa mga tao rito sa bahay. Kahit na sanay na sila sa ginagawa ko kinakailangan ko pa ring mag-ingat dahil nga may mga matang nagmamatyag sa bawat galaw ko.
Mabilis akong tumakbo papalabas sa premises ng bahay, bitbit ko rin ang bag na kailangan ko. mga importanteng bagay ang laman nito kaya ingat na ingat din ako. Pagkalabas ko kita ko ang sasakyang naghihintay sa'kin. Nagmamadali naman akong pumasok doon sa harapan. Tumambad naman sa'kin ang mukha ng isang babae na kalat ang lipstick at magulong buhok.
Napailing ako. "Seriously, Clyde? Hanggang sasakyan ba naman!" pumasok na lang ako sa likuran.
"Siya ba ang tinutukoy mo?" tumango si Clyde saka ngumiti. Binaling naman niya ang tingin niya sa'kin.
"Sigurado ka ba na alam niya?" tanong ko habang pinagmamasdan na nag-aayos ang kalampungan ni Clyde kanina.
Tumango-tango siya. "Yup!"
Napabuntong hininga naman ako. Pinaandar na niya ang sasakyan niya at nagtungo na kami sa destinasyon namin. Hindi ko maiwasang kabahan dahil ngayon ko lang ito gagawin. Kung hindi lang talaga sa sinabi ni Asher hindi ko naman ito gagawin eh.
Pagkarating ko kanina sa bahay sumalubong agad sa'kin ang pagmumukha ng kapatid ko. Napasigaw pa ako sa gulat. Letse talaga!
"Sa susunod talaga kakatok na muna ako bago pumasok!" sarkastikkong wika ko.
"Ate, mag-usap tayo."
"Tungkol naman saan?" may pinakita siya sa'kin na nakakuha agad ng interes ko kaya sumunod na lang ako sakanya.
Pagkarating namin sa kwarto niya agad akong humiga sa kama niya. Kagagaling ko lang sa pasyalan kanina kasama si Kent. Nalate na rin ako umuwi dahil bumalik pa kami sa school dahil nandoon nakaparada ang motor ko. Gusto pa nga niya ako ihatid kaya lang humindi na ako.
"I found these," napabangon lang ako nang may nilapag siya sa tabi ko na isa na namang folder. Ni hindi ko pa nga nababasa 'yung isa 'tapos meron na namang panibago.
"Okay, I'll read it soon," sabi ko.
"No. You need to read it. Now," utos niya.
"Bakit? Pagod ako, eh. Sa susunod ko na lang 'to babasahin, okay?" tumayo na ako at akmang aalis nang magsalita siya. Nagulat ako at wala sa sariling napabukas ng folder.
"Naglalaman 'yan ng taong kasangkot sa nangyari three years ago."
Binasa ko ang nakasulat. Isa siyang lalaki. 48 years old at nakatira siya ngayon sa Cavite. Napag-alaman ko rin na wala na siyang asawa dahil nakipaghiwalay ito nang malaman niya ang tungkol sa naging trabaho niya sa New York.
"Ang iba niyang kasama?" tanong ko habang tinitingnan ang mga information na kailangan kong malaman.
Hindi nagsalita si Asher. Binitawan ko ang folder 'tapos nilapitan ko siya. "They are dead already. Ang lalaking 'yan ang siya lang nakaligtas." Naikuyom ko naman ang kamao ko.
"For what reason? Are you sure?" tumango siya sa'kin. "I don't know the reason."
Agad ako gumawa ng askyon ukol dito. Mabuti na lamang ay naroroon ang address kaya madali ko na lang siya mahahanap ngunit hindi magiging madali ang gagawin ko. That guy...he's suffering from an illness kaya nasa isa siyang hospital sa Cavite. He's in the mental hospital right now.
BINABASA MO ANG
Summer ( Season Series 1)
RomansSeason Series 1: Summer [COMPLETED] After she got into an accident, she lost her memories. She doesn't remember everything, even what was her life before. Everything she has before was now gone. For three years, she's been curious about herself, but...